"Her Pov"
Pagkatapos ng pangyayaring iyon ay nakaligtas naman si theo,pero sabi ng doctor comatose daw siya.
Hindi pa namin alam kong kailan siya magigising.
"Mommy kailan po magigising si daddy we miss napo"tanong sa akin ni Atticus.
"I don't know baby but daddy well gonna wake up,not now but soon"sabi ko ka nalang at ibinalik ang tingin Kay Theo.
"Theo gumising kana please we miss you"sabi ko nalang at ipinikit ang aking mata.
2 MONTHS LATER
Week's,turn to months,pero hindi parin siya nagigising hanggang ngayon.
Nandito ako ngayon sa ospital at nagbabantay kay theo,halos dalawang buwan narin siyang comatose at hindi parin nagigising.
Gusto sanang sumama ng mga bata pero hindi pwede kasi may pasok pa sila ngayon sa eskwalahan.
Kakalabas ko lang galing sa restroom,dito na kasi ako na tulog sa room niya,ayaw ko kasi siyang iwan dito.
Agad naman akong umupo sa isang upuan na katabi lang ng kama niya.
Nakatingin lang ako sa kaniyang gwapong mukha,pero unggoy parin.
"Theo gumising kana,hinihintay ka na namin ng mga anak mo tapos may isang anghel pang naghihintay sayo"sabi ko at napahawak sa aking tiyan, and yes buntis ako mga 2 months na.
Nalaman kong ito ng bigla akong dinugo dahil sa stress at pagiisip ng kahit ano,kaya muntik na akong makunan buti nalang agad tumawag si lucas ng doctor.
Habang nakatingin lang ako sa kaniya ay narinig ko namang bumakas ang pinto nitong kwarto at pumasok doon si Lucas at Leo kasama din nila ang mga magulang ni Theo.
Agad namang lumapit sa aking ang mama niya at niyakap ako.
"Kamusta kana iha,and saan yong mga pogi kong apo"sabi niya at bumitaw sa yakap.
"May pasok po kasi sila ngayon mama"sabi at tumango na lamang siya.
"Iha umuwi ka muna at magpahinga alam naming pagod ka,kaya kami muna ang nagbabantay sa anak namin"sabi niya at inilalayan akong tumayo kaya tumango nalang ako.
Pinahatid naman nila ako sa bahay namin,at mga ilang minutong byahe ay nakarating narin kami sa bahay ni Theo kaya agad na akong bumaba at nagpasalamat kay manong samuel.
Pagkababa ko palang ay agad kong narinig ang boses ng mga anak ko.
"Mommy"sabay na sabi nila at yumakap sa akin, napatingin naman sila sa likod ko na parang may inaasahan.
"Mommy, where's daddy"tanong nila sa akin.
"Nasa ospital pa si daddy anak"sabi ko at agad naman silang na lungkot akala kasi nila gising na ang daddy nila.
"Don't be sad mga anak gigising rin si daddy soon okay mag wait lang talaga tayo baka pagod lang si daddy"paninigurado ko sa kanila kasi kapag sinabi kong matagal pang magigising ang daddy nila hindi na naman sila kakain ng maayos.
Kagaya ng noong isang buwan palagi nalang Silang matamlay ng malaman nilang nasa ospital ang daddy nila.
"Sege na mga anak pumasok na tayo"sabi ko at pumasok na kami sa bahay.
Pagkapasok ko ay agad narin akong pumunta sa kwarto para makapag pahinga narin agad naman akong humiga sa kama at natulog na.
"AND EVERYTHING WENT BLACK"
Nagising ako sa tunog ng aking cellphone na nagriring, kaya agad ko itong kinuha sa table at nakita ko ang pangalan ni lucas kaya agad ko itong sinagot.
"Xyra wag ka sanang magugulat"sabi niya sa akin na parang may halong lungkot ang kaniyang boses at rinig ko naman na parang may umiiyak sa kabilang linya.
"Ano nangyayari Lucas"tanong ko sa kaniya.
"Patay na si theo,hindi na kinaya ng katawan niya"sabi niya nahalos nagpaguho ng mundo ko.
"Hindi,Hindi totoo yan,buhay pa siya Lucas"sabi ko at umiiyak na kaya agad kong ibinaba ang tawag at pumunta sa labas.
Agad ko namang nakita si manong berting kaya agad ko siyang tinawag at pinagdrive.
Umiiyak na ako habang pa punta palang kami ni mang berting sa ospital.
Pagkarating namin ay agad naman akong bumaba sa sasakyan at tumakbo patungo sa room niya.
Pagkarating ko doon ay agad kong binuksan ang pinto at nakita ko nalang na may takip ng puting kumot ang mukha niya habang sila tita naman ay umiiyak na nakatinangin sa katawan ng kanilang anak.
Agad naman akong lumapit at umiiyak na,naramdaman ko naman na kumirot ng kunti ang tiyan ko,kaya napahawak nalang ako doon.
"Wag naman pati ikaw mawala pa sa akin baby"sabi ko sa aking isip.
"Theo ang daya mo naman eh hindi panga tayo kinakasal tapos susuko kana paano na kami ng mga anak mo huh paano na kami,Hindi ko panga na aamin sayo na mahal kita,tapos ganito ang daya mo, kong kailan mahal na kita syaka ka naman kinuha sa akin"umiiyak kong sinabi at niyakap ang katawan niya.
"Totoo ba yon"sabi ng isang pamilyar na boses kaya agad akong naangat ng tingin at narinig ko naman ang mahihinang tawa sa may gilid ko.
At nakita ko doon si theo na buhay na buhay at nakangiting nakatingin sa akin,kaya agad naman akong napatayo at tinignan siya ng masama.
"Hayop ka buhay ka pala tapos nag dadrama pa ako dito kasi akala ko nawala kana,paano nalang pagnakunan Ako huh, mapapatay talaga kitang lalaki"umiiyak na sabi ko at pinaghahampas siya,bigla naman ako nakaramdam ng kirot sa aking tiyan at kasabay din non pagdilim ng aking paningin.
Matutumba na sana ako ng maramdaman ko na may sumalo sa akin at kasunod din nun ang kaniyang boses.
"F*ck call a fu*kin doctor"nag-aalalang sabi niya bago ako tuluyang nawalan ng malay.
AND EVERYTHING WENT BLACK.
YOU ARE READING
THE YAKUZA'S OBSESSION'S
Romance"When darkness meets innocence, love becomes a deadly game." Xyra Lee Morgan, a simple and peaceful young woman, escapes to the provinces to live with her grandmother, seeking refuge from the chaos of city life. However, her quest for serenity is di...