25

157 1 0
                                    

"I'll be visiting my clinic on progress. Uuwi ako before lunch." Paalam ko kay Lucius na abala sa kaniyang laptop.

I saw earlier that he was answering emails. Maybe it was related to his work or training. Hindi ko alam, wala siyang sinasabi sa akin. Bihira lang siyang mag kwento.

"I'll fetch you." Sagot niya habang seryoso pa rin na nakatingin sa screen.

Napatigil tuloy ako sa pag m-make up at napabaling ng tingin sa kaniya. Are we still acting?

"Actually, no need. Kaya ko na. Kasama ko si Kairo."

Tumigil siya bigla sa pag t-type at binigay na ang buong atensyon sa akin. He closed and placed the laptop on the bed. "The doctor last time?"

Tipid akong ngumiti at tumango. "Yes. I met him during college."

"Sunduin kita."

"Sabay kami-"

"Tara. Hatid kita." Walang pag-aalinlangan siyang tumayo at lumabas ng kwarto.

Naiwan akong tulala sa hangin habang napapaisip. Hindi pwede. Mali 'tong mga pumapasok sa utak ko. I'll just go with the flow like what he said.

My plan was to sit on the back seat. But surprisingly, ni-lock niya 'yung pinto sa likod. Nabuksan ko kasi ang pintuan sa harap kaya napilitan na akong umupo ro'n. We were using my car pero siya na ang nag drive.

I was about to adjust the aircon pero napatigil ako nang maunahan niya 'kong gawin 'yon. Sakto naman ang pagkaka-adjust niya, hindi ako gininaw buong byahe.

"Thanks for driving." Ngumiti ako nang hindi siya tinitignan bago bumaba at dere-deretso ng umalis.

Naabutan ko sila Finn at Kian sa site. May mga kausap silang workers habang break time. Kahit na oras ng kain ay trabaho pa rin ang iniisip nila.

Sumunod na nakita ko ay si Kairo. Nasa hindi siya kalayuan pero mag-isa lang at nakatulala sa building.

"Morning, Doc." Bati ko sa kaniya. I held his arm to get his attention.

"Morning, Iya." Bati niya pabalik. He smiled back before returning his attention sa clinic.

"Why do I feel like ang lalim ng iniisip mo? May mali ba sa clinic?"

"Nothing." Mahina siyang tumawa at tumingin sa akin. "I was thinking about the thing na sinabi sa'kin ni Nadia kagabi."

"What is it?"

"Someone is back." He mischievously smiled. "So, how was it? Balita ko mag d-dalawang linggo na."

"Gosh, Nadia is so talkative." Napahilot ako ng sentido. "Anyway, we are at work. Kalimutan mo muna 'yang mga nalaman mo."

Dahil sa aking sinabi at pati na rin siguro sa reaksyon ko ay mas natawa pa siya. Naiinis na nga ako pero nahahawa naman ako sa tawa niya. Bihira lang siya ganito, madalas abala sa trabaho at seryoso sa buhay.

After break time, bumalik na sila sa trabaho. Salit-salit ang pinupuntahan ko, ang mga workers at pati na rin sila Finn. Si Kairo naman ay nakasunod lang sa akin. I just kept asking him suggestions and he was good in cooperating.

Hindi ko namalayan that I was staying for so long na. It's already one in the afternoon at ang paalam ko kay Lucius ay uuwi ako before lunch. Wala tuloy akong choice kung 'di ang mag lunch na lang din dito sa trabaho.

"Last na 'ko. Hindi pa naman ako gutom masyado." I excused myself first to them and went a little far away to use my phone. Hindi ko kasi gustong mag phone sa harap ng mga kumakain.

I was about to text Lucius to update him pero mas nauna siyang mag text sa akin. The messages was sent kanina pa.

Lucius: im just staying sa parking lot

Anchor Soul Series #2: Finding My SanityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon