Chapter 14: Escaped

1K 33 0
                                    

Chapter 14: Escaped

TINAKLUBAN ni Selene ng kumot ang mga nilatag na unan sa ibabaw ng kaniyang kama bago bumaling kay Amara na bakas ang pag-aalala sa mukha.

“Wag kang mag-alala. Hindi naman ako magtatagal. Just make sure that no one will enter my room until I return. Can you do that?” mahina niyang bulong dito.

Sunod-sunod naman itong napatango. “I can do that, My Lady. Pero sigurado na po ba kayo sa gagawin n’yo?”

Inabot niya ang kamay nito at mahina ’yong pinisil. “No worries. Besides, Lord Carson will go with me.”

Alanganin naman itong ngumiti. “Sige po. Mag-iingat po kayo.”

Napatango lang siya rito. Hindi na rin naman ito nagtagal at agad na nagpaalam bago tuluyang lumabas ng kaniyang kuwarto.

Kahit papaano ay confident naman si Selene na walang kahit na sino ang papasok sa kuwarto niya. Nasabihan na rin naman niya sina Finn at Emil kanina na maaga siyang magpapahinga kaya hangga’t maaari ay wag na siyang istorbohin pa.

Still, she made her personal maid, Amara, an accomplice just in case of emergency. Even if they’ve only known each other for a while, Selene can feel that Amara is loyal to her.

Malalim na nagpakawala ng hininga si Selene bago niya pinatay ang ilaw at tahimik ang bawat hakbang na tinungo niya ang bintana. Nasa ikalawang palapag ang kuwarto niya. Kaya naman ay maliit na bagay lang sa kaniya ang tumalon mula roon.

Pero kahit ganoon ay may nakahanda pa rin siyang pinagdugtong-dugtong na bedsheets na maingat naman niyang inilaylay mula sa bintana. Ito kasi ang gagamitin niya mamaya pabalik.

Without thinking twice, Selene swiftly leapt from the window. Thankfully, even if her body right now lacks strength and stamina, she landed safely on the grass.

Nagpalinga-linga muna siya sa paligid bago dumiretso sa training grounds. Ayon kay Amara ay mayroon daw sikretong lagusan sa training grounds patungo sa labas.

Kahit papaano ay wala namang nagbabantay sa parteng ’yon. Mabuti na lang at nagawa niyang tanungin kay Finn kanina ang schedule ng pagronda ng mga guwardiya roon nang hindi ito naghihinala sa kaniya.

Ngunit hindi rin naging ganoon kadali para kay Selene na hanapin ang naturang lagusan. As per Amara’s description, it’s a door concealed by climbing vines and plants. Kaya naman ay kailangan niyang kapain ang kabuuan ng pader doon na natatakpan ng mga halaman.

Not long after, Selene smiled triumphantly when something from the wall finally opened the moment she pushed it. Muli naman niyang inilibot ang tingin sa paligid bago lumabas sa naturang pintuan.

Pagkalabas ay mayroon siyang natanaw na karwahe mula sa hindi kalayuan. Just like Carson told her a while ago, he would wait for her in that spot.

Inayos muna niya ang pagkakalagay ng kaniyang hood bago siya dali-daling tumakbo patungo roon at kumatok. Agad naman siyang pinagbuksan ni Carson at inalalayan papasok.

“You really made it out there, My Lady,” hindi makapaniwalang wika nito sa kaniya pagkaupo niya.

“Yeah. Somehow, I managed to ask Amara a favor.” She put down the hood of her robe. “But I need to go back as soon as possible. I just want to have a quick talk with the prince as well.”

“Alright. You have nothing to worry about since the prince will be the one to escort you back in the fastest way.”

Napakunot noo naman si Selene. “Fastest way?”

Napangiti naman si Carson. “Teleportation.”

Napatango na lang siya. Well, if that’s the case, then it would be much better.

The Luna is a VillainessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon