Chapter 5

66 38 1
                                    


Chapter 5: First Crush

Marie P.O.V

Madilim ang kalangitan.
Wala paring tigil sa pagbuhos ang napaka lakas na ulan. Napaka lamig rin ng simoy ng hangin dahilan para makaramdam ng pangangatog ang magkabilang tuhod ko.
Naka suot rin naman ako ng mahabang pajama at jacket, pero sadyang napaka lamig talaga kaya hindi ko mapigilang manginig.

Suspended rin ang klase sa lahat ng iba't ibang panig ng pinas, dahil sa bagyong Enrique. Seriously! Kailangan talaga kapangalan ng first crush ko. Parang nananadya ang PAG ASA.

'Have you experience na may aso, pusa o kaya bagyo na kapangalan pa talaga ng first crush  or ex bf mo?

Hindi ko makakalimutan yung first meet namin. Matangkad, maputi, matangos ang ilong, in short dream sya ng lahat ng babaeng katulad ko. Diko lang alam kong matalino. Mabait sya. As in subrang bait. That's why I'm accidentally falling inlove with him.

Balik tayo sa eksena. Abala ako sa pag gawa ng assignment. Yes, of course! Kahit kailan hindi makakalimutan ng mga subject teacher namin ang mag send ng assignment sa gc. Parang sing labo ng tubig sa imbornal na makalimutan nilang mag bigay ng assignment. Ganon kalabo. Naka gawian kona rin ang pakikinig ng music habang gumagawa ng assignment. Habang tumutogtog ang song na I Got The Boy. Nare-relate na naman ako. Yung tepong bawat song na naririnig mo, gusto mong i-relate sa sarili mo kahit ang layo.

Napatigil ako sa pag susulat bago tinakpan ang sign pen ko. Na fe-fell ko yung song na I Got The Boy. I don't know if bakit natigilan ako. Maybe, it because i remember someone? Someone na hindi ko alam kung makikita ko paba. Someone who make my heartbeat fast. Someone who can easily make me smile. He is the only one. He is my only one, i admiring from afar.





* * *






4 years Ago...

3rd P.O.V

Marie was already 12 years old. Grade 5. Medyo mature nang mag isip na hindi. Hindi kaputian, hindi kagandahan, pero matalino rin naman.

Hindi malaman ni Marie kung ano bang dapat gawin. Bibisita kasi sa bahay nila ang minestro.
Yes, Iglesias ni Cristo in short i.n.c sya. Maging ang lola ni Marie nasi lola Delly ay hindi magkanda ugaga sa pagwawalis sa harapan. Abala maging ang mama ni Marie sa paglalampaso ng sahig.
Sa may tapat naman ng salamin, abala sa pag posing si Jack, ang kapatid ni Marie. Hindi ito magkanda ugaga sa pag suklay ng kanyang buhok parang style ni Asel sa meteor garden, kung napanood nyo yun.
Tumatawa naman sa gilid si Marie habang nakatingin sa kuya nyang halos ubusin ang powder sa mukha at pilit pinatataas ang buhok para mag mukhang maangas. Maangas o ungas.

Napatigil ang lahat sa kani-kanilang mga ginagawa ng may i-ilang motorsiklo ang magsi tigil sa harapan. "Mukhang nandito na sila" nang sabihin iyon ng mama ni Marie. Halos hindi sila magkanda ugaga. Nagu unahan sila sa pag punta sa kwarto para mag bihis ng simple dress para sa doktrina.
Mabilis na nakapag bihis ang lahat. "Magandang Umaga po ka Enrique" bati ng mama ni marie, pagka pasuk ng lalaking matangkad, mestizo, maputi as in so much perfect combination. At ang masasabi kolang... Ang gwapo nya!

Uniangat ni Marie ang kanyang ulo para tingnan kung sino ang rumating. Gaya nang inaasahan, muntikan pang tumulo ang laway nya dahil sa pag awang nang bibig nang makita ang minestro. "Maganda Umaga rin ka Meriam." bati rin pabalik ng bagong dating na lalaki.
"Maaari na po kayong lumabas upang simulan kona ang doktrina kayyy... Maaari kobang malaman ang iyong pangalan." wika  ni ka Enrique kay Marie na naka nganga parin. Agad itinikom ni Marie ang bibig. Gusto nyang sipain ang kapatid,  dahil sa tinatawanan sya nito.

You Write, I Read [part 1]Where stories live. Discover now