Cristine Acosta
Journal Entry #2
Nadapa ako sa may gate tapos nauntog ang ulo ko sa machine kung saan nag tatap ng ID. Hindi naman sa galit ako sa pagkakataon pero kasi, si Brix Lucero nasa kabilang machine lang din. Mapapa Lord works in a mysterious way ka nalang talaga kasi kung kelan nag sungaba ako ay saka naman siya tumingin sakin na parang nababaliw na ako.
Sinubukan niya akong tulungan. Tatanggapin ko sana yung kamay niya kaya lang yung guard yung biglang hinila ako patayo kasi nakaka-abala na daw ako sa daloy ng estudyante. Nagmartsa ako papunta sa clinic para humingi ng yelo pampatong sa bukol ko sa noo pero wala daw yelo. Pumunta ako sa canteen para sa nagtitinda ng palamig humingi ng yelo nang dumugo ang ilong ko.
May tumawa sa gilid. Hindi na kailangan pa hulaan kung sino. Brix Lucero. Nainsulto ako kahit hindi niya ako nakita at hindi ako yung tinawanan niya. Bumalik ako sa club room na patulo na ang luha. Hindi lahat ng kolehiyala matibay ang dibdib. O baka dahil wala lang akong dibdib kaya ang dali ko umiyak.
Umiiyak na ako pero hindi naman nagpatinag si Kuya Matt sa malakas na tawa niya. Magulo kasi ang buhok ko, kamuka ko daw yung baliw na babae na laging nakatambay sa SM malapit dito.
Hindi ako naniwala. Hindi naman sa pagmamayabang, maganda kaya ako. Hindi man kasing ganda ni Heart Evangelista, pasok naman ako maging artista kung kumukuha si ng manunulat na mas madalas ganda lang ang ambag.
Pagkatapos ako tawanan ni Kuya Matt, nagbigay siya ng suggestion na makakatulong magpawala sakin sa writing slump. Kala mo diyos siya kung magsalita kasi for sure daw gagana na yung promt na ibibigay niya.
"Magsulat ka ng tungkol kay Brix."
Akala niya siguro porket nag work sila ni Ate Yen pagkatapos niya sulatan ng isang libro ay gagana na rin sakin. "Hindi ako ganyang klaseng delulu-"
"Magsusulat ka lang. Hindi ka aasa."
Parang natapos lahat ng pantasya ko sa sinabi niya. Kahit gaano ko kagusto yung suggestion niya, magka-iba kasi kami ni Brix ng program. Magkaiba kami ng landas madalas kasi isang liko lang mula gate ay building na namin, sila sa dulo pa. Mas dulo yung club room pero magkaiba pa rin ng way.
Amoy wag nalang nga talaga umasa kasi wala namang pag-asa.
![](https://img.wattpad.com/cover/379573388-288-k568798.jpg)
YOU ARE READING
Ang Mga Sulat ng Dalawang Manunulat
Teen FictionAn Epistolary Simula: OCT 2024 Tapos: