Vol.3 Chapter 112: Ang Pagdating Ni Tandang Amano At Ni Jura

103 7 3
                                    

8am ng gabi sa room 201

Lumapit si Sakumi kay Sakuragi

"Sensei pwede ba kitang makausap?" Tanong ni Sakumi

Habang nanonood ng tv si Sakuragi nakikipagkulitan sa dalawang kapatid nya na si Sonomi 11ysld and Aisha 6 ysld

Sa labas, nakaupo si Sakumi sa hagdanang papunta sa room 202, 203

"Ano? Gusto mong umuwi sa inyo? Bakit? Sakumi hindi kita pinapaalis dito alam mo yan" sabi ni Sakuragi

"Alam ko Sensei, ngunit kung hindi ako aalis paano ako makapag sisimula" sagot ni Sakumi

"Patawad" sagot ni Sakuragi

"Wag kang humingi ng tawad sakin, alam ko naman na napipilitan kalang, alam ko nman na nong una palang tayong nagkakilala alam ko na ganito ang mangyayari pero umasa parin ako, Nagpakatotoo ka lang sa sarili mo, kaya gusto kong umalis para makapag simula. Kung hindi ako aalis hindi kita makakalimutan" sagot ni Sakumi

Pinilit nman ni Sakuragi na tignan ang nararamdaman ni Sakumi para sa kanya, nilagyan ni Sakuragi ng kadena ang puso nya, para tungkol lang sa basketball ang isipin nya

Subalit nang sandaling nag 1on1 sila ni Rukawa at pinigilan sila ni Haruko, nang makita ni Sakuragi na umiyak si Haruko na may halong lungkot ang mga mata na nakatingin sa kanya

Ay nasira ang kadenang iyon, at na-realize nya na mahal parin nya si Haruko, nalaman din nya na talagang magkarugtong si Haruko at ang basketball sa buhay nya, hanggat may basketball hindi nya nakakalimutan si Haruko, dahil yan ang nagpapalala sa kanya kung paano nya nakilala ang basketball

Walang ibang naisagot si Sakuragi kay Sakumi kundi sorry

Maganda si Sakumi kung tutuusin, kaya hindi mahirap magustuhan, ngunit ang kasimplehan ni Haruko ang mas maganda sa paningin ni Sakuragi

"Sensei, mayron akong itatanong, nong mga oras na magkasama tayo, kahit isang beses ba ay nagustuhan mo ba ako? Ano ba ang tingin mo saakin bilang babae?" Tanong ni Sakumi

"Nang pinakilala ka sakin ng Daddy mo, Sinabi nila saakin na pinsan kita, mag 3rd cousin tayo kaya yun ang nakita ko sayo Sakumi" sagot ni Sakuragi

"Pinsan?" Medyo nagulat si Sakumi dahil ngayon lang nya napagtanto na pinsan lang talaga ang tingin sa kanya ni Sakuragi

Tumayo sya pagkatapos

"Malinaw na sakin ang lahat" sagot ni Sakumi

"Sakumi"

Ngumiti si Sakumi at sinabing

"Kahit na pinsan ang tingin mo sakin, kahit na alam mong hindi nman talaga tayo mag pinsan, minahal mo parin ako bilang pinsan mo tama ba ako Sensei? Pero wag kang umasa na ituturing kita na isa sa mga pinsan ko, dahil hindi ako magbabago" sagot ni Sakumi

Nang biglang lumipat sya at hinalikan ang kanang pisngi ni Sakuragi

Nanlaki ang mga mata ni Sakuragi

"Hhhmmm? Kitam natulala ka, kaya kikilos parin ako bilang girlfriend at mapapangasawa mo, nagbago na ang isip ko mananatili ako dito, kahit na papaano napalapit narin sakin si Tita Yukia, si Sonomi at si Aisha kaya mananatili muna ako dito" sagot ni Sakumi

Papasok na sya sa loob ng hawak na nya ang pinto nang

"Kapag sinaktan ka ng Haruko na yun, sasabunutan ko sya hanggang sa makalbo sya, bumalik ka na lang saakin tatanggapin parin kita kahit na anong mangyari Sensei, sige" sabi ni Sakumi at pumasok na sya sa room 201

"Sakumi" bulong na nasabi ni Sakuragi

Samantala sa Saitama, isang lalaki ang naglalakad papasok sa isang bahay

Suramu Danku: Elimination Arc Volume 3 And 4Where stories live. Discover now