RESTROOM SA 5TH LEVEL

5 0 0
                                    


Matagal ko nang problema ang pagkakaroon ng maliit na pantog. Yun bang napapadalas ang punta mo ng banyo dahil lagi kang naiihi. 


Dati akong nagtatrabaho bilang service crew sa isang fastfood chain na nasa loob ng mall. Sa unang buwan ko ay hindi naging madali ang trabaho ko, hindi lang dahil sa ito ang una kong trabaho, kundi dahil na rin sa kondisyon ko.


Maayos man ang pagtatrabaho, walang araw na hindi ako nasesermunan ng manager namin dahil oras-oras ay nagpapaalam akong pumunta ng banyo. Naalala ko pa noong isang beses ay pinagbantaan niya akong tatanggalin sa trabaho kapag nagtagal pa ang ganitong asal ko. 


Wala akong pera pampa-check up dahil hindi rin sumasapat ang kinikita ko sa araw-araw naming gastos at bayarin sa bahay. Sa halip ay nag-research na lang ako patungkol dito at ang sabi, isa sa mga factor ng ganitong condition ay ang sobrang pag-inom ng caffeinated drinks, kaya naman iniwasan ko na uminom ng ganoon gaya ng kape, kaso kailangan ko ring limitahan ang pag-inom ng iba pa gaya ng tubig at soft drinks.


Kalaunan ay nagawa kong i-manage ang condition kong ito. Hindi na rin ito gaanong nakaapekto sa trabaho ko dahil hindi na ako napapadalas sa pagpunta ng banyo. Nabawasan na rin ang panenermon sa akin ng manager ko, pero may mga oras na tinatawag niya pa rin akong CR Girl kapag nagbibiruan kami. 


Pero may isang beses na hindi ko napigilang hindi magbanyo.


Tanda ko pang apat na buwan na akong nagtatrabaho sa fastfood chain na iyon. Closing ang shift ko. Birthday kasi ng isa naming kasamahan sa trabaho at last day niya na rin dito, kaya naman isinabay niya na rin ang padespedida niya. Sobrang dami niyang biniling pagkain, na ultimo yung mga nagtatrabaho sa katabi naming mall tenant ay nabigyan din ng handa. Wala namang problema sa amin, dahil walo lang naman kaming naka-assign sa closing shift, kaya baka masayang din ang pagkain kahit mag-uwi pa kami.


Sa sobrang kawilihan ko sa pagkain, hindi ko namalayang marami na rin pala akong nainom. At hindi tubig, kundi puro softdrinks pa. 


Nagpaalam ako sa mga kasama kong magsi-cr lang ako saglit. Walang may balak sumabay sa akin kaya umalis na ako kaagad, narinig ko pang sumigaw ang manager namin ng "Sige lang CR Girl, take your time" saka sila nagtawanan ng mga kasama namin.


Nasa loob ng supermarket ang pinakamalapit na restroom sa amin pero dahil sarado na ang mall, ganoon din ang supermarket. Kaya naman dumiretso ako sa banyo sa 2nd level ng mall, kaso lang ay hinarang ako ng janitress dahil naglilinis na sila. 


Paakyat na ako ng 3rd floor nang may tumawag mula sa likod ko.


Paglingon ko, nakita ko ang isang lalaking guard na tantya ko ay nasa mid-50s na. Familiar siya dahil nakita ko na siyang nag-iikot sa parking lot pero isang beses lang noong may ipinadala sa akin sa admin office.


"Anong tenant ka, Miss? Nasaan ang ID mo?" tanong niya nang makalapit.


Doon ko na-realize na naiwan ko pala ang ID ko. "Sa *** ako, Kuya. Sorry, nasa apron ko kasi yung ID ko hindi ko na nasuot. Pero magsi-cr lang naman po. Bukas pa ho ba yung sa 3rd floor?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 14 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SHOKOTFICSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon