uno

5 0 0
                                    

si John Lloyd Alcazar ay namulat sa mayamang pamilya na mapapasakaniya rin balang araw. Lumaki si John Lloyd na ni minsan ay hindi man lang naramdaman ang pagmamahal ng kaniyang magulang, laging busy ang magulang nito sa kanilang kumpanya kaya't lumaki ito na mayabang, arogante, at higit sa lahat hindi niya natutunan na magmahal kailanman.

siya ay tatlumpu't dalawang tatong gulang ngunit wala pa siyang napapangasawa dahil na rin sa kasaaman ng ugali nito.

"oh ijo ano't naparito ka?" takang tanong ng isang matanda kay John Llyod nang pumasok ito sa isang lumang antique shop.

pamilyar ang lugar na ito sakaniya ngunit isa lang ang sigurado siya, hindi pa siya naparito kailan man sa buhay niya "you look familiar, have we met before?" takang tanong ng binata 

ngumiti lang ang matanda na lalong ikinainis ng binata "mukha kang mayaman pero bakit mo napili na magpunta sa ganitong lugar, may hinahanap ka ba?"

inis na inis ang binata rito kaya't napagpasyahan niya naumalis na lamang "masaya ka ba sa buhay mo?" napatigil ang binata sa sinabi ng matanda "masaya ka ba sa kayamanan ng magulang mo na siyang natatamasa mo ngayon?" 

"tatanungin kita ijo, anong meron ang mga mahihirap na wala ka na siyang ikamamatay mo kapag iyong kinain?" bahagyang napaisip dito ang binata 

"You're wrong, I have all that I need and also I can get what I want, ito lang ang tandaan mo manong, lahat ng bagay ay nasaakin na" umalis ang binata at nagtungo sa kaniyang opisina 


anong meron ang mga mahihirap na wala ka na siyang ikamamatay mo kapag iyong kinain

anong meron ang mga mahihirap na wala ka na siyang ikamamatay mo kapag iyong kinain

anong meron ang mga mahihirap na wala ka na siyang ikamamatay mo kapag iyong kinain

anong meron ang mga mahihirap na wala ka na siyang ikamamatay mo kapag iyong kinain

anong meron ang mga mahihirap na wala ka na siyang ikamamatay mo kapag iyong kinain

anong meron ang mga mahihirap na wala ka na siyang ikamamatay mo kapag iyong kinain

paulit ulit na tumatakbo sa isipan ng binata ang mga katagang iyon. ilang araw, linggo, buwan, at taon na ang nakalilipas ngunit hindi niya pa rin mahanap ang sagot.

wala na ang mga magulang niya, wala rin siyang pamilya at ang mga kamag anak niya ay walang pakialam sa kaniya "anong meron sila na wala ako!" umiiyak na sambit ng binata sa sarili "anong meron..." 

"sir! tama na po sir! oras na po para uminom kayo ng gamot" saad ng kaniyang personal nurse

he got all the money, fame and everyone's dream life pero bakit parang ang miserable ng buhay niya, ito lamang ang nasa isip ng kaniyang nurse  nang makita ang episode ng kaniyang amo 

"Crisel sabihin mo saakin! sabihin mo... a-ano bang meron sila na wala ako? bakit sila masaya b-bakit kap-pag ako..." tumulo ang mga luha na kaninaniya pa kinikimkim "bakit hindi ko magawang sumaya... Ako si John Lloyd Alcazar bakit kahit anong gawin ko ay wala pa rin ako ng meron ang iba!" tumawa ang binata dahil sa isip niya na siguro ay hindi talaga siya ang baliw at ang mga tao lang iyon sa paligid niya 

"Crisel iwanan mo muna ako, gusto kong magpahinga" nagaalalang tumingin dito si Crisel ngunit ginawa niya pa rin ito dahil na rin sa ayaw nitong mawalan ng trabaho 

unti unting ipinikit ni John Lloyd ang kaniyang mata at umaasang sana ay pag gising niya ay ayos na ang lahat, na sana... panaginip na lang ang lahat 




napaigik sa sakit ang binata nang makagat ito ng langgam "Crisel, close the blinds will you? and don't forget to kill those insects, I'm still sleepy" 

"Crisel!" sumigaw ito dahil nasisilaw pa rin ito "Crisel!" dumilat ang kaniyang mga mata nang mapagtanto na wala si Crisel, ngunit tumambad sa kaniya ay isang maliit na bahay 

"where am I?" tanong nito sa sarili nang mapagtanto na wala siya sa kaniyang silid 

nakatulog lang naman siya sa isang sofa at kitang kita mula sa kaniyang kinahihigaan ang kusina na ang katabi naman ay banyo 

malinis ang bahay ngunit di pa rin malinaw sakaniya ang nangyayari 

"oh anak! bakit ngayon ka lang nagising aba! tanghali na nilutuan kita kanina ng hotsilog na siyang paborito mo bago pumunta ng palengke" pagsabi nito ay nilagay nito ang bayong sa kusina 

tila hindi pa rin makaimik ang binata dahil sa nangyari. nakita lang naman niya ang nanay niyang namatay kasama ng kaniyang amasa business trip 

"ikaw talagang bata ka" ginantihan naman ng kaniyang ina ang yakap na ipinukol nito sakaniya "oh bakit umiiyaka ang baby boy ko? akala ko ba kapag college ka na ay di ka na iiyak?" mas lalong napa hagulgol ang binata dahil dito 

"mahal na mahal kita anak, kayo ni Crisel... mahal namin kayo ng papa mo... kahit na maraming problema, basta magkasama tayo ay kakayanin natin to kaya wag ka na umiyak diyan John Lloyd Batumbakal" hinalikan ng kaniyang ina ang kaniyang noo

"si kuya naman ang tanda tanda na pabebe pa rin" agad namang natawa ang kaniyang ina dahil dito "huwag mo ngang bidyuhan ang kuya mo" napangiti naman ag binata dahil sa eksenang ito 

"isesend ko to kay papa, akala mo ha"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 21 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Manila EncounterWhere stories live. Discover now