Vol.3 Chapter 106

251 14 1
                                    

Upang mapasunod ang mga pasaway na player ng Shohoku hinamon ni Jasmin ang mga tutol sa pinapagawa nyang training sa Shohoku

Tumutol si Rukawa at Sakuragi, Hinamon ni Jasmin ang dalawa at nauna si Rukawa subalit tila yata nakumbinsi ni jasmin si Rukawa kaya ang resulta nagawang makuha ni Jasmin ang tiwala ni Rukawa

Nang si Sakuragi nman ang humamon, may sinabi si Jasmin sa kanya

Na mukhang interesado si Sakuragi, ngunit hindi parin sya susunod kay Jasmin kaya nagkasundo ang dalawa na kung matatalo ni Jasmin si Sakuragi susunod na sya sa mga ipag uutos ni Jasmin

Drinidribble ni Jasmin ang bola, habang nakataas ang depensa ni Sakuragi

"Wala akong pakialam kung babae ka man, hindi ka makakalusot sakin" sabi ni Sakuragi

Tumakbo si Jasmin sa kanan nya, sabay tinapik ni Sakuragi ang bola tumilapon ang bola palabas ng court

Ngumiti si Jasmin at sinabing

"Sabi kona nga ba" sabi ni Jasmin

"Anong sabi mo?" Tanong ni Sakuragi

"Mas magaling kapa kaysa kay Rukawa-kun" sagot ni Jasmin

"Ano?" Medyo gulat na si Sakuragi

Pati mga nakarinig sa gym ay medyo nabigla sa narinig nila, habang si Rukawa seryoso ang mukha

Naglakad si Jasmin papunta sa labas ng court para kunin ang bola, pagkakuha sa bola ipinasa nya kay Sakuragi

"Marunong akong tumingin ng mga may potensyal o wala, isa yan sa talent ko, at alam ko marami ka pang igagaling Sakuragi-kun, kaya nasabi kong mas magaling ka kaysa kay Rukawa, kung magiging masipag ka lang sa pagsasanay, sino naka discover sayo? Sa tingin pareho kaming dalawa, si Lolo ba?" Tanong ni Jasmin

Hindi nagustuhan ni Rukawa ang narinig nya

"Ano bang sinasabi mo?" Tanong ni Sakuragi

"Ipakita mo sakin" sagot ni Jasmin

"Ggrahhh talagang ipapakita ko sayo kung gaano kagaling ang henyong kaharap mo" tumakbo sya ng mabilis sa kanan ni Jasmin sabay umikot pakaliwa

"Ahhh" nabigla na si Jasmin

Paglingon nya sa likuran isang 360 dunk ang ginawa ni Sakuragi umikot sya sa ere at dinakdak ang bola

"Ibang klase" sabi ni Miyagi

"Hanggang ngayon hindi ko lubos maisip na ganyan na sya kagaling maglaro ngayon, parang kailan lang" sabi ni Ayako

Pati si Daisuke ay nagulat sa ginawang dunk ni Sakuragi

"Ahhh kung ganun ganyan pala sya kagaling" sabi ni Renzuki

Habang si Sakuragi matapos dumakdak

Pinulot nya ang bola, at ipinasa kay Jasmin

"Magaling ka sa Whirlwind Breaker" sabi ni Jasmin

"Syempre nman nagsanay ako ng mabuti para dyan hahaha oh ano? Ngayon nakita mona ang kakayahan ng huh?" Napatigil sa pagsasalita si Sakuragi dahil biglang umabante si Jasmin habang drinidribble ang bola, papunta sa kanan nya, sabay umikot pakaliwa, isang spinning moves ang ginawa nya

"Ahhhh" gulat na si Sakuragi.

"Ang galing" sabi ni Mitou

"Ginaya nya si Hanamichi" sabi ni Ohkuso

Pagkalusot itinira ang bola

"Ggrahhh nangaasar kaba ahh" sabi ni Sakuragi

"Humahanga talaga ako sayo Sakuragi-kun, alam mo kung bakit? Dahil ang ordinaryong player gumugugol ng ilang taon para ma-perfect ang galaw na iyon, ang spinning moves na isa sa mahirap na moves sa basketball ngunit ikaw nagawa mo lang ng ilang buwan tama ba ako? Hindi ka pangkaraniwan player at hindi man lang napansin ng mga kasama o mismong ikaw na nasa antas kana ng isang All Around Player" sagot ni Jasmin

Suramu Danku: Elimination Arc Volume 3 And 4Where stories live. Discover now