Dahil sa hilig ko sa anime, nahihilig na din ako sa mga kanta at kultura ng mga hapon.
Naimpluwensyahan na din ako ng tiyahin kong nagtatrabaho sa isang bar sa Japan. Halos palagi silang nakanta ng mga kaibigan nyang hapon.Naririnig ko ang mga kantahan tuwing umuuwi siya kasama ang mga kaibigan niyang hapon dito sa Pilipinas.
At ang kauna-unahan nilang tinuro sakin na salitang hapon?
"Okanechoudai." 😁💴🇯🇵
Galante ang tita ko. Halos lahat sumusunod sa kanya, hindi lang dahil sa mabait sya, kung hindi pati matulungin sya.
•••"Ate, pwede na si Lisa mag-Japan oh, bentang benta yan sa Japan, morena pa naman." sambit ng Tiyahin ko sa Nanay ko na nakatatanda nyang kapatid.
Pinagpaplanuhan na nila ang future ko.
"Hindi na ko magtatapos ng Highschool?" tanong ko
"Eh, madami namang hindi tapos na nagta-trabaho dun.. yung iba nga eh pinepeke ang dokumento para makaalis.." sagot ng nanay ko sakin.
"Yung kinikita ng mga nagta-trabaho dito ng isang buwan, isang gabi lang sa Japan, mas malaki pa!.. saka pag nakaipon ka na, pwede ka naman mag-aral uli."
Masunurin ako sa magulang ko.. pero this time, napaisip ako..
Tama bang desisyon ang huwag tapusin ang highschool? Na iwan ko lahat para magtrabaho? Sa edad na 13 yrs old?
Konting make up at porma lang daw kelangan ko para magmukhang mature ang itsura ko..
"Pag-iisipan ko nay.." yan nalang ang naisagot ko.
•••
Naguluhan ako. At ang una kong sinabihan ng problema ko.. si Aries.
No harm will be done naman siguro, db? Di nya naman ako personal na kilala kaya ok lang siguro sabihin sa kanya..
"Aries.." text ko sa kanya.
"Ow" reply nya agad.
Inexplain ko ang naging usapan namin ng nanay ko.
"Hmm.. kung para sa future mo naman ata eh.."
Sagot nya."Ayoko maging bar girl. Gusto ko muna magtapos hanggang college."
"Magtapos ka, iba parin ang may pinag-aralan."
Tama sya. Iba ang may pinag-aralan.