BARANG( one shot )

9.4K 173 105
                                    

I'm Stella,27 years old, currently working sa isang Lending company. I can say na maganda ako at maraming nagkakagusto sa akin. Pero hindi ko talaga matiis na wag mamintas. Ugali koo na iyon kahit nung bata ako. In short, maldita ako.

Ang hindi ko alam, ito ang magpapahamak sa akin, isang pangyayari na muntik ko ng ikamatay.

Naniniwala ba kayo sa kulam o barang?

Ako dati, HINDI. Natatawa lang ako pag napapagkwentuhan sa office ang mga ganyang bagay. I have an officemate kasi na laking probinsya,si Agnes.Uso daw sa kanila yung ganun, magbabayad ka sa mangkukulam tapos kung sino ang gusto mong ipakulam ay kukulamin niya.

Iniisip ko dati na mga haka- haka lang yun. Sa panahon ba ngayon meron pang mga ganyan?

Pero nagbago ang pananaw ko nang makilala ko si Antonio. Security guard ng company at masugid kong manliligaw.

Hindi na nga kagwapuhan, pinagkaitan pa ng height. I wonder, paano siya naging security guard? Siya yung tipo na kahit bagong ligo, mukha pa ring mabaho. Wa ko siya type talaga. Kung yung mga may fez e snob ako, sa kanya pa kaya? Like duh?( Arte ko noh?)

Lagi siyang nakabantay sa akin, araw araw may dalang bulaklak at hany( cheap ah.)

Pag uwian naman, laging nagpipilit na ihatid ako. ayoko nga! ano na lang sasabihin ng mga makakasalubong namin? Malabo ang mata ko?

So ayun nga, matiyagang manligaw. Uto- uto, kahit anong iutos ko ginagawa niya. Minsan kahit nagmumukha na siyang tanga, pinagtatawanan na namin siya ng mga kaopisina ko ay parang manhid pa rin.

Hinayaan ko na lang stress lang ang aabutin ko kung pag aaksayahan ko pa siya ng oras.

So yun, days had passed. Walang Pinagbago, para pa rin siyang aso na sunod ng sunod sa amo.

Then one day, nakilala ko si Roman, ang ideal man ng kahit sinong babae. Niligawan niya ako. At hindi naman ngtagal ay sinagot ko siya. Itsapwera na si manong guard.

Ilang araw lang simula ng sagutin ko si Roman ay biglang nawala si Antonio. NAgresign daw kasi uuwi na sa probinsya. Di ko na lang pinansin kasi sino ba siya para pag aksayahan ko ng panahon? Kahit sinasabi nila na ako daw ang dahilan kung bakit siya  umalis. Kasalanan ko pa pala. Duh!

Ayun, happy and contented ako sa relationship namin ni Roman. NAng isang isang araw bigla na lang akong nakaramdam ng kirot sa tiyan ko. KAya hindi ako pumasok that day kasi di ko kayang tiisin ang sakit. As in namimilipit ako.

Ilang araw, weeks ang lumipas, wala pa ring pagbabago. HAbang tumatagal lalalong lumalala. So i decided to see an specialist. Laking gulat kong normal naman lahat ng laboratory test sa akin.

Ang sabi pa ng doctor baka over fatigue at stress kaya ganun. So binigyan ako ng pain killer ng doctor para mabawasan ang pagkirot.

Nag decide akong magtake ng sick leave sa company.

BARANG( one shot )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon