..
Daniel
Napahinga ako nang malalim pagkalabas namin ng airport. Maraming tao at siksikan sa loob kaya hirap na hirap talaga akong huminga roon. Mabuti na nga lang at nakaalalay sa akin si Zayche habang yung mga bagahe naman namin ay dala dala ng mga tauhan nila Tatay.
Matapos ang eighteen hours na byahe sa eroplano papunta rito sa Barcelona, Spain ay nakarating din kami. Nakakapagod pala bumyahe ng ganoon katagal kahit na nasa eroplano ka at komportable ang pagkakaupo mo.
Parang babagsak ang sarili ko dahil sa pagod na nararamdaman. Saka, sabi nila Nanay ay may kalayuan pa sa airport ang bahay na binili nila rito.
"Parang dudugo na ang ilong ko sa lenggwahe nila, hindi ko maintindihan." Parang naiiyak na reklamo ni Zayche sa tabi ko habang ang kamay niya ay nakahawak sa likurang bahagi ng bewang ko, nakaalalay.
Natawa ako, "Kailangan na nating mag aral ng Spanish dahil ilang taon tayo sigurado rito." Saad ko naman kaya napasimangot siya.
"Walang magagawa kundi mag-aral talaga, mabuti na lang at fluent ako sa english." Nakangiti niyang sabi kaya napatingin ako sa kaniya.
"Wehhh? Hindi nga?" Nang aasar na tanong ko kaya napatingin siya sa akin.
"Aba, anong akala mo sa akin? Bobo? I really am fluent, Daniel." Aniya pa at naka chin up pa si mokong.
Naiiling na lang akong natawa bago sumakay sa van na nag hihintay sa amin. Nakasakay na roon kasi sila Nanay at hinihintay na lang kaming makalapit.
Pagkasakay namin sa Van ay kaagad akong napahinga ng malalim, parang gusto ko agad makatulog kahit na nasa van palang kami. Ang lamig pa ng aircon na ang sarap sarap kapag matutulog.
..
Sa mga unang linggo ay hindi pa kami sanay ni Zayche dahil ibang iba ang pamumuhay rito lalo na kapag makikipag usap sa mga kapitbahay na malapit sa amin. Maganda rito sa Barcelona pero ang hirap lang makipag-socialize kung hindi pa kami maalam mag spanish.
Nung una panay pa ang tawag ni Zayche kila Mang Karo at mukhang na-homesick ang lalaki. Nakikipag usap din naman ako sa kanila kapag may time na magkasama kami ni Zayche pero madalas ay kapag magpapa-check up ako, kasi ibinabalita namin ang check up ko kila Mang Karo.
"Es un niño, felicidades para los dos." Saad ng doctor na hindi namin maintindihan.
Anim na buwan na ang tiyan ko at kitang kita na ang laki nito. Nahihiya na nga rin akong lumabas ng bahay dahil sa pinagtitinginan kami ng mga tao, may mga taong kita mong nagtataka at meron namang marites lang.
Kahit pala rito sa Spain ay may mga marites lalo na sa mga pampublikong lugar.
"Muchas gracias, doctor." Sagot naman ni Tatay sa doctor at nag usap pa sila saglit bago nagpaalam ang doctor at umalis.
Inalalayan naman ako ni Zayche na makaupo matapos ang ultrasound na naganap. Hindi ko alam kung anong sinabi ng doctor dahil babago ko palang natututunan ang Spanish.
"Lalaki raw ang anak mo, Daniel." Nakangiting sabi ni Tatay na ikinaawang ng labi ko saka masayang tumingin kay Zayche.
"Lalaki nga siya, ang saya saya ko!" Nananabik kong sambit at binati naman nila ako ng congrats.
"May naisip ka na bang pangalan?" Tanong ni Nanay sa akin na tinanguhan ko naman.
"Kyster Dave po ang gusto kong ipangalan." Sagot ko sa kaniya at nakita ko namang napatango tango sila.
![](https://img.wattpad.com/cover/362120412-288-k519381.jpg)
BINABASA MO ANG
The Mafia's Psychopathy [BxB]
ActionMafia Series #4 : The Mafia's Psychopathy Caile × Daniel ⚠️Credits to the real owner of the photo⚠️