After 7 years, Hindi ko Aaka lain na ganito na ang buhay na meron ako. Nagiging masaya ako dahil sa estado ng buhay ko ngayon akalain mo yun dalawa ng shop ang pinapatakbo ko dagdagan mo pa yung wedding event at ako ang organizer.
"Ang ganda naman, siguro matutuwa ang bride kapag nakita nya ang ganitong wedding dress. at tsaka yung wedding evenue at yung church. Gosh sobrang ganda talaga, at itong flowers nya bagay na bagay sa bride" pag pupuri nya sakin.
"Thank you so much red, kapag ikaw ang ikakasal ako na ang bahala sa lahat"
"alam mo baka ikaw pa ma una mag karoon ng asawa sa'tin eh" pag bibiro naman ni red sa'kin. Ako ba mag-aasawa? bakit parang wala sa list ko yun!! bakit wala akong plano mag-asawa.. "oh bakit natahimik ka jan?" tanong nya sa'kin!
"Huh? ano kasi marami lang akong iniisip" pag dadahilan ko sa kanya.
"Hey, are you ok pa ba?" tanong nya ulit sa'kin.
"Huh?"
"Wala sabi ko bilisan mo jan at mag lunch na tayo together, anjan pa naman yung secretary mo eh" aya nya sa'kin.
"Bakit lilibre mo ba ako?" alam ko naman na mas mayaman sa'kin ang loka-loka na ito.
"Alam mo ang kuripot mo ah!! ikaw nga itong mayaman na, tignan mo may coffee shop kapa tapos ang unique pa ng name ha 'PASTILLAS COFFEE SHOP' hahahahaha" hay nako.
Bago kasi ako nag magpatayo ng isang flower shop ang unang negosyo ko ay pastillas. Hindi man ganon ang kalaki ang kinikita ko pero sapat na para mag tapos ako ng pag-aaral ko. Malaki din ang pasasalamat ko kay Red, dahil saamin sya nakitira dati, at parang anak na rin sya ni mama. Hindi na bago sa'amin si red dahil napaka bait nya sa'kin at kung hindi dahil sa kanya ay malamang wala na ako dito ngayon.
"Oo na, lilibra na ho kita kamahalan" pang-aasar ko sa kanya.
"Pupunta kaba?" biglang tanong nya sa'kin.
"Kung gigimik ka, wag ngayon marami akong bibilhin para dito sa flower and coffee shop ko" wala ako ngayon sa wisyo para gumimik at marami akong gagastusin.
"Shunga, hindi sa ganon yon. Ang ibig kong sabihin may natanggap kana ba na email?"
"Huh? anong email? wala naman akong natatanggap eh" deny ko pa. Oo natanggap ko ang email na yon. Pero wala akong plano pumunta doon, at busy pa'rin naman ako sa mga negosyo ko ngayon. Ano naman gagawin ko doon? makikipag plastikan sa mga batchamtes ko before?
"Eto oh" pagpapakita sa'kin ni red na nakatanggap din sya ng invitation.
"Ah yan ba? wala akong natanggap eh. Baka hindi na'rin ako pupunta" sige deny kapa, mabubuking ka din ni red.
"Sinungaling. Nakita ko name mo sa mga pangalan na andito sa invitation, VANESSA GABRIELLA ALVAREZ" sabi na eh wala akong takas sa babaeng ito.
"Kahit na hindi pa'rin ako pupunta. Tsaka ano ba gagawin ko doon? marami akong gagawin and busy ako sa mga shops ko. Kung gusto mo ikaw na lang pumunta" Sana maniwala sya sa mga sinasabi ko ngayon.
"Ayaw pumunta dahil busy? o baka naman may iniiwasan ka lang?" sabi na eh. Wala akong kawala dito.
"Ako may iiwasan? wala... Magiging busy lang talaga ako"
"Bakit iniiwasan mo ba ex mo? o baka naman hindi kapa nakaka move on sa kanya. Sige ka kapag hindi ka sumama it means tinataguan mo sya"
Hindi naman sa ayaw ko syang makita. Hindi pa ako handa na magkita ulit ang landas naming dalawa, Naka move on na ako sa kanya wala na akong maramdaman na sakit sanay na ako sa ganitong sitwasyon. Kaya ko naman ang sarili ko eh, Pero ayaw ko pa talaga syang makita.
"Sige pupunta ako, pero sandali lang ako doon at alam mo naman na busy ako"
"Hoy hindi ka magiging si cinderella ha? hindi ka disney princess ha, papaalala ko lang naman" pang-aasar nya sa'kin.
"What time daw ba ang event?" tanong ko sa kanya.
"8:00 pm daw ng gabi eh, sa club paradise resort palawan daw ang ganap" namutla ako dahil sa sinabi nya sa'kin.
WHAT? palawan talaga????? Ang daming venue bakit doon pa..
"Ang daming venue ah, bakit sa palawan pa?" tanong ko. At bakit sa palawan????? ang daming venue na maganda eh.
"Bakit naman hindi? maganda naman doon ah at tsaka fresh ang hangin" Tumingin sa'kin ng deretso si red at nag tataka sa mga tanong ko sa kanya. "Teka nga!! may tinatago ka ba sa'kin huh?" halos hindi ako maka galaw sa kinatatayuan ko ngayon. Paano ko ba sasabihin sa kanya?
"Hoy vanessa" kanina pa pala ako kinakalabit ni red. "Bakit parang wala ka sa 'sarili mo?" she asked me!!!
"Red, hindi na ako sasama" nagulat si red sa sinabi ko.
"Huh? hoy, ok ka lang ba. Pag banggit ko ng palawan parang balisa ka jan" umiwas na lang ako ng tingin sa kanya.
"Red, it's been 5 years right" tanong ko sa kanya at tumango lang sa'kin bilang sagot..
"Pag graduate natin ng college dapat mag papakasal na sana kami, kaso hindi natuloy" kwento ko sa kanya at ikinagulat na lang nya.
hinayaan nya ako mag kwento hindi rin kasi alam ni red ang tungkol dito dahil nasa US sya after namin sa college.
"Nagkaroon kami ng problema at dahil doon hindi na natuloy ang kasal namin sa palawan. Kaya yung mga couple na nag sasabi ng venue nila sa palawan ay tinanggihan ko ang mga iyon, hindi ko pa talaga kaya na bumalik sa lugar na iyon. Naka set up na kami ng mga decorations ang even ang mga gowns at suits nya. Kaso ayon iniwan na lang ako ere ng walang pasabi. Ikaw ang nasa pinaka una na magiging maid of honor ko kaso sabo ng mommy mo busy ka sa work mo." malungkot na kwento ko sa kanya. Hanggang ngayon sobrang sariwa pa'rin ang lahat. Hindi ko alam kung naka usad na ba ako? or sadyang umaasa pa'rin ako.
"Iniwan sa ere tapos nag karoon kayo ng problema? ano ba talaga?" Ngumisi na lang ako dahil sa tanong nya.
"Iniwan sa ere at dahil dito nag karoon kami ng problema"
Sobra akong nasaktan noong iniwan nya ako. Ang tanging alam ko lang ay umiiyak at mag lasing sa dalampasigan. Umasa ako na baka babalik sya bago pa matapos ang gabi, ngunit wala akong nakita na anino nya. Hanggang sa napagdesisyon ko na lang na umuwi dito sa manila at mag umpisa ulit. Sinubukan ko syang hanapin noon lalo na bahay nila pero kahit kaluluwa na lang nya ya hindi ko makita.
Tama na siguro hindi ko na'rin kaya...
CONTINUEEEEEEEEEEE
YOU ARE READING
I wish I was her (series #1)
RomanceMagiging sapat pa ba kay vanessa ang lahat? Nagtatrabaho sa isang coffee shop, gumagawa ng pastillas pang dagdag kita nya sa kanyang pag-aaral habang sya ay nag tatrabaho ng mabuti. Hindi nya magawang humingi sa mama nya ng mga gastusin dahil ayaw n...