-62-

404 16 0
                                    

..

Daniel

"Hindi ka ba pwedeng mag-stay pa ng isang gabi rito?" Tanong ulit ni Zayche kaya natawa na ako.

"Kailangan na talaga, mamayang gabi na ang flight namin." Sagot ko sa kaniya.


Kanina pa siya nangungulit na mag-stay muna raw ako ng isa pang gabi rito sa kanila, pero hindi talaga pwede dahil mamayang gabi ang flight namin papunta sa Spain, doon ako balak nila Nanay patirahin.

"Kanina mo pa kinukulit ang anak ko. Ikaw ba ay manliligaw niyo?" Biglang sumingit sa usapan si Tatay na ikinalaki ng mata ko.

"Tay!" Pinandilatan ko ng mata ito.

"Ayy kung pwede lang po." Nakangiting sabi ni Zayche kaya sa kaniya naman ako nandilat ang mata.

"Ayun naman pala eh!"

"Aamin din pala napakatagal pa."

"Torpe no more!"

Natawa ako sa mga komento nila Kyleen sa kuya niya. Napatingin din ako kay Zayche na tumingin din naman sa akin.

"Nahihibang ka na ba? Alam mo ang sitwasyon ko." Saad ko sa kaniya at pinanlakihan siya ng mata para ipahiwatig ang totoong ibig sabihin ng salita ko.

"Technically, yes. I am crazy over you, I know your feelings and your heart was already tied up with someone but I want to stay by your side to take care of you and the baby." Sagot ni Zayche sa seryosong mukha kaya natigilan kaming lahat.

Walang kahit na sino ang nagsalita dahil sa sobrang seryoso ni Zayche. Hindi ko sukat akalain na bigla bigla niyang sasabihin ito. Hindi ko rin alam ang sasabihin ko dahil wala sa isip ko na mangyayari ito at kahit kailan ay hindi ko naisip ang ganitong bagay mula kay Zayche.

Iniisip ko rin ang magiging conflict nito dahil sa may gusto sa akin si Zayche at balak niya akong panagutan kahit na hindi naman siya ang nakabuntis sa akin, hindi kaya baka tinotorture niya lang ang sarili niya?


"Zayche, hindi ko alam kung anong pumasok sa kokote mo pero ang hirap pumasok sa ganitong klaseng relasyon na hindi ka naman sigurado kung masusuklian ba ng tama iyang nararamdaman mo." Malumanay na saad ko sa kaniya at nakita ko naman ang sinserong ngiti niya.

"Just let me love you, kahit hindi mo i-reciprocate ay ayos lang basta masigurado kong ligtas at masaya kayo. Isa pa, what if in the process of taking care of you, I realize everything and slowly, my feelings will fade away and I found someone to be with, diba? Saka gusto mo bang lumaki ang anak mong walang kinikilalang ama kahit papaano? Wala siyang magiging father figure?" Mahabang litaniya na ikinaawang na lang ng bibig ko.

Natahimik kaming lahat habang nakatitig sa kaniya. Nakangiti parin ang labi niya at nangungusap ang kaniyang mga mata. Hinawakan na rin niya ang kamay ko at doon lang nagkaingay dahil impit na tumili si Kyleen.

"Payagan mo na, Daniel, magaling mag alaga si kuya." Natutuwang sambit ni Kyleen at nag-thumbs up pa sila Isaac bilang suporta sa sinabi ni Kyleen.

"Kung gusto mo talaga iyan ay maaari mong samahan si Daniel sa Spain tutal ay hindi naman kami makakasama manirahan ng misis ko roon." Biglang nagsalita si Tatay kaya napatingin kami sa kaniya.

"Totoo po ba?" Nananabik na tanong ni Zayche kaya napatingin ako sa kaniya.

"Sigurado kayo, Tay? Akala ko ay kasama ko kayo." Tanong ko naman.

Ngumiti si Tatay, "Oo, hindi kami makakasama sayo manirahan pero hindi ibig sabihin noon ay hindi ka namin madalas na pupuntahan doon. May private jet naman tayo kaya madali na iyan, isa pa kailangan mo ng katuwang sa lahat ng bagay." Dugtong pa ni Tatay kaya napatango tango na lang ako.

The Mafia's Psychopathy [BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon