Hinarap ko si Ken. Pero syempre, pinunasan o pinigil ko na muna 'yung nangingilid kong luha.
"K-ken."
"Oy Ken, Kaye!"
Si Ji. Nakikiepal.
"Musta performance namin?"
"Okay na okay pare! Galing niyo pa rin!" sabi ni Ken at nakipag-bro fist kay Ji.
"Salamat, pre. U-uh, Kaye, maganda ba boses ko?" Nakangiti niyang sabi pero nautal nung una.
Sumagot na lang ako sa kanya-- "Oo. Maganda nga 'yung performance niyo :)" kahit hindi naman niya tinatanong yung performance kundi yung boses niya e >.> At..
kahit wala ako sa mood kasi kanina ko pa gustong kausapin at sabihin kay Ken na ano e..
"O sige, maiwan ko na muna kayo ah" sabi ni Ken. Ugh. Kung pwede lang na si Ji na lang nagsabi nun e. Hindi ako papayag na iwan ako dito ni Ken! Nooooo!
Ayy. E kasi e. Di ko pa nasasabi sa kanya :(((((((
"a-ah! K--" Tatawagin ko na sana siya nang pinutol ni Ji 'yung sasabihin ko. Kainis naman oh! Wrong timing naman.
"Uh, lakad muna tayo, Kaye? Kung o-okay lang sa'yo?"
At aba. Kainis ha. No choice na lang ako,kaya eto kami naglalakad-lakad sa madiliiiim na gabi. Na dapat si Ken ang kasama ko ngayon at siguro nalaman na niya.
Lakad lang kami ng lakad ni Ji. Di ko na keri ang awkwardness kaya nagsalita na ako.
"Ji.."
"Kaye.."
Pero nung nagsisimula pa lang ako sinabayan naman niya. Tsk. Ano ba?!
"Ah sorry.. Sige, anu ba 'yun?" Tanong niya. So ako naman si ok-fine-ako-na-mauna. -___-
"Uhm, nagtataka lang ako kung bakit di kita masyadong natatandaan? E kasi e. Alam kong kababata kita.. kami ni Ken, pero bakit nung tumanda na tayo, I mean.. nag grade and hs wala ka na?" Leche, napahaba tuloy yung tanong ko. Baka isipin nito. TSS.
Tumawa siya ng bahagya at sinagot din 'yung tanong ko pagkatapos. Akala ko magtatawanan na lang kami e.
"Long story, Kaye. Long story. Baka abutin tayo ng bukas niyan e. Hahaha.."
'Ahh'. Pagaakto kong -- okay, o in short, nagnod na lang ako na nagmouth ng 'ahh.'
"T-teka, may tanong ako kaye. Sana hindi mo masamain ah, pero..
May boyfriend o minamahal ka na ba ngayon?"
Letsi. OO. MERON> 'YUNG KABABATA NATIN. MAHAL NA MAHAL KO SIYA. BAKIT?
'Yun sana ang sasagutin ko sa kanya pero iba ang nasabi ko. -- " Oo. May minahal ako simula nung bata pa kami. At minamahal ko pa rin siya ngayon kaya lang hindi ko masabi sa kanya. :( "
Sabi ko habang naglalakad kami at hindi nakatingin sa kanya. Nakita ko sa gilid ng mata ko na nagulat at lumaki 'yung mata niya. Napatingin naman ako agad sa kanya at huminto.
Napatalikod naman siya at biglang nagsigaw ng "Yeeeees!!"
Huh? O__o Anong yes? Bakit yes? ?____?
"J---"
Di ko na natuloy 'yung sasabihin ko at natigilan ako dahil bigla niya akong niyakap. Huuuh? Wazz going on?
Teka..
Ohnoes! Baka iniisip niya na.. Waaaaaah!
Mali. Mali ka ng iniisip Ji! Ano ba 'yan. Bakit kasi sa lahat pa ng description na masasabi ko e 'yung description na pe-pwedeng maging siya ang tinutukoy ko o si Ken.
~
Nakatulala pa rin ako sa nangyari. Kainis. Mali 'yung iniisip ni Ji. HIndi siya, si Ken. Si Keeen! >___<
E kasi naman e.
*Flashback
"Natutuwa ako, Kaye. Sobra. Parehas tayo. Dati pa. Ikaw laging laman ng isip ko."
Shocked. Upset.
Di na ako naka-react nun kasi hinila niya ako pabalik dun sa bahay at tumakbo kami.
Tapos.. Sinabi pa niya.. or more like sinigaw na, " Siguradong matutuwa na si Pare nito! Whooo!"
Aray. Matutuwa nga ba siya? Ano kaya magiging reaction niya?
End of F.B
....
"Kaye, okay ka lang?"
Nabalik lang ako sa sarili ko nang magsalita si Ken.
"A-ah, oo. Uhm, magpapahangin lang ako sa labas."
Lumabas naman ako nun at tumambay na muna sa may small kubo chever malapit dun sa pinags-stay-an namin. Presko ang hangin. Parang ang sarap huminga. Pero unti-unting nawawala 'yung nararamdaman kong relaxation nang naalala ko nanaman 'yung nangyari kanina.
" Siguradong matutuwa na si Pare nito! Whooo!"
Ang sakit. Kung kailan naman nagkaroon ako ng lakas ng loob para sabihin kay Ken 'yung nararamdaman ko dati pa, bigla namang may humadlang at parang pinipigilan ako. Ayokong masaktan si Ji. Pero pano naman ako? Pano 'yung nararamdama ko kay Ken na dating dati pa na.. Siya lang naman ang hinihintay ko at laging laman ng isip ko.
Naramdaman ko namang may umupo sa tabi ko. And paglingon ko.
Si Ken.
Dugdug. Dugdug.
Hindi siya tumitingin sa'kin nung paglingon ko. Nakatingin lang siya sa dagat at parang ang lalim ng iniisip.
Nilipat ko na lang 'yung tingin ko sa dagat. Ang sarap pakinggan 'yung mga alon na humahampas. Ang sarap din ng pakiramdam ng malamig na hangin. Pero mas masarap sa pakiramdam na makasama ko ngayon ang taong minamahal ko dati pa. Na hindi ko alam kung mutual ba ang feelings namin dahil 'yon ang minsang nararamdaman ko. Tama ba ang nararamdaman ko? O mali lang ang iniisip ko?
"Hindi maganda sa paningin ng lalaki ang babaeng umiiyak." Nagulat ako ng sabihin ni Ken 'yun at dahilan para mapatingin ako sa kanya.
Paglingon ko, mas nagulat ako dahil ang lapit na ng mukha niya sa'kin at sa titig niyang sobrang nakakalusaw. Tinititigan niya ako na parang may gusto siyang sabihin sa'kin. Pero..
Pinunasan niya lang 'yung luha ko gamit 'yung thumb niya.
Grabe, dahil dun, tumalon 'yung puso ko. Lalo na nung narinig ko ang mga salitang lumabas sa bibig niya na ikinagulat ko.
"Ayokong nakikita kang umiiyak ka, Kaye. Dahil importante ka sa'kin. At ikaw ang babaeng una kong nakilala at..
Minahal."
~Author's Note.
Update update pag may time. X)) Not the last chapter/part.
Dedicated sa'yo. (: Antagal noh? Haha, pasensiya naman. nawala ako ng ilang araw e. Hope you like it =))
:D
Hoping for your Votes&Comments guys :") 'Yun ay kung nagustuhan niyo at kung sa tingin niyong deserve nitong storyang 'to XDD
BINABASA MO ANG
Summer Love
Teen FictionShort Story. Ongoing. Tagalog. Written by: shehaswanderlust. (: