Prologue (Fate)

4 0 0
                                    

Isang gabi, naisipan ng makulit na sirenang nagngangalang Anna ang gustong pumunta sa lumubog na barko, sa kadahilanang gusto niyang makahanap ng kayamanan dito.

"Wala bang ibang mapakikinabangan dito?" tanong ng batang babae sa kaniyang sarili. Panay ang ikot niya para maghanap ng kayamanan na pwede niyang dalhin sa clan nila.

"Tiyak na magugustuhan ni ina ang mga bagay na madadala ko sa kanya pag may nahanap ako rito", dagdag pa nito habang naghahanap pa rin.

Sa kabilang banda may isang batang lalaki ang nalunod sa dagat dahil sa lumubog na barko na sinalanta ng bagyo.

Habang naghahanap si Anna ay may na sensor siyang uri ng tao, bukod kase sa nakakapakiramdam siya ng panganib nararamdaman niya den lahat ng uri ng nabubuhay na bagay sa mundo, alam niya din ang pakiramdam ng isang tao dahil malaya siyang nakakapunta sa Navenia. Navenia ay ang lungsod na para sa mga tao lamang, kakaiba sa Merland na kung saan siya pinanganak at ang kanyang tirahan.

"Teka, alam ko ang pakiramdam nayan", pagmamatyag niya habang nakatago siya sa kapirasong kahoy na parte ng bagko na nasira. Panay ang hanap niya kung saan nanggagaling ang na sisense niyang energy mula sa tao.

Nakita niya ang isang batang papalubog na at wala na itong malay, mabilis niyang nilangoy ang pagitan nilang dalawa at nilapitan ito. Kailangan niya itong mailigtas, dahil alam niyang buhay pa ito kase kung hindi, hindi niya masisense ang isang tao pag ito'y wala ng buhay.

Niyakap ng batang sirena ang batang lalaki at binigyan niya ito ng kanyang 'Mermaid gift', bilang isang mermaid ganto ang paraan nila upang protektahang makahinga ang isang tao sa ilalim ng dagat. Sa pamamagitan nito, malayang nakakahinga ang isang tao sa ilalim ng dagat kahit na nasa pinakailalam pa ito ng karagatan, sa pamamagitan ng paghawak ng isang sirena sa tao o kaya naman yung tao ang hahawak sa sirena.

Mabilis na lumangoy si Karen sa dalampasigan, sinigurado niyang sa tabing dagat ng Navenia siya makakarating para ligtas na makakabalik ang batang lalaki pag may malay na ito.

Lumipas lamang ang labing dalawampong minuto ay pakiramdam niyang nagkakamalay na ang batang lalaki, inaantay lamang niya ito magising.

Unti unting idinilat ng batang lalaki ang kanyang mata, habang inaalala ang mga bagay na nangyare sa kanya ng nakahiga pa den sa buhanginan.

"Mommy?", habang nakatingin ito sa batang babae na natingin din sa kanya.

"Ayos ka lang ba? wala bang masakit sayo?" seryosong tanong ng batang si Anna sa batang lalaki na kakagising lang.

"yes i'm fine, uhm did you see my mom?" tanong nito pabalik sa kanya, hindi maunawaan ng batang si Anna ang lenguwahe ng batang tinulungan niya. Bukod kase sa lengua sa Merland, alam niya den ang lengua ng taga- navenia at hindi taga-navenia ang lengua ng batang nasa harapan niya.

"Hindi ko alam, hindi kita maintindihan. Saan ka ba nakatira? wala ka bang kasama?" sunod sunod na tanong ni Anna sa bata, kahit na hindi niya ito maintindihan. Kahit papano yung tanong niya'y nasasagot neto.

"Arghh!" daing ng batang lalaki habang hawak nito ang kanyang ulo. Hindi alam ng batang si Anna ang kanyang gagawin, hinawakan niya ito sa kamay at pinakakalma niya lang ito gamit ang kanyang Mermaid gift. Nakakapag bigay ito ng energy na makakatulong sa batang lalaki. Unti unti na itong kumalma, sabay nito ang pagiyak ng batang lalaki.

"Anong nangyayare?" nagaalalang tanong ni Anna sa batang umiiyak na ngayon. Hindi niya ito maintindihan

"My parents are dead, i know, i saw it." umiiyak na sabi ng bata, hindi na nito napigilan ang paghagulgol, niyakap na lamang ni Anna ang batang lalaki dahil hindi niya alam kung anong sasabihin dito.

The Siren: Melody of Love Where stories live. Discover now