His Love (One shot story)

298 13 3
                                    

Habang Naka yuko at naka sandal yung noo ko sa braso ko habang nakasalampak sa lamesa Narinig ko ang Mga pinggang at mga kutsara't tinidor na inilalagay sa lamesa. Pag mulat ko ng mata ko nakita ko yung Asawa ko Inilapit nya yung gatas sa harap ko

" Good Morning honney gising ka na pala kain na tayo inumin mo tong gatas para di na sumakit ulo , ikaw kasi gabi ka nanaman umuwi kagabi Nag lasing ka nanaman ?" Iniaalok nya sakin yung mga pagkain na inihanda nya para sakin, Pinipilit nya kong subuan pero tinutulak ko lang yung mga binibigay nya nakikita ko lang sya na naka ngiti palagi sakin kahit iniignore ko sya di ko na lang sya pinansin at pumikit na lang ulit puyat pa ko at masakit ang ulo ko may hang over pa ko , Pag mulat ko ulit ng mata ko Nakita ko si Bryan na may hawak na Video cam at vinivideohan ako

" Hi guys sya si Babe Mikee Ang ganda nya no , Asawa ko yan ! Mabait yan " naririnig ko yung mga sinasabi nya habang naka pikit ako naiirita ako sakanya " Alisin mo nga yan ! Natutulog ako eh !" Naiirita kong sabi habang inihaharang yung kamay ko sa Lense ng Camera naiistorbo nya ko di nya ba nakita natutulog ako Tumayo ako mula sa pag kaka upoat tinulak yung lense nung cam para umalis sya tsaka ako lumampas sa kanya para lumipat sa Couch para maka tulog ulit ng maayos

Nung kinagabihan pumunta na ko sa club Para Mag Party gabi gabi ko tong ginagawa at umaga na ko umuuwi tapos matutulog lang ako , Pag uwi ko sa bahay sobrang nahihilo na ko pinupunasan ni Bryan yung Muka ko ng basang Bimpo , Naiinis ako sakanya bakit di nya na lang ako hayaan matulog di nya ba nakita natutulog ako ! Napa upo ako sa upuan kasi nasusuka ako , pero dahil di ko na kaya tumayo yung sando ni bryan ang nasukahan ko tsaka ulit ako nahiga para matulog .

Pag ka gising ko Nakita ko si Bryan na nakaupo sa sahig at naka Ngudngod yung ulo sa upuan at hawak hawak nya yung kamay ko Napangiti na lang ako at Hinawi ang buok nya

Gabi nanaman at kailangan ko na umalis para makita ang mga friends ko suot suot ko ang isang black elegant cocktail dress na sobrang iksi Nakita ko si Bryan na Vinivideohan yung lamesa nag basta sya ng wine at basta madaming pag kain , Anong Meron ? Habang sinusuot ko yung Earings ko ipinatong nya sa likod ko yung Coat nyang sobrang laki , inalis ko yung at inihagis na sumakto sa Muka nya tsaka Ako umalis , Nakaka badtrip sya ang ganda ng Porma ko tapos lalagyang nya ng Black Coat ?

Habang nasa bar at nakikipag sayawan lang ako sa mga friends ko at umiinom ng wine , ang dami ko ng nainom nahihilo ko , sa sobrang kalasingan ko at kalikutan sa dance floor naitulak ko yung babae na sumasayaw medyo napalakas yung pag ka tulak ko sa kanya kaya nadapa sya Natawa na lang ako sakanya Tanga Tanga kasi .. Pag talikod ko habang tumatawa bigla nyang hinablot yung buhok ko

" Miss inaano ba kita ?! , Baki ka nanunulak ?" Galit na galit na tanong nung babae sakin

" Aba miss ang lakas mo maka pag bintang di kita tinulak sadyang tanga ka lang ! tsaka wag ka ngang mang hahablot ng buhok !" pag ka sabi ko sakanya nun tinapunan ko yung muka nya nung wine na hawak ko at tinulak sya na ikinagulat ng mga kasama ko nauwi yung away namin sa sabunutan at sampalan . kaya Pag uwi ko ang dami kong pasa . pag uwi nakita ko si Bryan sa salas na inaantay ako nakita ko rin yung mga pagkain na hinanda nya kanina na hindi pa nagagalaw bakit di pa sya kumakain ? .. tinanung nya ako kung anong nangyari at ikinewento ko sakanya habang ginagamot nya yung sugat ko Pinagagalitan nya pa ko , kaya mas lalo akong Na Badtrip , Ini Alis ko yung kamay ni Bryan sa muka ko tsaka ko sya sinumbatan

" Ano bang problema mo ! Nababadtrip na ko sayo ah ! Ang pakielamero mo ! dapat ginagamot mo na lang yung sugat ko hindi yung ang dami mo pang dinadada dada dyan !" sabi ko saknya ng galit na galit , Napag taasan ko sya ng boses pero dapat lang naman sakanya yun eh Pakeelamero kase sya sa buhay ko !

His Love (One shot story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon