Prologue

5 0 0
                                    

Prologue


"Maligayang pagbabalik." isang matamlay na tinig ang aking narinig mula sa aking likuran bago ko pa tuluyang maisara ang pinto.

Ang kandilang nasa tapat ng bintana ang siyang ilaw lamang sa loob ng silid. Gabi na sa labas at ang kalahating buwan sa langit ang siyang nagsisilbing ilaw doon. dahan-dahan ang pagihip ng hangin mula sa labas ng bintana ang siyang nagpasayaw sa dilang apoy ng kandila.

Ibinaba ko ang sako ng palay sa paanan ng malaking halaman na nasa tabi ng aming pintuan. Pinagpagan ko ang aking damit bago tuluyang hinanap ang pinagmulan ng tinig.

"Hindi ka ba nababagot dito sa loob?" tanong ko dito. Tinanggal ko ang sapatos ko at inilagay ito sa lalagyan ng mga sapatos kasama ng iba pa.

Bumagsak ang itim nitong buhok mula sa kanyang mga daliri at tinignan ako.

"Ilang taon din akong naglakbay Dorotheo, pagbigyan mo ako at hayaan mo akong magpahinga." ngumisi ito at inayos ang pagkakahiga sa maliit na sofa sa sala. Ang kanyang itim na buhok ay bumagsak sa likuran ng sofa at kaunti na lamang ay hahalik na ang mga ito sa lapag.

Umirap ako sa kawalan at inagaw ang librong hawak-hawak niya. Ngumuso siya at inayos ang upo.

To conquer.

"At saan mo nakuha ang librong ito?" lumipad ang tingin ko sa kanya na kasalukuyang nakamulsa at nakairap.

"Sa tabi tabi" ngumisi ito.

Umirap ako at mahinang sinampal sa ulo niya ang librong hawak ko.

Paupo pa lamang ako nang biglang lindulin ang buong silid.

Muntik na akong matumba dahil doo, mabuti na lamang at nakahawak ako sa kamay nito.

Sa labas ng bintana ay nakitang nagkulay kahel ang kalawakang kanina lamang ay itim. Ang mga nagniningning na mga bituin sa kalawakan ay napalitan ng mga nagliliyab na abo.

Lumapit ako sa bintana at pinagmasdan ang kalawakan.

Malayo man kami sa pinagmulan ng abo ay rinig namin ang malalakas sna iyak at takot ng mga taong naroon.

"Tulong!"

"Josefina!!"

"Tatay!! Nandito ako!!!"

"Isang dekada" malamig na tinig niya. Nasa tabi ko na ito ngayon at nakapirmi ang mata niya sa pulang liwanag sa kalayuan.

"Ang digmaang na ito ay tila walang katapusan. Ilang mandirigma at inosenteng mamamayan pa ang magsasakripisyo ng kanilang buhay para sa larong sinimulan ng mga nasa trono?"

"Ang mga kaharian na kabilang sa digmaang ito ay tila walang pakialam sa mga sinasakupan nito, ang kanilang hangarin lamang ay ang makuha ang yaman ng isa't isa... tila nakakalimutan nila na ang yaman ng kaharian ay ang mismong mga mamamayan nila."

Kuminang ang bughaw nitong mata at tumingin sa akin.

"Dorotheo." sinundan ng aking mga mata ang kanyang bibig ng bigkasin niya ang gamit kong pangalang. Sa aking mga mata, siya lamang ang kaharap ko, ngunit sa narinig ng aking tainga ay tila ilang boses ang bumigkas ng aking pangalan. Hindi lang isang daan, kundi marami sila.

Unti-unting kuminang ang aking mga mata at sinalubong ang kanyang mga mata.

Bumugso ang napakalakas na hangin at pinatay nito ang mga kandila, ang mga pahina ng mga aklat na nakakalat sa sahig ay mabilis na nagsilipat.

Lumindol ulit sa aklatan at ngayon ay nakarinig na kaming pagsabog galing sa labas.

"Ang layunin natin sa mundong ito ay magsisimula na. Ang tungkulin natin sa mundong ito ay kailangan na nating gampanan. Dorotheo.. As the leader of our kind, I give you the "Authority" ."

Nakaramdam ako ng malamig na bagay na tila nakapulupot sa aking katawan, at ang bagay na kanina ay nararamdaman ko lamang ay nagbigay anyo. Ang mga kadenang matagal nang nakakabit sa akin ay unti-unting nagkaroon ng bitak hanggang sa tuluyan na itong nasira at nawala. Ilang segundo lamang ay pinalibutan ako ng gintong ilaw at ang ilaw na ito ay pumasok sa aking balat.

Mas lalong lumakas ang ihip ng hangin sa silid at nililipad na halos lahat ng gamit sa loob pero hindi alintana ang dalagang nakatayo sa aking harapan.

"Tayo'y magsimula na" sambit nito at humakbang siya paatras hanggang sa tuluyan na itong mawala sa aking paningin.

Tumingin ako sa aking mga kamay at naramdaman ang matinding kapangyarihan na dumadaloy dito.

Ihahakbang ko pa lamang ang aking mga paa patungog sa nahulog na mga aklat ng biglang nagpakita siyang sumulpot sa aking harapan.

"Bago ang lahat magsaing ka muna at kumain tayo. Bilisan mo at nagugutom ako." ani nito at nahiga sa sofa bago ipinikit ang mga mata.

Bumuntong hininga ako at pumulot ng isang libro sa lapag at mahinang ibinato ito sa kanyang ulo.

"aray!"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 14, 2024 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Tales of the DeadWhere stories live. Discover now