MISSING PIECE (1)

1 1 0
                                    

kay dilim ng gabi,
hangin sa balat at dumadampi,
nakaupo sa buhanginan,
habang tinatanaw ang kalangitan,

himig ng hangin ay tila musika,
butuin sa kalangitang napakaganda,
buwang nagsisilbing ilaw,
sa gabing maginaw,

lamig ng tubig dumadampi sa paa,
mga mata ko'y nanlalabo na,
nagbabadyang luha ay aagos na,
at iniisip na sana ay kapiling ka.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 21 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MISSING PIECETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon