Part 1: Tadhana

3 0 0
                                    

Naniniwala ka ba sa mga taong pinagtagpo ng tadhana?

2nd year high school ako nung una ko syang nakilala..

Paano?

Dito nagsimula ang lahat..

•••

Taon: 2002

Hi. Ako nga pala si Eloisa. 12yrs. old. Taga Laguna.

Isa akong simpleng babaeng mahilig mag-drawing at manood ng anime.

2nd year high-school na ako ngayon sa isang sikat na Catholic school sa lugar namin.

May maliit kaming tindahan sa bahay namin. Palagi akong inuutusan ng nanay ko sa palengke para bumili ng mga paninda.
Sa tuwing lalabas ako, nag-eenjoy ako. Dahil bukod sa nakakagala ako, kadalasan, yung sukli na matitira ibinibigay na sakin ng nanay ko.. Pang-extra ko daw kung may gusto akong bilhin. 🤑

At bilang isang anime fan, aminado akong nauubos baon ko sa pagbili ng mga anime items. 🤫

Questor, Culture Crash Comics, Tex, Poster.. nagnining-ning ang mata ko tuwing nakakakita ako ng mga 'to sa kwarto ko. 🤩

•••

Isang araw, inutusan ako ng nanay ko mamili ng paninda sa palengke ng San Pablo.

Habang nag-iikot para mamili ng mga paninda, napapunta ako sa tindahan ng bigas. Nagulat nalang ako na may mga naka-display silang ANIME COMICCSSS 😍

Ang weird di ba?

Tiningnan ko isa-isa.

Ragnarok.. Conan..

Hanggang sa may nakita akong comics na pumukaw ng atensyon ko.

Love Hina.

Midnight PlaylistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon