-68-

467 18 1
                                    

..

Caile

I didn't know I'll ended up here. Sa kawalan. Hindi ko alam kung anong lugar ito pero wala akong ibang makita kundi kadiliman lang. Walang kahit anong ilaw ang makikita ko rito.

I tried so many times running and running but no signs of any lights. Hindi ko alam kung gaano na ako katagal nandito, I just woke up here, with nothing.

I tried to scream but I have no voice. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Hindi ko alam kung matatakot ba ako o magpapatuloy maghanap ng kasagutan bakit ako nandito. Napapagod na ako, pakiramdam ko parang pinarurusahan ako at hindi ko alam kung anong eksaktong parusa ba ito.


"Kumusta ang pakiramdam? Masarap ba?"

Isang tinig ang narinig ko at hindi ko alam kung saan ito nanggagaling. Nalilito ako kung sa isip ko lang ba iyon o naririnig ko talaga ito. Nagpalinga linga ako sa paligid para hanapin ang taong nagsalita.

"Gaano kasarap sa pakiramdam ang mawala sa kawalan? Mahirap diba? Mahirap ang naging pakiramdam ko nung mga panahong pilit mo akong inaalis sa katawan nating dalawa!" Sigaw ng tinig at bigla itong lumitaw sa harapan ko.

Napaatras ako sa kinatatayuan ko dahil hindi ko inaasahan ang nakita ko. Kaharap ko ang sarili ko, matalim ang tingin nito na para akong hinuhugot sa kaloob looban ko.

Kakaiba ang kaniyang mata dahil mistulang tuldok lang ang itim ng mata niya habang nakatitig sa akin, kakaibang kakaiba ang kinikilos niya.

"Sino ka?" Tanong ko rito at nakita ko ang kakaibang ngisi niya.

"Nakalimutan mo na agad ako? Talaga bang hindi mo ako kilala?" May mapaglarong expression ito at biglang naglaho.

Napasinghap ako nang lumitaw ang kamukha ko sa mismong harapan ko. Hawak hawak nito ang leeg ko na pawang sinasakal ako. Nakakapangilabot ang kaniyang mga titig.

Napahawak ako sa kamay niyang nakasakal sa akin. Pilit ko itong inaalis pero sobra akong naguguluhan dahil para bang tinakasan ako ng lakas ko. Para bang isa lang akong batang musmos na minamaltrato ng ama.


"Pagmasdan mo akong maigi, Caile, hindi mo ba nakikilala ang isa pang sarili mo? Pagmasdan mo ako!" Pinagdiinan niya ang mga salita niya sa akin at hinigpitan pa lalo ang pagkakasakal sa akin.

Napatitig ako sa kaniya at maraming senaryo ang pumasok sa isip ko. Ang mga panahong nakakatulog ako ng isang buong araw at malalaman ko na lang ang kung ano anong pinaggagagawa niya.

"C-celior—!" Asik ko at mas lalong napasinghap dahil sa pagsakal niya lalo sa akin.

"Wow! Naalala mo na! Congratulations!" Sarkastikong sambit nito at bigla na namang naglaho siya kaya napahigop ako ng maraming hangin sabay sunod sunod na umubo.

"B-bakit ka ba nandito!? At nasaan tayo!?" Naguguluhang tanong ko at umayos ng tayo para harapin siya.

"Hm? Hindi mo alam? Nasa isip mo tayo, sa kailaliman ng isip mo." Sagot niya na ikinakunot ng noo ko, "Hindi mo maintindihan? Akala ko ba matalino ka? Ang bobo mo naman but to put it in a simple way. You abused the drugs that it cause to spread infection to your brain but not that harmful na mapapatay ka kundi ang mental health mo ang pupuntiryahin nito, at ngayon comatose ang katawan mo habang ikaw, nandito, mag isa at lugmok." Nanghahamak na tumingin sa akin si Celior.

Napaatras ako dahil sa mga sinabi niya. Unti unting nags-sink in sa isip ko ang mga naging desisyon at action ko. Sobrang daming realization ang pumapasok sa akin, sari saring emosyon ang nagsisimulang pumasok sa akin.

The Mafia's Psychopathy [BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon