Where to?

44 1 1
                                    

Pumunta kami ng bahay nila Ken. Ang laki na ng bahay nila :O

Sobrang laki na parang mansion na. Hindi na yata bahay e. May kinuha siya bag doon. Dalawang malaking bag na pastel ang colors niya. 'Yung isa pink, at 'yung isa naman blue.

Ano kaya laman no'n? *O*

Nakita ko na siyang papalapit sa may pinto-- Kung nasaan ako. Mukhang walang tao yata sa bahay nila? Parang ang lungkot naman dito.

"Ken--" Hindi ko natuloy 'yung tanong ko dahil hinila na niya ako palabas ng bahay nila. Ano naman kayang drama ne'to ni Ken?

Napatingin ako sa likod niya. Hatak hatak niya kasi ako. Napababa naman ang tingin ko sa magkahawak na kamay namin. Waaaaaaaaah! Kinikilig ako! Ang lakas ng tibok ng puso ko. At feeling ko gustong gusto ko nang magta-talon sa tuwa at kilig. Pero syempre wag na muna ngayon. Feel the happiness lang, Kaye. Haha :DD Baka magulat si Ken may tumatalon-talon sa likod niya. Bwahahahah!

Kanina pa kami lakad ng lakad pero hindi pa rin kami tumitigil. Hinihintay ko lang siya magsalita at tumigil. Biglaan naman yata 'tong date namin?

Teka, date? O___o

Jokelang. In my dreams. >:D

"Uhhmph--"

(^Ansave ng sfx?)

Napasubsob ako sa likod niya dahil bigla siyang tumigil at humarap sa akin.

Oh my eyeeeess! My beautiful eyes! nasisilaw ako sa kagwapuhan nitong lalaki sa harap ko!

"U-uhh, bakit nandito tayo Ken?" tanong ko sa kanya.

Inikot ko ang tingin ko sa paligid. Nasa isang clear field lang kami. Grass, grass everywhere. Ngayon lang ako nakarating dito.

Nginitian niya ako at sinabing-- "You'll see."

*woosh

I felt cold breeze. Palamig na ng palamig.

Nakaupo lang kami dun ni Ken. Walang umiimik. Pero, nahuhuli ko siyang napapatingin sa akin. Bwahehehehe. Yiheee. :DD

After ilang minutes, gulat na gulat ako dahil sa nakita ko.

Waaaah. Na-excite ako bigla ng makita ko ang isang helicopter na nag-land sa harap namin.

Lumingon ako kay Ken na ngiting-ngiti pero nakatingin dun sa helicopter. Napangiti na lang rin ako.

At bumilis na lang bigla 'yung tibok ng puso ko nang hawakan niya 'yung kamay ko. :O Hinila naman niya ako papunta sa loob at sumakay. Teka, Napaisip ako. Waaaaaaaah! Mag-rrun-away ba kami? May dala siyang bag.. Hindi kaya itatakas niya ako at..

Nooooooo! Bata pa akoooooo!

Napatingin ako kay Ken dahil bigla siyang tumawa ng mahina lang pero sobrang gwapo ng pagtawa. 'Yun bang mapapatitig ka lang.

"Hindi ko gagawin sa'yo ang iniisip mo. Haha. Grabe ka naman. May surprise lang ako para sa'yo. And I'm sure matutuwa ka." Sabi niya sakin nang nakatitig.

BABALA.

Wag kayong makikipag- eye to eye dito sa nilalang na ito. Nakakamatay!

Nakakamatay sa kilig. Hahaha!

~

Nakarating kami sa pupuntahan namin at napa-nga nga na lang ako sa nakita ko.

Beach.

Dinala niya ako sa beach! Waaaah! Honeymoon na ba itey?

Ay, ano ka ba, Kaye. Bakit, kinasal kayo?

Summer LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon