SHE DIED AT TEN

14 2 0
                                    


She Died At Ten

This story contains mature scenes and dialogues, violence, that might not be suitable for young audiences. Some scenes might be triggering, and troublesome. Read at your own risk.


Anika's POV


Kringggg! Kringggg!


"Class Dismissed!" anunsyo ng guro.



Nice one!



Arat! Com-shop.



Pabigat ka, 'wag ka na maglaro.



Ulo mo pabigat!



"Hoy! Nagawa niyo pang mag-away pare-pareho lang naman kayong bonak," panunuya ko sa tatlo kong kaklase na walang ibang ginawa kung hindi ang tumambay sa com-shop after class.



"Tumigil ka, Jangol!" Akma pa akong babatukan ni Jarred nang akbayan naman siya ni Jacob.



"Oyoyoy! 'Wag ang tropa ko," ani ng bestfriend ko.



At dahil matangkad at may pagka-matipuno ang katawan niya ay hindi na nakaangal pa si Jarred habang nakaipit ang leeg nito sa braso ni Jacob.



"Oy, boss! Joke lang-joke lang," kumakawag-kawag pa siya at tinatapik-tapik ang braso ng huli dahilan upang pakawalan na siya ng bestfriend ko.



Iiling-iling na lang ako habang pinapanood silang mag-harutan. Ang tatanda na mga isip bata pa rin, hindi na nag-mature. Inayos ko lang ang cap ko, pinagpagan ang alikabok sa t-shirt ko at inalis ang pagkakagusot.



"Tara na, uwi na tayo," aya ni Jacob sa akin na ikinatango ko lang. Nauna na siyang maglakad, may distansiyang limang metro ang layo mula sa akin.



Nagkukwento lang naman siya habang ako ay tumatawa lang, may panaka-nakang sumasagot at may oras din namang nagkukwento ako. Nakarating na rin kami sa sakayan ng tricycle. Lagi kasi kaming sabay umuwi kahit na magkaibang barangay naman ang bahay namin. Minsan pinagsasabihan ko siya na 'wag nang sumabay pa sa akin dahil mahal ang pamasahe, pero ang tukmol tinatawanan lang ako. Dahilan niya kasi ay gusto lang daw niyang gumala, at dahil matigas ang ulo niya, mahilig din magwaldas ng pera ay hinahayaan ko na. Wala rin naman akong magagawa dahil likas talaga na matigas ang kokote niya.



"Kuya, San Vicente kami," matapos naming sumakay at magbayad.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: 6 days ago ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

She Died at TenWhere stories live. Discover now