She Died at Ten

11 3 0
                                    



This story contains mature scenes and dialogues, violence, that might not be suitable for young audiences. Some scenes might be triggering, and troublesome. Read at your own risk.




She Died at Ten

Asce_0



Ang kamatayan, ay isang habang-buhay na paghihinagpis. Walang lunas, kung hindi ang kamatayan din. Sinasabi nila, "'yan din naman ang kahatulan, 'yan din naman ang kahahantungan, at 'yan ang hangganan."


May nagsasabi namang ang taong yumao na'y wala naman ng pakiramdam. Malaya na sila sa kahit anong paghihinagpis, poot, sakit, pag-luha't kalungkutan.



Sabi pa ng iba, 'yan ang wakas ng pahina.



*******************************************************


Sa isang paksa sa Etika, nagtanong ang guro. Ganito, "Ano ang iyong unang kalungkutan?"



Nanahimik ang klase, binigyan ng pagkakataon upang makapag-isip. Unti-unti, isa-isa silang nagsitaasan ng kamay. Naging magulo ang talakayan, dahil ang kanilang sagot ay pawang galing mula sa kanilang karanasan.



Kung minsa'y may tatahimik, dahil malungkot ang kanyang ibinahagi. At biglang magkakantyawan naman dahil ibinahagi niya ang karanasan niya sa unang pagkabigo sa pag-ibig.



Sa isang gilid, mataman lang akong nakikinig, sinusubaybayan ang ritmo at pabago-bagong atmospera ng silid-aralan. Dumako ang sulyap sa akin ng guro, ngumiti siya, "Ikaw, Iha. Ano ang iyong unang kalungkutan?"



Tumayo ako't nag-isip. Ano nga ba ang una kong kalungkutan?

She Died at TenWhere stories live. Discover now