Narrator POV
Ibinaba ni Faith ang mga natirang pagkain ng pato sa storage room at tuluyan na ngang umalis.
Pagdating nya sa kanilang bahay ay tinulungan nya naman ang kanyang mga magulang sa mga gawaing bahay. Malapit na mag dilim ng mga oras na yun kaya ng matapos nya sa mga dapat gawin ay agad nyang kinuha ang kanyang mga libro upang pumunta sa bundok. May puno dun kung saan may nakakabit ang isang duyan at dun nya napagpasyahan na magbasa at magpahinga. Sya lang ang nakakaalam ng lugar na yun at wala syang balak na ipaalam yun sa iba. Dun sya pumupunta tuwing may problema sya o kaya naman ay gusto nyang mapag isa. Tanaw dun ang view ng araw na malapit ng lumubog at lagi nyang pinagmamasdan iyon tuwing dumidilim.
KINABUKASAN ay pumasok na si Faith sa eskuwela. Di nya kasama noon si Raymond dahil may mga inaasikaso ito sa kanilang bahay. May tatlong lalaki na lumapit kay faith at akmang hihipuan ito ng biglang "Hoy! Subukan niyo syang galawin ako yung makakal*ban nyo!" sigaw ni daniel sa mga ito na dahilan para kumaripas sila ng takbo. "Are you okay miss?" Tanong nya rito pero hindi sumagot si Faith dahil hindi nya ito naintindihan. "Pasensya na ginoo ngunit hindi ko maintindihan ang inyong tinuran" saad nito habang nakayuko dahil nahihiya. "Ahh ang sabi ko ayus ka lang ba?" Tugon ni Daniel sa dalaga. "Oo ginoo maraming salamat sa pagsagip sakin" saad naman ni faith rito "Hatid ko na kita sa inyo" pag aaya ni daniel sa kanya. Sa una ay ayaw pumayag ng dalaga pero kalaunan ay sumama na rin ito sa kanya.
YOU ARE READING
Promises In The Wind (ℂ𝕆𝕄ℙ𝕃𝔼𝕋𝔼𝔻)
Romance𝗠𝗴𝗮 𝗽𝗮𝗻𝗴𝗮𝗸𝗼𝗻𝗴 𝗯𝗶𝗻𝗶𝘁𝗮𝘄𝗮𝗻, 𝗸𝗮𝘆𝗮 𝗯𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗻𝗶𝗻𝗱𝗶𝗴𝗮𝗻?