Kabanata 1
Pareho kaming natigilan—nagulat sa lamig at nakakatakot na boses na iyon. Hindi ko magawang lumingon dahil para akong napako sa kinatatayuan ko.
Bahagya namang kumunot ang noo ng lalaki sa aking harapan at ang mga mata niya ay nanlilisik habang may tiningnan sa aking likuran.
"Sino ka? Ano'ng karapatan mong makialam dito?!" Sigaw niya.
Mula sa gilid ng aking mga mata, nakita ko ang isang lalaking nakatayo sa aking tabi. Mabilis akong lumingon sa kaniya dahil sa biglaang pagsulpot niya.
Hindi siya lumingon pabalik sa'kin bagkus ay deritso ang tingin sa harapan. Hindi ko man lang narinig ang mga yapak niya nang lumapit siya. O, sadyang malakas lang ang kabog ng dibdib ko kaya hindi ko siya marinig kanina.
Medyo magulo rin ang buhok nito. Naka long sleeve na puting polo na naka tupi ang manggas hanggang siko, at nakasuot ng itim na slacks na para bang kagagaling niya lang sa trabaho at dumiretso ka agad s'ya rito.
Hindi ko masyadong naaninag ang hitsura niya dahil medyo madilim ang parteng ito.
Ngunit, nang tumama ang ilaw sa kan'yang mukha ay nakita ko ang seryuso at talim n'yang mga mata habang nakatingin sa lalaking humabol sa'kin—It was like a lion staring down its prey, ready to pounce.
"S-Salvatore? A-ano'ng ginawa mo rito?" The man stammered, his gaze darted between me and the man standing beside me, his eyes widening with each flicker of recognition.
"H'wag mong sabihing—"
"Do I have to answer your question, del Mundo?" The man beside me scoffed. "Shouldn't I be the one asking you that? What are you doing in this place? This isn't your territory." May diin ang pagkasabi nito.
Nakalagay ang dalawang kamay niya sa bulsa ng kan'yang itim na slacks. Hindi parin nagbabago ang ekspresyon sa kan'yang mukha.
"Hindi mo rin ito teritoryo, Salvatore." Ngumisi ang lalaking nasa harapan namin, 'yong ngising nang-iinsulto saka s'ya sumulyap sa'kin. "At ang babaeng 'yan?" Malakas s'yang humalakhak.
Napalunok ako tila nanunuyo bigla ang lalamunan ko.
Napatingin ako muli sa lalaking katabi ko. Mas lalong naging seryuso ang hitsura n'ya.
"I won't say it again." He smirked. "If you don't get the hell out of here, right now. I'll make sure you regret it." The man beside me spoke with a chilling seriousness that sent a shiver down my spine.
Napalingon ako sa lalaking kaharap namin. Nakita ko ang pagdaan ng takot sa mukha niya pero pilit niya iyon itinago.
Humakbang ng isang beses ang lalaking katabi ko kaya napaatras ito at muntik pa s'yang matumba.
Ilang sandali lang ay may dalawang lalaki ang lumapit sa lalaking kaharap namin na nanatiling nakatingin sa lalaking tinawag niya kaninang Saltor? Saltanor? Ano nga ulit iyon? Nakalimutan ko na yata.
"Sir. Ano'ng nangyari?" Tanong ng isang lalaki.
Napalingon ang dalawang lalaki sa pwesto namin kaya bigla akong kinabahan baka bigla silang sumugod sa'min sigurado akong kapag nagkataon ay hindi sila kakayanin ng lalaking nasa tabi ko.
Masama ang tingin ang pinukol nila sa'min, lalo na sa lalaking kasama ko na chill na chill lang at parang wala lang sa kan'ya kung sakaling susugod sila.
Susugod na sana sa'min ng ang dalawa handa ng ipagtanggol ang amo nila ng patigilin agad sila nito. Itinaas nito ang kamay n'ya para sabihing 'wag silang sumugod.
YOU ARE READING
Vested In You (Salvatore #1)
RomanceSalvatore #1 Liliana Haze Cavallero, a strong and independent woman. Nang pumanaw ang kanyang mga magulang, siya na lamang ang nag-iisa na nagtaguyod sa kanyang sarili. Dahil sa kanyang hangaring mabawi ang bahay at lupa na nawala sa kanya, naglakb...