"Hayyy uwian na naman another day done sahod na bukas ....... nakakaexcite pumasok "imik ni Rain ng makalabas na kami kaya natawa na lang ako
"Pumapasok ka lang naman para sa sahod hindi ka naman nag t-trabaho"imik ni Jade dito
"Oiii hindi Ahhh ika—" napatigil si Rain sa sasabihin nya at sumenyas na may tao sa likod at pag harap ko ay nakita ko ang mga lalaking naghatid sakin kanina
"Friend sino mga Yan ?"tanong ni Jade
"Sige na Mauna na kayong umuwi see you tomorrow"paalam ko sa mga ito
"Pero?—"
"Okay lang ako kaya ko na Sige na mauna na kayo ingat "paalam ko sa mga ito
"Ikaw ang mga ingat sino ba yang mga yan?sure ka bang okay ka lang ?"nag aalalang tanong ni Rain
"Ayyy nako hindi halikana dali "pag hila sakin ni Jade pero may mga humarang samin
"Jade ,Rain Sige na umuwi na kayo kaya ko na "
"Pero—?"
"I'll be fine tatawagan ko kayo pag uwi ko mamaya "
"Sige ingat ka ha ,call us "paalam ni Rain bago sila umalis
Nang nakaalis na sila Rain at Jade ay saka ko lang binalingan ng pansin ang mga lalaking naka suit na alam kong tauhan ni Clint
"A-anong kailangan nyo ? "Pagtatanong ko sa mga ito
"Pinapasundo po kayo ng Young Master pabalik sa White Mansion"imik ng isang lalaki na hindi naman tumingin sakin maging ang iba ay nakatungo lamang na nakatayo
"Sabihin nyo diyan sa amo nyo may usapan kami kaya tumupad sya sa usapan .Hindi ako sasama sa inyo kaya makakaalis na kayo"sagot ko dito bago muling humakbang at nag Iwas ng daan sa kanila pero hindi pa man ako nakaka tatlong hakbang ay may putok ng Baril na umalingaw kaya napa upo na lang ako at napatakip sa tenga kita ko kung paano nag kagulo ang lahat lumapit sakin ang ilang mga lalaki at pinalibutan ako .
"Sir sakay !"pag hila sakin ng mga lalaki bago mabilis na pinatakbo ang Van at rinig ko parin ang putukan kaya ganun na lamang ang kabog ng dibdib ko dahil akala ko ay mamatay na ako kanina .
Ilang Sandali pa ay huminto ang Van at nag bukas ang pinto at bigla na lamang nag init ang dugo ko ng makababa ako ng Van at makita ang puting mansion
Kaagad akong nag lakad papasok at pag pasok ko pa lamang ay sumalubong na sakin si Clint kaya hindi ko na napigilan pa ang sarili kong sampalin sya
"Ano bang problema mo ha?Hindi mo ba alam na muntik na akong mamatay kanina ? "Singhal ko dito at nag uumapaw ang galit sa dibdib ko
Takot na takot ako kanina dahil Akala ko mamatay na ako .Hindi ko man lamang alam kung bakit nag kagulo kanina dahil sa tagal ko ng nagtatrabaho at umuuwi ng gabi ay ngayon lang nangyari ito ,Ngayon lang ng makilala ko ang walang pusong lalaking to
Nakita ko ang pag galaw ng panga nya at pag haplos nito sa mukha nya kung saan lumagapak ang sampal ko saka walang emosyong tumitig sakin at makikita sa mga mata nya ang galit
Ginalaw nya ang ulo nya bago nakapamulsang humakbang palapit sakin kaya bahagya akong napa atras ng ilang hakbang
"Nasaktan ka ?"mahinahong pag tatanong nito na tila nag pakalma sa takot at galit na nararamdaman ko kanina lang.Pero hindi ako nagsalita at nanatiling nakipagtitigan sa kanya hangang sya na mismo ang umiwas ng tingin
"Khan!"tawag nito sa secretary nya
"Yes Sir ?"
"Ipatawag ang lahat ng sumundo kay Aiden "utos nito sa secretary nya bago muling tumingin sakin
YOU ARE READING
POISONOUS KISS (The Unforgotten Night)
RomanceAiden Amores a Bread Winner ,Decent man and Marketing employee . Who suddenly went to the bar with his friend after his boyfriend cheated on him and just want to forget the pain he is carrying meet and Sleep with Clinton Javier Solis a Bar owner S...