SIMULA

120 2 1
                                    

Simula

"Yana! Ang tagal mo namang lumabas! Kanina pa ako naghihintay dito!" reklamo agad ni Adelina nang makita n'ya akong palabas mula sa pastry shop na pinagtatrabahuhan ko.

Alam kasi n'ya kung ano'ng oras ang out ko sa trabaho, kaya alam kong kanina pa s'ya naghihintay dito sa labas.

Nag-text kasi s'ya sa'kin kaninang tanghali na dadaanan n'ya ako rito sa shop, dahil ililibre n'ya raw ako kung saan ko gustong kumain. Sinabi ko na sa kan'ya na huwag na s'yang mag-abala at ayaw kong gumastos pa s'ya ng pera.

Kanina pang 4:00 pm natapos ang trabaho ko, pero nang tingnan ko ang oras sa cellphone ko ay mag-aalas singko na pala ng hapon. Chineck ko rin kung may message mula sa mga naging kliyente ko, ngunit wala akong natanggap.

Bukod sa pagiging assistant pastry chef ay tumanggap din ako ng mga order. Mga kakilala ni Adelina ang mga naging kliyente ko, minsan nirerefer din ako sa mga kakilala nila kaya minsan kumikita ako kahit papaano.

Ang hirap talagang maghanap ng pera ngayon. Kailan kaya mangyayari na. . . 'yong pera naman ang mamroblema sa'kin? Hindi 'yong ako lagi ang namroblema sa pera. Hays!

"Pasensya ka na. Kinausap ko si Sir Jem kanina sa opisina para humingi ng advance, alam mo na, baka palalayasin na ako sa apartment kapag hindi pa ako nakapagbayad." A heavy sigh escaped my lips.

Imbis na maawa s'ya sa'kin ay tinaasan lang ako ng kilay at sinimangutan pa ako.

Kaibigan ko ba talaga ang babaeng 'to? Hindi man lang naawa sa akin! Hmp!

"Do'n ka na lang kasi tumira sa'min para may kasama naman kami ro'n ni Mama, at saka. . . para hindi ka na mahihirapan sa buwan buwan mong binabayaran sa apartment mo." aniya sabay kapit sa braso ko at naglakad na kami.

May naipon naman ako ngunit hindi parin 'yon sapat para mabayaran ang matagal ko nang inaasam na makuha. Ang bahay at lupa namin sa probinsya. Mag iisang taon narin akong nagiipon para doon, pero hanggang ngayon hindi ko parin mabuo-buo.

Dalawampung milyon. Dalawampung milyon 'yon, Liliana, baka nakalimutan mo. Napailing na lamang ako.

"Sinabi ko naman sa'yo na ayos lang ako, may trabaho naman ako at kaya ko naman ang sarili ko." I sighed again.

Gusto n'ya kasing makasama ako sa bago n'yang apartment. Ilang beses ni'ya na akong sabihan na doon na lamang ako tumira sa kanila, ngunit hindi ako pumapayag.

"Magkano nga ulit 'yong utang mo?" Tanong n'ya.

"Bakit babayaran mo?" Balik na tanong ko.

Tinaasan n'ya ako ng kilay. "Wala ka talagang bilib sa'kin?! May pera ako ngayon! Magkano ba ang kailangan mo?" tanong n'ya sa'kin, ang boses n'ya ay puno ng kumpyansa.

"Siguro may tinatago ka ng lalaki kaya ayaw mo kaming makasama, 'no?!" Nakapamewang na s'ya ngayon, ang noo n'ya ay bahagyang nakakunot.

Agad ko s'yang sinamaan ng tingin nang sinabi n'ya 'yon.

"Ano? Totoo nga? May tinatago ka na sa'kin Liliana Haze?!"

"Wala!" agap ko. Ano'ng pinagsasabi ng babaeng 'to? "Twenty milyon." sabi ko. "Kailangan ko ng twenty milyon. Meron ka ba d'yan?" hamon ko sa kan'ya.

Halos lumuwa ang mga mata n'ya at nakaawang ang kan'yang labi nang sabihin ko 'yon. Kumurap s'ya ng ilang beses bago nagsalita.

"Twenty million?! Seryuso ka ba?" hindi makapaniwalang tanong n'ya. I nodded at her.

Vested In You (Salvatore #1) Where stories live. Discover now