TRIP TO TAGAYTAY (pt. 2)

9 0 0
                                    

4:16 pm

Hannah's PoV

Pagod kaming umuwi ng dorm. Hindi na kami natuloy sa Tagaytay dahil sa nangyari. Nahanap na rin namin si Nicole.

"Pagkaalis nyo, umidlip lang ako saglit. Sinet ko pa yung alarm noon ng ilang minuto para sumunod sa inyo kasi alam ko namang magtatagal kayo, lalo na yang si Sam," kwento ni Nicole habang nakahiga kaming lahat sa kama.

"Tapos nagising ako sa alarm, ang weird nga eh, 15 minutes yung sinet kong alarm pero pagtingin ko sa oras, 2 hours pala akong nakatulog. Hindi ba dapat di na tutunog iyon?"

"Sht, ang creepy ha," -- Sharlyn.

"At dahil 2 hours na at wala pa rin kayo, tinawagan ko na si Diana."

"Hindi ka man lang lumabas para tingnan kung nasa 8/11 kami?"-- takang tanong ni Gazelle.

"Tinatamad akong lumabas eh hehe," kamot-ulong sabi niya.

"Tangnang yan. Tinamad kang lumabas para hanapin kami? Eh pano kung nandoon lang pala kami? Kung sakali, nakita ka pa namin at di ka naiwan! " --Sam

Napayuko si Nicole. Siniko naman ni Diana si Sam at sinenyasan na tumahimik. Tinuloy ni Nicole yung kwento niya.

"Tapos ayun, tinawagan ko nga si Diana kasi wala pa rin kayo."

Eto yung tumawag siya nung araw na iyon. Tatlong araw na namin siya hinahanap. Nagreport na kami sa police 24 hours after naming umalis sa 8/11. At ngayon, papunta kami sa police station ilang milya ang layo doon.

[Flashback]

"Baka gusto mong bilisan?" inis na tanong ni Diana sa akin.

"Kalma ka, hindi naman po aalis yung police station kahit bagalan ko pa," sarkastikong sabi ko.

"Wag ka ngang pilosopo. Parang di ka nag-aalala na nawawala si Nicole ah."

"Wala akong sinabi na ganyan. Ang akin lang, kahit paharurutin ko pa itong van, pareho pa rin yung sasabihin ng mga pulis: NA WALA PA RING BALITA. Lecheng yan. Mga walang kuwenta maghanap," inis na rin na sabi ko.

"Guys, balikan kaya natin yung convenience--"

"No way!"-- sabay na sabi ni Gazelle at Sam. Wow, sosyal nag-english.

"Eh baka lang kasi nandoon--"

Biglang nag-ring yung phone ni Diana. Napatingin kaming lahat sa kanya. Pero syempre tumingin ulit ako sa kalsada, duh.

"Guys..." -- Diana.

"Ano?" -- ako.

"Si Nicole, tumatawag."

"Aba, edi sagutin mo na!"-- ako.

Inirapan nya ako bago pindutin ang phone. Ni-loudspeaker niya para marinig naming lahat.

"Hello, Nicole--"

"Nakanam, asan na ba kayo? Ang tagal nyo naman bumili. Nakatulog na ako't lahat dito sa Van, nandyan pa rin kayo sa convenience store? Bilisan---"

Ha? Kunot-noo kong tiningnan si Diana na takang-taka rin sa narinig.

"Nasaan ka ulit kamo?" tanong ni Diana.

"Nasa loob ng van. Bakit ba?" -- Nicole.

"Nakasakay kami sa Van ngayon papuntang police station. Nasaan ka ba?! 3 araw ka na na ming hindi ma-contact mula nung iniwan ka namin para pumunta ng convenience store."

Ilang segundo kaming walang narinig sa kanya bago namatay yung tawag.

"Guys baka andoon pa talaga siya sa 8/11," sabi ni Sharlyn na agad kinontra ni Gazelle.

"Kung naaalala mo lang naman diba? Ilang oras tayong naghanap doon pero walang Nicole na nagpakita. At saka pagkatapos ng nangyari sa atin, hinding-hindi na ako babalik-"

"Ipunta mo sa 8/11," sabi ni Diana.

Imbes na sa police station, iniba ko yung daan papuntang convenience store. Nagreklamo pa rin si Gazelle pero hinagisan na lang sila ng dalawang m&ms ni Diana. Aba, tumahimik ang gaga. Pero di ko rin naman sya masisisi na hindi bumalik dahil rin sa kakaibang nangyari sa amin bago umalis doon.

Pagkarating namin doon, nakita namin siya sa parking lot ng convenience store, nakahandusay sa mismong pwesto kung saan kami nag-park dati. Agad kaming tumakbo papunta sa kanya. Nung hinawakan namin siya, kasing lamig ng bangkay ang katawan nya.

At agad namin siyang dinala sa ospital.

[End of Flashback]

"Salamat ha. Buti na lang naisipan nyong bumalik roon." -- Nicole.

"Naku, kung hindi ko pa pinilit, di pa talaga sila papayag na bumalik roon," parinig ni Sharlyn.

"Oo na, oo na. Tenk yu beri mats," pang-asar na sabi ko.

"So ano, re-sched natin yung outing?"-- Sam.

"Oo naman. Kung gusto nyo doon pa rin sa Tagaytay. Ang dami ko kasing gustong ipakita sa inyo," -- ako.

"Call ako," -- Nicole.

"Yiieee, kanino ka ko-call, kay ano?"-- Sharlyn.

"Edi wow. Corny mo lul."-- Gazelle.

"So Tagaytay na yan ha? Next week." -- Diana.

Sumang-ayon ang lahat.

"Pero ayoko nang bumalik doon sa pinag-stop overan natin." -- Gazelle.

"Same." -- Sam.

"Ako rin, huhu." -- Sharlyn.

"Bakit? Anong meron sa convenience store?" -- Nicole.

Saglit kaming tumahimik.

"Pagkain. Tapos mga beer. At hot na cashier," sabi ni Sharlyn na tumawa ng peke.

"Cashier naman yung trip mo ngayon," sakay ni Gazelle kay Sharlyn.

"May mga gwapo namang cashier ah, may nakita ako, doon sa MiniGo. Single pa daw sya, so ayun kami na agad," -- Sam.

"Haharot nyo talaga," natatawang sabi ni Nicole.

Nagtawanan na lang kami sa usapan nila. Pasimple ko namang tiningnan si Diana na binigyan ako ng makahulugang ngiti.

SHOKOTFICSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon