First Chapter

127 2 0
                                    


[A.N]: Hello guys! New short story ^_^ Hope you all like it ♡

God Bless and Thank you!


******************



(Quinn's P.O.V)


"Huy! Baka naman malasin yung laro nila sa kakatitig mo!" Bulong sa akin ni Pia, Bestfriend ko.

Sa kasalukuyan, nakasilip ako sa bintana habang nakapako ang tingin ko sa mga lalaking naglalaro ng basketball sa school court namin.

Pero iisa lang ang tinitignan ko sa mga naglalaro...

Si Lars... long time crush ko.

Grabe, ang gwapo, gwapo niya talaga kahit pinagpapawisan na, kahit naglalaro siya, ang pogi pa rin!

Isa siya sa mga popular heartthrobs dito sa school namin. Pero I don't care,

"Ms. Garcia!"

Gusto ko pa rin siya. Kahit alam kong marami akong kaagaw sa kanya, okay lang dahil isa siya sa mga close friends ko. So may chance pa ko! Bwahahahaha!

"Ms. Garcia are you listening?!"

Nagulat na lang ako nang ihampas ni Ma'am Viceral ang librong hawak niya sa lamesa ko.

Siya nga pala ang chaka naming Physics teacher. Hindi pa kasi siya nakakahanap ng boyfriend, or should I say, husband? Kaya ayan tuloy, laging nakakunot ang noo.

Nakita kong lumingon lahat ng mga kaklase ko sa akin pati na rin si Pia, na mukhang natatawa pa!

"S-sorry po ma'am! Hindi na po mauulit. Napuyat kasi ako kagabi kakabasa doon sa susunod na lesson natin sa physics. Kaya medyo tulala ako ngayon." Sabi ko naman sa kanya with matching innocent ngiti.

Mukhang naniwala naman siya pero pinanliitan niya ako ng mata na para bang sinasabi na 'humanda ka sa akin sa susunod!'

Nang pabalik na si ma'am sa harap, nagsibalikan ang mga tingin ng mga kaklase ko sa kanya at nagpatuloy sa pag discuss ng lesson namin ngayon.

"Ayan kasi, Lars pa more! Hihihihi," natatawang bulong sa akin ni Pia.

Inirapan ko na lang siya at napatingin ulit sa bintana.

Supportive talaga ng bestfriend ko, grabe.

**

Lunch break na namin.

At ngayon, mag-isa akong nakaupo at nagbabasa sa canteen dahil bumibili ng pagkain si Pia para sa aming dalawa. O ha! Bait ng bestfriend ko! Ni-libre na nga ako, siya pa bibili! Hahahaha!

Pero hindi. Sinadya kong hindi siya samahan sa pila dahil ngayon, tanaw ko ang napaka poging nilalang sa balat ng lupa! Si Lars, my labs!

Nasa tapat na table lang siya kumakain kasama ang mga kaibigan niya, kaya ang ganda talaga ng view ko. Hindi rin talaga ako nagbabasa, kunyari lang. Pangtakip para hindi ako mahalata na tinitigan ko siya.

Guess Who? [Short Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon