Hayeon POV
"Hayeon! Gumising ka nga ano ba?! Lintik! kanina ka pa ginigising aah?" - Tatay
with matching sipa sipa pa yun ha. Kainiiiiisssss! ㅡㅇㅡ!
"Tatayo na nga po diba?" sabi ko sabay upo sa kama. Kaya ayoko nang lunes e. Nasanay yung katawan ko sa weekends.
"Dalian mo ha? Bumaba ka na kaagad" - Tatay
"Opo"
Di pa nga ako nakakapagpakilala eey. Im Kim Hayeon , 15 years old. At yung kanina Lolo ko yun Tatay lang talaga tawag ko. Kasi nakagawian na nang lahi namin e. Well wala naman kaming lahing foreigner siguro ganyan lang talaga yung surname namin. Aaay. kailangan ko na nga palang bumilis sa pag kilos dahil nag aantay si Tatay sa baba.
Ginawa ko na ang daily rituals ko. Hmmm. Inaabot din ako nang 45 mins. to 1 hr. sa cr pero pag magaayos naman pagkatapos maligo eey mabilis na. All in all mga 1 hr and 30 mins. akong nagprepare.
"Ang tagal mo talagang kumilos na bata ka!" medyo may pagkainis na sabi ni Tatay.
"Sorry na tay. Galit ka?" sabi ko sabay upo sa tabi niya. Medyo maaga pa naman. may 15 mins. pa ko bago ako umalis.
"Hindi. Sige na umalis ka na baka malate ka pa niyan."
"Yes po. Alis na ko tay. Pakisabi na lang kay nanay."
"Oo sige. Magingat ka. Yung mata mo dapat alerto."
"Yes po" sabay salute ko sakanya. Ganyan yan si Tatay. Araw araw niya na lang sakin pinapaalala yan. Mas busog pa ko nang pangaral sakanya kesa sa Mama ko ey. Pagdating ko naman sa School sobrang aga pa. 20 mins. lang nakalipas dumami na ang tao sa school. Hanggang sa mag start na yung klase namin.
Breaktime na namin nang makaRecieve ako nang sms.
- Ate Kim
Bunso. Dinala si Tatay sa ospital di na kasi makahinga eey. Baka wala kang madatnang tao sa bahay mamaya. Magingat ka pinapasabi ni Tatay.Nagalala ako sobra. Kaya nung nagClass dismiss na di na ko nakipagkwentuhan sa close kong teacher diretso uwi na ko. Pagdating ko sa bahay wala ngang tao. Kumain muna ako at sumunod ako sa ospital. Pagdating ko dun nakita ko nasa entrance lang si Ate. Nilapitan ko siya. Nagulat naman siya na nandun ako.
"Ano ka ba Hayeon! Mamaya magalit sakin si Tatay na nandito ka. Umuwi ka na dun."
"Ayoko ate. Kamusta na si Tatay?"
"Ayun. Baka daw iConfine siya dahil naninilaw na siya. Ang sabi wala naman daw siya hepa kaya daw naninilaw si Tatay eey dahil sa atay niya. Nageenlarge yun everytime na humihinga siya. Tapos kaya naman siya di makaihi nang maayos eey dahil yung atay niya eey naharang sa daluyan nang ihi niya. Kaya kailangan siyang lagyan nang Catither. Narinig ko nga siya umaray kanina nung nilagyan siya nang Catither eey." Sa sinabi ni ate na speechless talaga ko. Gusto kong umiyak.
Mas pinili ko na lang magdasal kesa magsalita. Maya maya lumabas si Nanay. Nakita niya ko kaya nilapitan niya ko.
"Hayeon! Umuwi ka na. Baka magalit ang Tatay mo kapag nalaman niya nandito ka sa labas."
"Nanay. Okey lang ako. Mas mapapanatag ako kapag nandito ako. Ayoko sa bahay kapag wala si tatay."
"Eey panu yan? Kailangan iConfine si Tatay mo?"
" Edi pagkatapos kong pumasok pupunta ako dito. Para may maitulong din ako. Si ate kim naman may trabaho yan. Ganun din naman si Mama tsaka si papa. Kapag umabsent sila wala tayong panggastos. Kaya tutulong na lang din ako."
Ganun na nga ang nangyari halos isang linggo akong groogy nun. Pero kinaya ko. Umabot halos nang 2 linggo na ganun ginagawa ko. May isang beses na bumisita ako dun nakita ko si Tatay na nakangiti sakin kaya tinanong ko siya.
"Ayy. Masaya ka ata aah? Bakit?"
"Pwede na daw kasi akong umuwi sabi nang doktor eey." Di ko alam kung matutuwa ba ko o maiinis sa sinabi niya. Kasi kung titignan mo siya alam mong hindi pa siya okey. Napailing na lang ako.
"Hayeon! Bukas agahan mo ha. Para maaga akong makauwi. Tapos masasabayan na kitang kumain."
"Osige Tay. Basta ba make sure na okey ka na bago tayo lumabas nang ospital ha."
"Okey na ko anak. Ano ka ba!"
"Sigee na Tay. Uwi na ko. Narinig ko na yung sign na tapos na yung visiting hours ee."
"Sige anak. Magingat ka ha. Agahan mo bukas ha."
"Oo na po. Babye."
Mabilis namang lumipas ang oras nang araw na yun. At dumating na ang araw na pinakahihintay ni Tatay. Ang kanyang paguwi. Pagdating ko dun nakaPacked up na sila.
"Nyee? Di naman halatang excited kang umuwi ha?"
"Hindi naman. Tara na ayoko na talaga dito."
Natawa naman kami ni Nanay sa sinabi niya. Pinasakay na siya sa wheelchair. Pagupo niya dun ngumiti siya sa mga kasama niya saka nagbabye. NapakaSweet nang smile niya. Nakauwi kami nang matiwasay. Kinabukasan sobrang saya ni Tatay. Halos lahat nang dumadaan sa harap nang bahay namin binabati niya. Kinabukasan nang umaga pagbangon ko bumaba na ko para magprepare pagbaba ko nakita ko si Tatay nagtitimpla nang kape.
"Anak! Ayan na oh. Pinaghanda na kita nang pagkain. Para menus na sa oras. Ang bagal mo kasing kumilos ee."
"Tatay naman eey. Dapat nagpapahinga ka diba?"
"Ano ka ba! Ayos lang ako. Para naghain lang eey."
"Oo na nga."
"Osige na maghanda ka na sa pagpasok mo" di na ko sumagot na dumiretso na ko sa cr. Natapos akong magprepare halos 5:15 kaya nagpaalam na agad ako.
"Tatay , Nanay alis na ko. Baka malate na ko eey."
"Osige na. Magingat ka. Yung mata mo ha dapat laging alerto. Umuwi ka nang maaga wag ka nang pumunta sa kung saan ha."
"Yes boss. Babye"