DIARY~~

194 7 7
                                    

Ayan na ha! Request Granted mga teeeh! Malalaman niyo na laman ng diary niya. CHOS! May nalalaman pa kayong hingi hingi ha! De joke lang! Sana magustuhan niyo to. Alam niyo na kung sino kayo! Super love ko kayo sa pagsuporta dito! Yiiieeee... Panakilig niyo ako eh! Echos to! Rami ko ng sat sat.. Oh heto! Diary ni Fafa Oliver :)

ENJOY!

__________________________________________________________________

 DIARY~~

Ang sarap sa feeling nung mapagbigyan ka,Diba?

Yung alam mong panalo ka kahit di pa naman

Yung alam mong maayos at naging maayos na ang lahat sa wakas.

Sa tinagal tagal ng paghihintay mo sa panahong ito nasayo narin pero hindi pa pala.

At atleast naman lang alam mong may pag-asa ka.

Yun ang naramdaman ko sa panahong nakasama ko si Zylle, ang kulit niya noh? pero ang cute!

Aaminin ko isa ako sa mga dinami dami naming mga torpeng lalake sa mundo eh sa nanghihina talaga ako pag nasa harap ko na siya kahit ang cool ko daw kahit saan pag dating sa kanya na me-melt ako. Ang bakla naman neto pero totoo.

Malay ko ba na nung araw na may babaeng nagmamadali at nakabanggan ko ang taong kaiinisan ko sana dahil sa ang tanga niya ngunit di ko akalaing siya na pala ang laman ng sistema ko ngayon. 

Ang bakla ko diba? May pa diary diary rin pala. Captain tapos may diary? Mlubha to! Haha!

Sa 3 taong paglalaro ko sa baseball lagi ko kasing napapasin si Zylle na palaging nakaupo sa ilalim nung mangga at tila palaging may dinadala na notebook at sinusulatan ito. Inaamin ko nabubuhay ang kululuwa ko tuwing nasa posisyon siyang iyon sa ilalim ng kahoy dahil kahit na di naman talaga ako yung rason kung bakit siya pumupunta doon masaya ako kasi kahit di niya ako napapansin eh nasusubaybayan ko siya, nakikita ang napaka ganda niyang mukha at nasisilayanang mga pa ngiti ngiti niya kahit siya lang mag-isa, abnormal ata to eh. Joke mahal ko yan.

                                                                             THE DIARY 

Makapigil hininga ang araw nato, pakiramdam ko parang lumulutang ako sa saya, ang baduy ba? eh yung ang nararamdaman ko eh sa araw araw na nakikita ko siya hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko na umamin sa kanya pero pag dumatng naman na pinagbibigyan ako ng panahon eh nababakla ako. May halong nag-aalala at kasiyahan ang nararamdaman ko ngayon dahil kung di dahil sa bolang tumama sa noo niya di ako nakagawa ng paraan para mas maging malapit na ako sa kanya hinding hindi ko hahayaan na balewalain nalang. Nung nakita kong na tamaan siya ng bola sobrang nag-alala ako at ang kuyom ko sobrang nagiginig dahil sa galit bakit  pa kasi natamaan tong prinsesa ko. Alam ng mga ka team ko na may gusto talaga ako kay Zylle noon pa at natawa ako sa reaksyon ng mukha niya nung sinabi kong ihahatid ko lang si Mrs. Cliffhang... Ang cute kasi eh ang sarap kurutin. Kaya lang pagbalik ko may naiwan siyang gamit yung notebook niya na palagi niyang dala at biruin mo! Katulad yung kulay ng notebook kulay blue. Binuklat ko iyon para malaman kung anong laman. Sa pahinang naibuklat ko nagdadalawang isip ako kung babasahin ko eh kasi Diary pala eh. Parehas pala kami may diary rin. 

          Bakit kasi ang hirap mong lapitan eh, di kita maabot, kahit di mo ako napapansin sana maramdaman mo na may taong nagmamahal sayo, tinatanaw ka sa malayo na naglalaro. Ang mga ngiti mo ang sarap makita nakaka energize. Ikaw kasi eh bakit kailangan mo pang maging sikat dito sa school kung di lang talaga sana eh katulad parin tayo noon palaging nagpapansinan pero ngayon madalas na lang ni parang di mo nga ako nakikita pag nagkakatagbo tayo ehpara akong hangin. Nakaklungkot isipin pero di naman ako nawawalan ng pag-asa eh.. Basta para sayo Ok lang sakin kahit may mahalin ka pang iba.

Kumurit yung puso ko, iniisip ko sino ba to? Ang swerte naman ng lalaking toh minahal talaga ng babaeng mahal ko handa pa niyang isakripisyo ang kasiyahan niya para maging masaya ito sa gustong babae. Naintriga ako kaya binasa ko pa ang mga kasunod na pahina.

                   Ang sarap mo talagang panoorin, Itong mangga to ang swerte ko sa kanya dahil dito kita nasisilayan ng di mo namamalayan, Kung alam mo lang talaga. Ang galing mo namang maglaro ng baseball pwede bang tamaan mo nalang ng bola o di kaya paki bat ng mukha ko ng magising tong puso ko.

Natawa naman ako doon, Pero di ko kayang gawin yun sa kanya. Nakakasikip ng dibdib na isa pala sa mga team mates ko pala yung gusto niya pero sino? Si Ricky? Chun? LJ? Chance? Collin? Sorb? o AKO nalang? Haaay naman oooh!

                   OLIVEEEEEERRRR!!!! Talaga bang ginagawa mo na akong baliw sayo ha? Eh sa ang gwapo mo? Wala akong ibang magawa kundi pagmasadan ka. Matatapos na;ang ang highschool life ko na di ko man lang na eenjoy. Ikaw kasi eh! Parang bituin ang sarap mong tingnan pero ang hirap mong abutin.. Paki sabunot nalang ako. Baliw na nga ata ako.. Baliw sayo. Naku naman ooh! Lakas ng tama ko. Sapul na Sapul.

Grabeh! Nabuhayan ako ng loob at sobrang saya ang naramdaman ko, di ko alam kung anong i re-react ko sa nabasa ko, Ako pala, eh sa ako pala eh.. ANg sarap sa pakiramdam na alam mong malapit mo ng maabot ang para sayo dahil dun napagdesisyunan kong kumilos na at baka maunahan pa ako, maganda pa naman to at sobrang talino, ang bait bait pa.

***

Sino nga ba ang dakilang tanga? Eh ako na nga. Grabe ang kaba na naramdaman ko nung na realize kong di pala ito yung diary na hawak ko sa kanya pala. TANGA! Pero bahala na kung mabasa niya ng malaman niyang mahal ko rin siya.

Grabeh ang lungkot na naramdaman ko nung umiiwas siya sakin eh di pa nga ako nakakapagsimula eh ginago na ako ng sarili ko.

Nalungkot nga ako nung di siya pumunta sa laro namin eh palging present yun eh, siya nga yung nagiging inspirasyon ko sa paglalaro eh, malapit kaming matalo buti nalang at sinalo ako ng mga galaw ni LJ. 

Nilapitan ako ng bestfriend ni Zylle at may sinabing paraan para magka ayos kami pumayag ako at kinakabahan dahil sinong mag aakala na tutulungan ako ng mataray niyang kaibigan. 

Sumigla ako nung nakita ko siya pero umiiwas parin siya eh kaya nung nag picture kami dun ako dumamoves wala na akong pakialam kung mas lalo patong magalit sakin basta ang alam ko magiging masaya ako at magawa ko to bago niya ako reject.

Yung malalambot niya kamay sarap huwag bitawan.

hanggang sa nag aminan na nga at sobrang saya ko, di ko maipaliwanag ang naramdaman ko

Akalain mo ngayon naging kami na at masaya kami sa piling ng isa't-isa. Hinding-hindi ako magsasawa sa kanya dahil sa simpleng ngiti niya palang nanghihina ako. Masaya naman daw siya sakin at mahal na mahal niya ako.

Ang sarap sa feeling na mahalin ka ng mahal mo at ang mas masaya pa ay mahal niyo ang isa't-isa. Maikli lang ang buhay kaya dapat di natin sayangin ang bawat oras, sinayang koman ang panahon ko para malapitan siya pero totoo din naman pala yung blessed are those who wait dahil naghintay ako ng tamang panahon at ito na, nakamit at nasakin na ang inaasam ko. Masaya ako sa piling niya kaya di ako magsisisi na siya ang napili ko. Kunin na nila lahat sakin wag lan talaga ang pagmamahal ni Zylle dahil kung mangayayari yun di ko alam kung anong gagawin ko.

Salamat sa ka tangahan ko.

*END*

_____________________________________________________________

Ayan! Tapos na! Mabuhay! Sana nagustuhan niyo luvies! :)) Comment niyo lang kung maganda o pangit. :P No hard feelings ako sa comments niyo, say anything you want. CHOS! DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT guys! :)))))

WOONdrous_Scribbler

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 18, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HE HIT ME (One-Shot Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon