PROLOGUE

60 3 1
                                    

be aware of typographical error.

———————


“ Ely! “ pagtawag sa pangalan ko, I immediately turn my back at agad namang gumihit ang mga ngiti sa labi ko ng makita kung sino ang tumawag sa’kin.




“ Isha… “ mahinang pagtawag ko sakaniya at masayang naglakad patungo sa kinaroroonan niya. Isha is one of my friends before nagkahiwalay lang kami due to her personal reason.



Agad niya akong niyakap ng makarating ako sa kinaroroonan niya. I hugged her back at ako na rin mismo ang kumalas sa pagyayakapan namin. “ How are you na! Ang tagal nating hindi nag kita ah “ sabi niya.



“ I’m doing good, ikaw? Kumusta buhay sa France? 3 years to be exact simula nung iniwan moko rito sa Pilipinas “ sagot ko sakanya at tumawa naman siya.



“ Bilang na bilang talaga ah! Anyway, okay naman ito maganda parin as usual “ sagot niya saka nagpaganda sa harapan ko, konti naman akong napatawa dahil sa inakto niya.



“ I didn’t expected na rito pa tayo magkikita, buti nalang pala ako ‘yong sumama ngayon sa anak ko “ saad niya, nanlaki naman agad ang mata ko sa huli niyang sinabi.



May anak siya? Bakit parang hindi halata? Sa postura niya at katawan niya hindi mo a-akalaing nagbuntis ang babaeng ‘to. 


“ Anak? May anak kana? How? “ pagtatanong ko sakaniya at ngumiti naman siya.


“ Hindi! Wala pa akong biological child, do you know my cousin right? Iyong nakasama rin natin when we’re still on college “ sabi niya at napa tango naman ako “ nabuntis kasi siya, and unfortunately she died when she’s giving birth to his son. Since sa’min siya nakatira no’n kinuha ni daddy ‘yung baby “ pagk-kwento niya.



“ Eh bakit anak ang tawag mo? Hindi ba dapat niece? “ takang tanong ko naman sakaniya. Sasagot pa sana siya ng biglang tumunog ang cellphone ko kaya’t nag excuse muna ako para sagutin ang tawag.



“ Baks! overtime kana sa break mo, kailangan kana dito sa hospital “ sabi sa kabilang linya. 



Um-oo naman ako sakaniya at pinatay na ang tawag saka bumalik kay Isha. “ Isha, kailangan nako sa hospital. Maybe, hangout nalang tayo next time? If may free time ka “ sabi ko ng makalapit ako sakaniya.




“ Hospital? Bakit? May sakit kaba? “ nag-aalalang tanong niya kaya natawa naman ako, porket sa hospital pupunta may sakit agad? Hindi ba p’wedeng doon nagta-trabaho?




“ Gaga! Child Psychologist ako “ pagtatam ako sakaniya at tumango naman siya. “ Ano next time nalang ha? Tinawagan na kasi ako ng kasama ko. “




“ I don’t have any choice naman eh but Sure, Sama ko boyfriend ko para mapakilala kita sakaniya “ bigla naman akong nahiya sa sinabi niya. Ano ba ‘yan gagawin pakong thirdwheel ng mga ‘to. kainis! 




After that, nagmadali naman akong maglakad pabalik ng hospital at deretso sa changing room at sinuot ang uniporme ko saka na lumabas.





“ Late ka ng 15 minutes ha! Deducted ‘yon sa next time na break time mo “ sabi ni Cherry, isa sa mga ka trabaho ko. Kahit kailan talaga napaka oa nito.




“ Ang oa ha! Ikaw kaya mag lakad ng sobrang layo isipin mo retaurant ang pinuntahan ko tapos ang dami niyo pang pina order “ balik kong pagrereklamo sakaniya. 





“ Eh bakit kasi sino nagsabi sa’yo na maglakad ka? Girl may taxi diyan sa tapat oh, may tricycle din “ sagot niya sa’kin.




Napa irap naman ako, sus gastos na naman eh ‘yung sahod konga napunta na sa mga kailangan ko! “ Girl, alam mong petcha de peligro kapag sahod day! Kusang gumagalaw kamay ko sa pag gastos “ pagbibiro ko sakaniya.





Agad kaming lumiko kung saan ang pwesto namin. As usual maraming patient ngayon, halos hindi naman nawawala ang iba nga ay dito pa natutulog din. Pumunta ako sa pwesto ko saka umupo at may chineck na files sa computer ko.




Nakita ko rin ang isang message request sa gmail ng hospital, agad akong napatayo ng mabasa ito at pinuntahan ang pwesto ng Lauryn.




Lauryn is also one of my co-worker here, silang dalawa lang ni cherry ang masyadong close ko dito ever since na nagtrabaho ako dito. Ewan koba, siguro sa pagiging oa naming tatlo nag connect agad mga budhi namin.




“ Sis! Ngayon ba pupunta yung bagong patient natin today? “ pagtatanong ko sakaniya at saglit pa siyang may kinalikot sa cellphone niya bago tumingin sa’kin.




“ Oo, kaya nga lokang loka si Cherry sa’yo kasi ikaw ‘yung naka assign doon sa bata “ sabi niya sa’kin at napa tango nalang ako saka na bumalik sa pagka upo ko.



Tinignan ko naman ang information about doon sa bata, sana naman isang mabait na bata ang pasyente ko, ayaw ko ng medyo makulit. Chineck ko ang lahat ng information na dapat kong malaman para alam ko ang treatment na gagawin ko.



Bigla namang tumunog ang notification ko at nakita ang pangalan ni Isha, hanggang ngayon hindi ako makapaniwalang nagkita kami after 3 years. 



“ Excuse me “ bigla akong napatayo ng may magsalita.



“ Ah yes sir? How may I help you? “ sagot ko sakaniya bago siya tumingin sa mukha ko.




O.M.G. Ang gwapo! Those pair of almond eyes and his hair that really suites to this man infront of me. Napatuod naman ako sa kinatatayuan ko dahil sa kakatitig sa mukha niya. 



“ Hey! “ agad kong naiiling ang ulo ko ng bumalik ako sa reyalidad at agad na ngumiti. “ Are you okay? “ tanong niya sa’kin. Iyong boses niya ang sarap pakinggan, hindi naman mababa pero ang ganda talaga eh!


“ Ah yes sir, I’m okay. What do you need sir? “ sagot ko sakaniya inayos ko pa ang pananalita ko kahit sumasabog na sa kilig ang katawan ko.



“ Do you know Doc. Ely Esguerra? “ 



“ That’s me, Sir “ sagot ko sakaniya.



“ Oh “ sabi niya at saglit ko pang nakita ang paghila sa kamay niya kaya napatingin ako sa ibaba. Ang cute nung bata!



“ We're the ones who scheduled an appointment yesterday. This is Clayton, your patient for today “ sabi niya sa akin kaya bigla naman akong napa palabas para makita ko ang kabuuan nung bata.




Nginitian ko pa ito ng makalabas ako pero blankong ekespresyon lang ang binigay sa’kin. Whew! Mukhang mapapalaban ako sa isang ‘to!




The Engineer's Deal ( Aux series #1 ) Where stories live. Discover now