Chapter 3: Childhood friend
3rd P.O.V"Ma, isama mo nalang ako?!" halos mag iskandalo na ang batang babae sa harap ng madla. Isama lang ng mama nya. "Hindi nga pwede, wag kang makulit maye." galit na ang ina ni Maye dahil hindi talaga mapaliwanagan ang anak. Mahigpit na kumapit ang bata sa damit ng babae sa kadahilanang hindi nya gustong pumasok sa school. Hindi niya gusto ang mga maiingay na lugar o may mga maraming tao. Nakakaramdam sya ng takot sa lahat.
Lumaki si Marie na ang kalaro lang ay si Kuya Jack. Hindi sya lumalabas ng bahay para makipag kilala sa iba. Hindi rin nya gusto na sya ang nagiging sentro ng mga usapan. Mahiyain sya at hindi palakibo.
Habang umiiyak, hindi nya namalayang nakapag lakad na siya ng napaka layo. "Hija, ayos kalang ba?" tanong ng matanda na isa sa kakilala ng kanyang mga magulang. Naka yakap sa sarili si Marie habang walang tigil sa pag iyak. Inakay sya ng matanda at dinala sa tahanan nito.
Naabutan nila ang isang batang lalaki na kasalukuyang naglalaro.
"Sya nga pala ang apo ko, si Carl." pakilala ng matanda bago sila lumapit sa batang lalaki na ngayon ay abala sa pag lalaro ng truck trakan. "Hi, ako nga pala si John Carlo, pero pwede mo akong tawaging Carl." pakilala ng batang lalaki. Naka ngiti ang batang lalaki habang labas ang mga pantay na ngipin at may bunging isa sa gitna. Maputi ito. May maamong mukha, mataba rin ang pisngi na mas lalong nakapag papalitaw ng kagwapuhan nito.Linggo-linggo o minsa'y parating naroon ang mag anak na Dela Torre para lang mangapitbahay sa pamilya De Villa. Minsa'y doon narin sila inaabut ng dilim kung kaya doon na rin sila madalas matulog. Walang kaso sa dalawang matanda na sina lola Dolores at lolo Danilo dahil malapit naman ito sakanila. Ikinatutuwa pa nga nila ito, dahil parating may kalaro ang kanilang apong si Carl.
Nagsimula naring mag aral ng elementary si Marie bilang grade 1 at hindi inaasahang mapapalipat sa ibang school, dahilan para mapahiwalay ito sa kaibigang si Claire.
Bago sa kaniyang paningin ang itsyura ng eskwelahan. Malawak ito. May isang classroom sa may palabas ng gate sa may gilid. May maliit ring daraanan na kung susunsunin mo ay madadaanan mo ang classroom ng grade 5 hanggang sa pinaka dulo kung nasaan ang classroom ng grade 6.
Sta. Ibarra Elementary School or should we common called SIES.Hindi malaman ni Marie kung dapat ba syang kilabutan dahil sa masamang titig sakanya ng mga estudyante roon.
Pinili nalang nyang wag itong pansinin bago umupo sa pinaka dulo sa may exit. Hindi din naman nya gustong kausapin ang mga batang hindi naman nya kilala.Nagulat siya ng biglang may lumapit sakanyang isang babae. Maputi ito, singkit ang mata at may katangkaran rin. Ngumiti ito bago umupo sa may katabi ni Marie. Hindi siya sana'y sa presensya ng iba pero kailangan syang masanay.
Makikita rin sa may unahan ang isang lalaking naka upo ng kumportable. Maputi ito at may matabang pisngi. Mukha rin itong masungit base sa itsyura nito. Samantalang, sa may gilid nito ay naka upo ang isang magandang babae. Maputi rin ito at kung tutuusin ay parang magkapatid ang dalawa.
May ilan pang tatlong babae ang tumatawa habang nakikipag kwentuhan sa dalawa na nasa unahan.Napatingin sya sa may gilid. Tinaasan siya ng isang kilay ng babae bago sya inirapan.
Hindi nalang nya ito pinansin, bago muling ini libot ang paningin sa kabuuang itsyura ng classroom ng grade 2.
May lamesa sa unahan at hulihan para sa adviser at subject teacher narin.Nagsimula ang klase habang si Marie ay hindi malaman kung ano bang dapat gawin. Hindi nya alam kung saan ang tindahan. Minsan narin syang sinugo ng adviser nila para pumunta sa classroom ng grade 6 pero naligaw sya at muntikang pumasok sa room ng grade 5 sa pag aakala na yun ang room nya.
Magkatabi ang room ng grade 6 at grade 2. Nasa may tapat nila ang room ng grade 3 na nag iisa lang. Nasa may kanan naman nito ang classroom ng grade 1 at kinder. Walang daycare sa SIES. Nasa kanang bahagi ng gate ang classroom ng grade 4 at nasa may pinaka baba naman ang classroom ng grade 5, kung saan katabi nito ang principal office.
* * *
After 4 years
Grade 4 na si Marie at kasalukuyan ngayong ginaganap ang Kadina de Mi Amor. Kung saan naka bunggang gown ang lahat ng babae at naka suit naman ang mga lalaki. Parang nasa gala night.
Natanaw ni Marie mula sa malayo si Carl. Naka ngiti ito dahilan para mapangiti rin si Marie. Kuntento na syang titigan ito sa malayo. Total lagi nya naman yung ginagawa.
Wala syang ibang ginawa kundi ang titigan sa malayo si Carl habang nakikipag tawanan kina Harold na mga classmate at friends din nito. Bigla syang naka ramdam ng lungkot ng maalalang aalis na pala ito sa SIES dahil high school na ito sa susunod na taon. Parang kailan lang ng una silang magkakilala sa bahay nito at ngayon pareho na silang malalaki ang sira ng ulo.Napangiti sya ng malaki ng tumingin ito sakanya bago ngumiti. Matangkad, maputi at gaya ng dati napaka amo parin ng mukha nito. Napaka inosente parin. Naka sunglasses silang lahat at pati sina Sam at Gab na nagbardagulan kahapon kaya malaki ang black eye sa kabilang mata habang basag parin ang kilay.
* * *
Graduation day is a special day? Or Saying goodbye day?
Abala ang lahat dahil sa graduation ngayon sa SIES. Ang mama rin ni Marie ang syang nagbibigay ng regalo sa mga gra-graduate Ng grade 6. Hanggang sa rumating ang kanina pang hinihintay ni Marie kaya hindi sya matali. Ngumiti si Carl ng matanggap ang piggy small stap toys na kulay violet. Nadadala si Marie dahil sa mga ngiting binibitawan ni Carl sa lahat maging sa mama nya at sakanya.
Unti -unting naglakad si Carl papunta, kung saan gaganapin ang graduation ceremony.
"Maye, o sayo nalang itoh." wika ng mama ni Marie bago ibinigay kay Marie ang isang kulay violet na piggy small stap toys. Napangiti si Marie matapos makita ang cute na cute na piggy stap toys. Medyo napapa hatching sya minsan dahil sa teddy bear pero ngayon hindi masyadong ma cotton ang stap toys. May hika sya kaya hindi talaga sya pwedeng kumapit ng pusa o kung ano mang mabalahibo o gaya ng cotton sa unan.Napalitan ng kakaibang lungkot ang mukha ni Marie ng maalala si Carl.
Aalis na ito papuntang U.S para doon mag aral.
Nasasaktan sya dahil mukhang yun narin ang huling beses na makikita nya ang ngiti nito. Ang inosenteng mukha nito. Ang pag aasar nito. Ang lahat ng yun ay mami-miss nya sa oras na umalis na si Carl.'pwede bang wag kanang umalis? Pwede bang manatili kana lang.
Naka tingin sya sa unti-unting paglayo ng likod ni Carl. Malapit na ito sa SIES. Gusto nyang tumakbo para lang pigilan itong makapasuk sa loob ng gate ng SIES. Pero nanatili lang sya sa isang hakbang bago umatras at tumalikod. Dala ang katotohanang wala na at hindi na nya mapipigilang umalis ang binata.
'I always waiting for you, until you came back Carl.
This is John Carlo De Villa©All Rights Reserve 2024
Date: Oct. 15, 2024
-moonlightstories
YOU ARE READING
You Write, I Read [part 1]
Short StoryFalling in love at first sight? Common called when you saw someone then you accidentally inlove with him. How creepy, right? A love story between Writer and Reader? This story dedicated of all teenager who accidentally falling in love in author on...