SIRI CHAPTER 8
"Gaano mo ba kailangan ng pera para paulit ulit mong ipagamit yang katawan mo?"
Dahil sa kaniyang tanong ay biglang nag init ang ulo ko. I stared at him thoroughly. Then smiled before answering his question.
"I need money that much. No scratch that. Mahal na mahal ko ang pera na kahit anong beses gamitin ang katawan ko ay okay lang sa akin. Ano? Masaya kana? Kung wala ka nang tanong ay itikom mo na iyang bibig mo!"
Hindi ko na siya hinintay pang magsalita at nauna nang maglakad upang hanapin ang daan pabalik kung nasaan man kami.
Hindi ko alam kung may naapakan ba akong tae nung papunta kami rito at sobra sobra ang kamalasang natatanggap ko dahil sa lalaking ito. Kani Kanina lamang ay masaya kaming nakasakay sa Bangka nang biglang dumilim ang ulap at sunod sunod na malalakas na alon ang sumalubong sa amin.
"Nakaka inis ka talaga! Arghhh!!!"
Ang biglang saad ko sa kaniya bago siya sunod sunod na hampasin na siyang ikinagulat nito. Dapat lang yan sa kaniya dahil siya ang may kasalanan kung bakit kami na trap sa hindi ko alam kung anong isla ito! Kung hindi ba niya naman ako hinila kaninang may malakas na alon kaming nakasalubong ay hindi ako masasama sa pagbagsak niya sa tubig. Nakakainis talaga! Arghh!!! Bakit ba hindi na lang siya ang mag isang natangay ng malakas na alon!
"Sorry na nga diba! Kasalanan mo rin dahil hindi mo hinigpitan ang hawak mo sa kable! Kumain ka kasi ng marami para hindi parang papel na bigla bigla na lamang tinatangay ang katawan mo!"
Ang natutuwag sagot nito at nag uuyam pa. Dahil baka kung ano pa ang magawa ko sa kaniya ay mas binilisan ko pa ang paglalakad upang makaalis sa kaniya.
"Sorry na kasi! For sure naman hinahanap na tayo nila Sol kaya wag mo nang pagurin ang sarili mo at maghintay na lamang tayo. Mag gagabi na rin oh. instead na libutin itong isla ay magsimula na lang tayo magtayo ng tent lalo pa at mukhang malakas ang ulan na paparating."
Napahinto naman ako sa paglalakad at tinignan ang itaas pati na rin ang paligid. Tama naman siya dahil may makapal na itim na ulam ang paparating sa isala kung nasaan kami. Siguro mga bandag alas sais na rin at mag didilim na mamaya.
"Dahil kasalanan mo naman kung bakit tayo na trap sa islang ito ay ikaw ang maghanap ng mga kahoy! Mag-isa mong magtayo ng tent!"
Ang sigaw ko sa kaniya bago maghanap ng pwesto kung saan masarap magpahinga. Ayoko naman na pumasok sa gubat dahil baka makasalubong ako ng mabangis na hayop o di kaya ay ahas. Hayan mo ang lalaking damuho na ito!
"Tsk! Ang sungit mo naman miss. Kaya mas lalo kang nagiging cute eh."
Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kaniya bago siya batuhin ng debris na nakita ko sa tabi. Tatawa tawa naman niya itong inilagan bago pumasok sa gubat.
"Stay there, ako na bahala sa tent natin babe. Sisiguraduhin ko na magiging komportable tayo mamaya sa hihigahan natin. Mas komportable pa sa kama niyong dalawa ni Sol."
ang kikindat kindat niyang saad bago tuluyang pumasok sa loob ng gubat. Nang tuluyan na siyang mawala sa paningin ko ay isang malakas na buntong hininga ang pinakawalan ko. I tried to look for my phone pero signal naman ang wala rito. Paano ko siya kokontakin. Kumusta na kaya siya. Kumain na kaya siya. Nag-aalala ako sa kaniya dahil nung isang lingo ko pa siya nabisita, this is supposed to be the days I'm gonna visit him pero ang hirap tanggihan ng alok ni Sol lalo pa at ang laking halaga rin nito kapag. Hindi ko na kailangang magpakasta sa sampung lalaki ng sunod sunod upang makaipon ng limampung libo.
"Ang lalim naman ng iniisip mo. You can share it to me, I'll listen."
Nagulat na lamang ako ng biglang sumulpot ang lalaking kinaiinisan ko sa tabi ko at ang lapit ng mukha niya.
"Pwe! Ano ba yan Siri!"
Ang nagrereklamong saad niya habang pinupunasan ang mukha nitong nalagyan ng maraming buhangin dahil sa bigla kong pagtulak sa kaniya. Eh nanggugulat eh!
"Wag ka ngang feeling close!"
Ang rebat ko naman sa kaniya. Masiyado siyang papansin. Nung isang araw lanag parang nandidiri siya sa akin at walang paki alam pero ngayon na kami lang dalawa ang magkasama ay napaka papansin nito.
"Eh ano ba ang kailangan kong gawin para maging close tayo? Kailangan ko bang sumayaw ng ganito? Hmm? Oh gumiling giling na ganito para matuwa ka sa akin?"
"HAHAHAHAHAHAHAHAHA"
Bigla na lamang siyang kumembot sa harapan ko kaya naman hindi ko na napigilan ang bumunghalit ng tawa. Tangina! Ibang iba siya sa nakilala ko nung nasa school kami at kapag may kasama kami kumpara ngayon na tanging kaming dalawa lamang ang magkasama.
"See? You look more beautiful kapag tumatawa ka. I'm so sorry if naging jerk ako sayo this past few days. I just didn't know to approach you. Until kapag iniinis kita ay saka ka lang nag re react sa akin."
I admit. He look so cool while saying those words. Maamo ang kaniyang mukha, his sweet smile, and sincere like appearance. Wala namang masama kung hayaan kong maging mag kaibigan kami diba?
"Thanks. And apology accepted. Pero mag-isa mo pa ring magtayo ng tent hindi kita tutulungan ah."
Natawa siya ng malakas dahil sa naging sagot ko sa kaniya pero wala naman siyang naging reklamo. Instead, binigyan niya ako ng isang bungkos ng rambutan bago siya magsimulang magtayo ng magiging tent namin. Galak kong nilantakan ang dala niyang rambutan habang pinapanood siyang magtayo ng tent.
"Fuck! Ang sarap niya"
Agad akong naapatakip ng aking bibig dahil sa mga katagang binigkas ko. Mabuti na lang nang tignan ko siya ay hindi niya narinig. He's busy shoving muds and tiding knots. Nakahubad baro siya at hinahayaan niya ang kaniyang pawis na balutin ang kaniyang makisig na katawan. Kada bungkal niya ay nag f flex ang kaniyang mga braso at nagsisilabasan ang mga ugat nito sa kaniyang mga kamay. At kada buhat niya ng mga kahoy at bato ay umaarangkada ang abs nitong kompleto sa walo. Fuck! His body is making me insane!
"Fuck! Sumilong ka na rito!"
Ang sigaw ni Lawrence nang bigla na lamang pumatak ang malalakas na butyl ng ulan. Mabilis naman akong pumasok sa kubong ginawa niya, makapal ang inilagay nitong bubong na puro malalapad na dahon, parang bahay ng manok ang disenyo nito pero sapat para sa aming dalawa upang magkasiya.
"Giniginaw ka ba? Here, use my shirt. Basing basa ka."
Ang nag aalalang saad nito sa akin habang inaabot ang kaniyang tuyong damit. I looked at his body that is soaking wet dahil maging siya ay basa rin ng tubig ngunit heto ako at nanginginig habang siya ay parang wala lang.
"Hindi ka ba nilalamig? Basa ka rin naman ng ulan oh. Baka mamaya ay ako ang maging rason kung bakit ka magkasakit. Ako pa ang sisihin ni Tasha."
Ang birong saad ko sa kaniya. He just chuckle while urging me to accept his clothe. Nang makuha ko ang kaniyang damit ay agad ko itong ipinatong sa katawan ko. his manly smell lingered immediately in my nose, ang bango! Nakaka adik!
"Ehem!"
Nahiya naman ako nang marinig ko siyang tumikhim dahil kitang kita niya kung paano ko singhutin ang kaniyang damit.
"S-sorry, ang bango kasi"
Ang nasabi ko na lamang sa kaniya na siyang muling ikinatawa nito.
"Ito, kumain na tayo. Mabuti na lamang at marami akong prutas na nadaanan Kanina. Bukas ay magsisimula tayong maglakad papasok sa gubat. I think may naninirahan dito sa Isla, these fruit will not grow unless someone is farming them."
Napatango naman ako sa kaniyang sinasabi habang nilalantakan ang ubas, may manggang hinog din siyang nakuha at ponkan.
"Nanay!"
Ang malakas kong sigaw at napakapit kay Law nang marinig namin ang malakas na pag kulog na sinaasabayan pa ng pag kidlat. Maging siya ay nagulat din pero agad na nakabawi dahil sa nakakatwang rekasiyon ko. well, sino ba naman ang hindi matatakot at magugulat kung ganon kalakas ang dumagundong sa harapan mo.
"Matatakutin ka pala sa kulog at kidlat, halika rito baby. Yakap ka sa akin."
Nagsisimula na naman siyang mag biro kaya naman inismiran ko lamang siya. Nagulat na lamang ako nang buhatin niya ang maliit kong katawan at ilagay sa pagitan ng kaniyang mga hita.
"Continue eating, nilalamig na rin ako. Yakapin na rin kita para hindi ka matakot sa kulog at kidlat. Hmmm?"
He said it to me behind my ears too close na siyang nagpa nginig sa akin. He began caressing my arms that made me feel something inside me. Ano itong nararamdaman ko?
"L-lawrence..."
Ang tanging naiusal ko nang maramdaman ko ang kaniyang mukha na nakadikit sa aking leeg at lantaran itong sinasamyo. Fuck!
"Shhh. Tayong dalawa lang ang nandito, walang Sol at walang Tasha. Malaya nating gawin ang gusto nating gawin nang walang ibang nakaka alam. I know you like this too."
Sa kabila ng sunod sunod na pag kulog at pag kidlat ay mas nangibabaw ang mabilis na pagtibok ng aking puso.
Itutuloy...

BINABASA MO ANG
SIRI D'SUCKER
AdventureSino ang magaling magpalasap ng sarap sa lalaki? Of course mga Bakla. Meet Lawrence Agustine, tatanggapin ba niya ang alok sa kaniya ng kaniyang kaibigan na subukang makipag niig sa FUBU nitong bakla para naman maibsan ang hinahanap hanap nitong sar...