2

11 0 0
                                    

"Reighn, breakfast!" narinig 'kong sigaw ni Mommy.

"Pababa na po!" sigaw 'ko rin pabalik.

Tumakbo na agad ako papuntang kusina dahil baka sumigaw na naman siya ulit.

"Nag book na ako ng grab mo. May payong, power bank, at mini electric fan na rin akong binili sayo," sabi niya nang makababa ako. Mahal na mahal talaga ako ni Mommy, syempre, ikaw ba naman nag-iisang anak.

Nagtaka ako dahil wala si Daddy, hindi naman yun umaalis ng bahay ng ganito ka aga. "Si Daddy po?" napatanong ako habang sumusubo ng pagkain. "Sinundo ng mga tito mo, maggo-golf daw sila," sabi naman niya. Nagpatuloy nalang ako sa pagkain dahil baka dumating na yung grab, kinuha 'ko na rin yung canva 'kong hindi 'ko naman nagalaw kagabi. "Mommy, bye!" hinalikan 'ko siya sa noo bago lumabas ng bahay. Tumakbo ako ng mabilis kasi nasa labas na pala yung grab, hindi 'ko man lang napansin. Tangina! Magkasabay pa nga kaming lumabas. Umagang-umaga pa lord oh, mamaya mo na ako subukin, please!

I saw him looking at me, pero hindi 'ko na yun pinansin at pumasok nalang sa loob. Nag good  morning pa ako kay kuya driver bago nagsuot ng seat belt. Naks, bait 'kong tao.

"Morning," bati sa 'kin ni Toby. Bakit parang wala naman yata 'to sa mood?

"Sinong umapi sayo?" tanong 'ko. Sinamaan niya ako ng tingin kaya mas lalo akong nagtaka. Inaatake na naman ba 'to ng topak? "Gago? Inano kita?" hinampas 'ko siya sa braso kaya parang natauhan. "Aray 'ko! Kinginamo!" sigaw niya pa. Inirapan 'ko siya at hindi na pinansin. "Reighner naman kasi e!" nagdadabog pa siya na parang bata. "Aba ayos! Kailan mo ako tinawag sa pangalan 'ko ha?!" hinampas 'ko ulit siya sa braso. Gaganti na sana siya nang biglang pumasok yung professor namin. "Oh, bakit nagkakasakitan?" tanong niya. Tumawa na lang kami pareho ni Toby at nag high five.

Inin-struct na ng prof namin kung anong gagawin ngayon kaya pinagpatuloy 'ko na lang yung ginagawa 'ko. Si Toby naman, pareho lang din kami ng ginagawa. Nakakabwesit nga lang kasi tingin nang tingin, ang sarap kunin ng mata. Nag iirapan pa kami, parang mga tanga.

Sa wakas, after how many hours, lunch break na. Hinila 'ko agad si toby papuntang canteen para itanong kung ano ba talagang nangyari sa kanya dahil hanggang ngayon, nakasimangot pa rin siya. Kahit naiinis ako, nag-aalala na rin tuloy ako.

"Napano ka ba?" seryuso 'kong tanong. Diniinan niya ako ng tingin. "Promise mo muna na hindi mo sasabihin kay Shad," sabi niya naman. Ayon, sabi 'ko na e, si Shad na naman problema ng tangang 'to. "Ano nga?" ang sarap din suntukin sa apdo, sobrang tagal magsabi. "E kasi kahapon, diba maaga akong umalis? Kakain naman talaga kami no'n e, tapos nung nasa resto na 'ko, nakita 'kong may kasamang iba. Tangina, magseselos na sana ako kaso sino nga ba ako para magselos? Magkaibigan nga lang pala kami."

Matagal niya naman na talagang pinoproblema yung pagiging magkaibigan lang nila. Gusto niya raw umamin pero hindi siya makahanap ng tyempo. Handa naman daw siyang i-risk lahat, kahit masira yung friendship nila. Importante sa kanya yung friendship nila, pero anong silbi ng pagiging kaibigan nila kung mas higit pa raw do'n ang nararamdaman niya? Worth the risk naman daw si Shad, kaso paano kung straight? Awang-awa na 'ko sa taong 'to.

"Tama naman yung sinabi mo na wala kang karapatan para magselos. But the question is, dapat ba talagang magselos ka? Nakita mo lang naman na may kasama siya, hindi mo naman kilala kung sino, diba? What if tatay niya pala yun?" sabi 'ko sa kanya. "Paanong tatay e parang kasing edad nga lang natin," paiyak niyang sabi. Si Shadyn lang pala magpapaiyak dito. "Tapos kaibigan lang? Ganyan yung reaksyon mo tapos kaibigan lang?" pang-aasar 'ko sa kanya. "Kahit naman i-deny 'ko, alam mo na. Pero magkaibigan naman talaga kami, hanggang magkaibigan nalang yata talaga kami e, tangina."

Hold Me TightWhere stories live. Discover now