CHAPTER 1

24 2 1
                                    

be aware of typographic error and wrong grammar ahead.

Ely Esguerra

Maamo kong tinitigtnan ang bawat galaw na ginagawa ng batang nakaatas na alagaan ko ngayon. Sa bawat araw araw na trabaho ko ay ganito lang ang lagi ginagawa ko. Well, I don't have to do anything, hindi ko rin kailangang magpaka oa sa pagbabantay sa batang ito dahil sobrang tahimik!

lumapit ako rito at nagsalita " baby, gusto mo ba makipag laro doon sa mga batang nasa labas? " mahinahon kong tanong sa bata at tinignan lamang ako nito at muling binalik ang mata sa hawak hawak niyang laruan.

Kanina pa kasi siya naglalaro ng lego dito sa loob. Hindi naman sa ayaw ko ang ginagawa niya, In fact ganito ang  mga batang gustong gusto ko laging inaalagaan dahil wala akong masiyadong iniisip at hindi pa ako pa-galaw-galaw.

Pinukaw ko ang atensyon niya sa pamamagitan ng paghawak ko sa kamay niya dahilan para matigil siya sa paglalaro. " come on baby, hindi kaba nabo-bored dito? look outside baby oh, andaming kids na kagaya mo ang nag p-play " pagkukumbinsi ko rito ngunit ang bata ay hindi man lang umimik.

maya maya pa ay nakarinig ako ng mga yabag, senyas na may paparating sa gawi namin. " sobrang nonchalant naman ng batang inaalagaan mo Ely! " rinig kong sabi ni Cherry dahilan para mapatayo ako at lapitan siya.

" oo nga eh! ayaw din magsalita, ano kaya ang mga magulang nito? " sagot ko naman sakaniya. kita ko ang pagkunot ng malapad niyang noo.

" what do you mean? " kunot noo niyang tanong, kaya napataas ako ng labi ko " malay mo naman nonchalant din ang mga magulang nung bata! " sabi niya at napa irap ako.

" gaga! what I mean is baka hindi siya kinakausap ng mga magulang niya sa bahay nila o 'di kaya naman ay hindi pinapayagan itong si baby na lumabas at makipag laro " paglilinaw ko.

" ay korek ka diyan! pero malay mo naman eh masyado lang talagang mahiyain itong alaga mo kaya hindi nagsasalita eh "

Sinulyapan ko muli ang batang tumayo na ngayon at kumuha ng iba pang laruan. " ewan ko, basta feel ko iba eh, hindi rin naman siya dadalhin dito in the first place kung ganun lang pala kababaw ang dahilan, 'di ba? " sabi ko naman.

Sumang-ayon naman si Cherry sa sinabi ko at maya maya pa ay umalis na ito sa tabi ko. Maya maya pa ay nilapitan ko ulit si Clayton at napansin ko ang mga nutil ng luha na nangingilid sakaniyang singkit na mata.

Kaya agad akong naalarma at kinuha ang panyo na nasa bulsa ko " hala, why are you crying baby? may masakit ba sa'yo? " tanong ko naman sakaniya at kinuha siya at inupo sa kanlungan ko at kasabay noon ang pag yakap sa'kin ng bata.

kakaiba talaga ang nararamdaman ko sakaniya, para bang may trauma si Clayton, ayoko naman ang mag judge agad baka kasi ganito naman talaga siya. I juist wondering what happened to him to be like this? 

Maya maya ay bumaba siya sa aking hita at kinuha ang dalawang sasakyan na nahulog sa sahig at lumapit ito sa gilid ko kung saan may maliit pang espasyo. Nagulat pa ako nang bigla niyang pag salpukin ang dalawang kotse at hinulog ang isa. 

Ako naman ay kinuha ang nahulog na sasakyan at binalik sa itaas ng upuan saka ko siya nginitian. lumipas ang mag hapon na ganoon lamang ang ginagawa namin ni Clayton sa playroom at hindi narin naman nag tagal ng makatulog ang bata sa sahig kaya dinala ko na muna ito sa kwarto at lumabas.

" nako Cherry, ayan ka na naman. Last time ang sabi mo hindi ka na ulit gagastos pero ano 'tong sinasabi mo sa'kin? " rinig kong pagsasalita ni Lauryn sa counter.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 12, 2024 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Engineer's Deal ( Aux series #1 ) Where stories live. Discover now