CHAPTER 5

26 2 0
                                    


DAVEN

Imbes na mag travel kami. Nauwi lang sa pag-aalaga si Wade sa akin. Six days na ako dito sa loob ng condo niya. Hindi parin ako umuwi ng bahay. Panay rin ang tawag ni Dasmond-pero wala akong gana na sagutin ang tawag niya.

Tomorrow is our graduation day, but here I am, still lying in bed. I've had a fever for two days now, and I can't stop vomiting. Si Wade lang ang nakakaalam ng kalagayan ko. Kaya hindi niya ako maiwan. I don't want my father to know what's happening to me right now. I'm sure he'll just scold me-for getting sick at such an inconvenient time. At wala rin akong balak na ipaalam ito kay Dasmond.

"Why don't you go to the hospital? Palala nang palala ang sitwasyon mo," tanong ni Wade, halata ang pag-aalala sa boses niya.

Tumingin ako sa kanya at sinagot siya nang mahina. "You know I have nosocomephobia." I can't go back to any medical center ever since my mother died there.

"Sige, pero pwede ko bang tawagin ang doktor? Kilala ko siya, kaibigan ng tatay ko," alok ni Wade, mas lalong nagiging seryoso ang ekspresyon. I'm sorry Wade-kung pati ikaw ay nadadamay.

With tears in my eyes, I looked at him. But I also felt fear. When my mother died, the last person I saw was the doctor. I can't forget the expression on his face when he told us that my mom was gone.

"I just took my medicine, Wade. Mawawala rin ito bukas, promise," pagsisinungaling ko, kahit ramdam ko ang patuloy na paghina ng katawan ko.

Bumuntong-hininga siya at seryosong tumingin. "Pasensyahan na lang tayo kapag hindi ko na kinaya, ha? Whether you like it or not, dadalhin kita sa hospital." He held my hand as if telling me that he wouldn't delay any longer.

Umalis muna ito para kumuha ng pagkain. Sobrang naging pabigat na ako sa kanya-pero hindi ko man lang narinig ang pagrereklamo niya.

"Hayaan mo Wade. Kapag gumaling na ako-kung ikaw naman ang magkakasakit. Ako rin ang mag-aalaga sa'yo."

Napatingin naman ako sa pintuan nang ito ay bumukas. Pumasok si Wade, may dalang pagkain. Nang makalapit siya, nilapag niya ang isang bowl sa bedside table.

Napatingin ako sa laman ng bowl nang maamoy ko ito-sinigang na isda. Agad na bumaliktad ang sikmura ko. Kahit masakit ang katawan, pilit akong bumangon at tumakbo sa banyo para magsuka. Pero laway lang ang lumabas sa bibig ko.

"I'm calling the doctor now," narinig ko ang sabi ni Wade mula sa labas ng banyo.

After awhile. May naramdaman akong kamay na marahang humaplos sa likuran ko.

"Daven," si Wade iyon, pinaharap ako sa kanya. Nakita ko ang mukha niyang puno ng pag-aalala.

"Paparating na sila," sabi niya. Tumango ako na lang ako.

"Just close your eyes na lang para hindi mo makita ang doktor. Hold my hand tightly," dagdag ni Wade.

Agad na bumagsak ang mga luha ko. Walang sabi-sabi, niyakap ko siya nang mahigpit. What's wrong with me?

Pinahiga ulit ako ni Wade at inilayo ang bowl na may sinigang na isda. Maya-maya lang ay napatingin ako sa pintuan-narinig kong dumating na ang doktor. Agad kong pinikit ang mata nang marinig ko ang mga yapak nito na paparating na sa gawi namin.

Narinig ko ang malambing na boses ng doktor habang kinakausap si Wade. Ayokong makita siya. Takot pa rin ako. Kaya't mas pinikit ko pa lalo ang mata at mas lalo pang hinigpitan ang hawak kay Wade.

"Daven, this is Dra. Ruiz. She's just going to check on you," bulong ni Wade, pilit na sinusubukang pakalmahin ako.

Naramdaman ko ang malamig na presensya ng doktor sa tabi ko. Kahit anong gawin ko, hindi ko mapigilan ang kaba. Nang may humawak sa pulso ko para kumuha ng vital signs, halos hindi ko mapigilan ang manginig.

BEARING THE BILLIONAIRE'S HEIR Where stories live. Discover now