Chapter 7

51 36 1
                                    


Chapter 7:  Exam
Exam is coming
Mga bagsak is crying

Marie P.O.V

Ito na nga ang kinatatakutan ko. This is it naba? Exam is coming at ngayon mismo gaganapin. Wag asahan ang mataas na marka dahil hindi ako nag review. 'review- review pang kalukuhan, sayang ang tato.

Halos lahat ng classmate ko ay alam kung kabado. 4th quarter examination ba naman kasi. Sinong hindi kakabahan dun. Ito na ang pinaka huling laban. Ang pinaka masakit pa sa lahat ay simula sa first hanggang fourth ang topic sa exam namin. E wala akong natutunan simula first at fourth quarter kaya pano na toh. ' Kung Wattpad topic lang toh, tyak perfect ako kaso hindi.
Hindi pa inilalapag ang exam pero inaantok na agad ako. Pero joke lang talaga, syempre nag review ako. Gusto kong i-enjoy ang time na toh kasi last day na ng pasukan bilang grade 9. Mag grade 10 narin ako, kahit puro karupukan ang natutunan.

Wala akong ibang naintindihan sa math kundi puro hugot ni sir Castro. Favorite word nya, wag kalimutan si ex.
Ex na nga tapos ayaw nyang kalimutan. Diba dapat matutu rin silang mag move-on. Pano sila makaka usad kung puro si ex ang nasa utak nila. Ang masasabi kolang ki sir Castro. Wala na syang pag asa. Masyado syang marupok. Kaya siguro nung nakaraan, nagawaran syang best in marupok award and best in second crush ng campus teacher award.

Gwaping kasi si Sir Castro. Matangkad, maputi, matangos ang ilong syaka may pagka mestiso rin. Halos kalahati yata ng classmate ko ay crush sya. Actually crush ko din si Sir Castro. Pero ngayon parang ang tingin ko nalang sakanya ay isang abnormal. Napaka dami kasing eme sa buhay. Halos lahat ng topic naka connect sa love, pero at the same time. Hindi sya boring mag turo. Imbes kasing antokin ay matatawa kana lang sa mga pick up line ni sir. Yung pick up line ni sir, hindi ko alam kong pakilig, real talk o kung ano. Diko gets ang pinanggagalingan nya.

Share ko lang kahit di kayo interesado. Isa akong girl na mahiyain at tahimik, but at the same time. Kahit tahimik ako. Kahit hindi ako nag re-recite. Ang masasabi ko lang napaka swerte ko. Ako yung tepong hindi pala recite. Dati nung grade 7, ganon ako para sa mataas na grade. Pero nagbago ang lahat nung walang pagbabago sa grade ko. Nung grade 8 naman ako, as in sa history topic lang ako may recitation or kadalasan sa health sa mapeh. Nagugulat nga mga classmate ko kasi kahit hindi ako mag recite sa unahan. Mataas parin ang nakukuha ko sa quiz, exam at sa grade. Pinaka mababa ko yata ay 85. Kahit ako nagugulat sa marka ko.
No recitation, no reporting pero wahh.
Mga line of 8 or 9 yung marka ko. At mas lumala pa ngayon grade 9 ako.
As in wala akong recitation. Mas gusto kong makinig kesa magpa pansin.

Nagsimula ang exam. Gaya ng dati tahimik akong nagsasagot. Unang salang palang ay halos dumugo na  utak ko. Math ba naman. Kahit yata pigain ko ang utak ko walang mangyayari.
Sumunod ang A. P
wala akong masabi. Kahit yata mag review ako wala paring mangyayari.

Agad akong nagbukas ng cellphone. Hindi mona ako nag take ng isang subject, total naka dalawa na naman ako.
Agad kong ini-open ang hidden images. Hahanap ako ng inspiration. Malay mo biglang iglap mawala antok ko. Napa ngiti ako nung makita ko ang ngiti nya sa cellphone. Naka facemask sya lagi sa picture nya. Di sya nag face reveal. Totoong hindi kopa sya nakikita in person. Sa tiktok kolang sya nakita. Na love at first watching yata ako hahaha😂

Namalayan kona lang ang sarili na naka salumbaba. Pilit kong pinipigilan ang ngiti. Baka makita na naman ako nina Claire tas sabihin nababaliw na ako. Nababaliw naman talaga ako kaso sakanya lang, eme hahaha😂

"Ta mo yung isa dyan, nababaliw na naman" napa irap nalang ako sa kawalan ng marinig ang sinabi ni Claire. Na spotted na naman ako.
"Tandaan mo walang forever hanggang walang kami" hindi ko napigilang matawa ng marinig yun. "wala naman talagang kayo, syaka yucks better hahaha " bara ko naman rito. Nakita ko ang pag irap nya. Halos kunti nalang yung itim sa mata hahaha.

You Write, I Read [part 1]Where stories live. Discover now