"Po? Hindi nga po ako uuwi ngayong sembreak. Mag-aadvance study ako ng subjects." Pahirapang paliwanag ko kay Nanay sa kabilang linya. Dahil sa biglaang pag-ulan, humina na naman ang signal sa loob ng aking dorm room. Nakasanayan ko na lang bilang ganito na rito mula pagkalipat ko noong unang taon ko sa kolehiyo.
I lied — Hindi talaga ako mag-aadvance study. Ayaw ko lang talagang umuwi sa'min. Hindi kasi ako nakakapagpahinga kapag umuuwi ako roon. I'd always felt suffocated. That's why every sem break, I often chose to stay at the dorm and enjoy solitary time.
"Po? Hindi ko po kayo maintindihan. Teka, labas lang po ako saglit para sumagap ng signal." Tsaka ko tinungo ang nag-iisang pintuan palabas.
Pagbukas ko ng pinto, saglit akong natigilan. Hindi ko kasi inaasahang isang importanteng tao ang bubungad sakin. He was standing in front of the door — all-drenched cheeks burning.
"N-Nay, tawag na lang po ako sa inyo mamaya. Pasensiya na po." Without thinking, I quickly ended the call.
"Hey Cy. What a mess, right?" Bungad niya habang masayang nakangiti sa akin.
"Anong nangya—" Hindi ko na natapos pa ang tanong nang biglang nahimatay ang lalaking nasa harapan ko. Buti na lang, I was fast enough to get a hold of him. I immediately carried him in my arms and went inside. Hindi naman ako gaanong nahirapan bilang mas matangkad ako sa kanya.
"What a mess, really..." Bulong ko na lang sa sarili sabay buntong hininga.
─── ·.༶❍༶.· ───
Kasalukuyang mahimbing ngayon ang tulog ni Blaine sa aking kama. Although mas sanay akong tawagin siyang "B". Siya ang matalik kong kaibigan. Napagtanto kong nilalagnat siya nang kanina'y napunasan ko siya at pinalitan ang suot niyang damit... Wala kong ideya kung paano ko nalampasang gawin lahat 'yun. At mas mabuti na ring 'wag nang pag-usapan pa! Basta inexpect ko nang magkakasakit siya, considering how soaked he was in the rain earlier.That's why, I thought of preparing a warm meal for him so he could take some meds once he woke up. Nagpapakulo ako ngayon ng tubig para sa ihahain kong instant noodles. Nakakahiya man pero 'yun lang kasi ang meron ako ngayon. Eto lang din kasi ang afford ko sa natitira ko pang allowance.
Hindi ko naman naiwasang mapaisip kung anong nangyari kay B. Nakangiti man siya kanina, batid kong may pinagdadaanan siyang mabigat ngayon. And I found it a bit unusual.
B had always been a cheerful soul. That's what I really admire about him, and sometimes I also envy his bright personality. 'Yung tipong kapag nakita mo na siyang nakangiti agad ka ring mahahawa rito. Masarap din siyang kausap kasi bukod sa taimtim siyang nakikinig kapag ikaw ang nagkukwento, eh alam din niya kung anong gagawin to keep conversations going. He'd also know the right words to say because he's mindful and actually listens. Every time, he'd make efforts so he could better understand you. Kaya naman sobrang thankful akong naging mag-bestfriends kami — And I wouldn't have anyone else but him.
Pero sa totoo lang, hindi ko inexpect na magiging close kaming dalawa. Matindi kasi 'yung pagkainis ko sa kanya noong hindi ko pa siya nakilalang lubos. All because I was in denial. Hindi ko kasi matanggap na inggit na inggit ako sa katulad niya. Thankfully, everything changed during the second semester of our first year.
FLASHBACK
Bad trip! Sa lahat ba naman ng magiging partner eh siya pa talaga! Nakakabanas! Bakit pa kasi random ang pagpili eh? Bwisit!
I was definitely struggling to keep my cool. Come on! Of all people? He ended up being my partner for our technical research in our Intro to Civil Engineering course. Ang swerte ko nga naman talaga kahit kailan...
BINABASA MO ANG
for him - completed✓
Короткий рассказa short BL story Cyril and Blaine. College Bestfriends, bound by secrets and unspoken feelings. As Cyril supports Blaine through the hardships of being gay in a religious family, he must also navigate his own hidden feelings. Will their friendship b...