Sariwa pa rin sa isip ko ang mga nangyari last year nung unang nagbakasyon ako sa San Francisco pagkatapos ng 2nd semester ng 1st year ko sa kolehiyo nun ay lumipad na ako sa Amerika. Binigyan ako ng alllowance ni tita para makabili ng mga sarili kong gamit tulad nag mga damit, sapatos at para sa personal hygiene ko. Pinahiram sakin ni Tito Chad ang guess room niya sa bahay.
Para sa laking iskwater na tulad ko, napaka laki ng bahay ni Tito Chad. Malaki ang sala at tanaw mula doon ang dining area. Sa kabila ng dining area ay may pinto papuntang kitchen room na mayroong french door fridge, electric stove at dishwasher kung saan ilalagay mo na lang ang mga pinagkainan at kusa na siyang mahuhigasan. Di kalayuan sa sala ay may pinto para sa isang kwarto na magiging kwarto ko. May dalawa pang kwarto sa taas at isa doon ang master bedroom, doon ang kwarto nila tito at tita.
Masaya naman sa bahay nila tito at tita. Madalas ay naiiwan lang kami ni tita sa bahay dahil nagtatrabaho si Tito Chad bilang isang bisor ng manufacturing company. At kapag weekend, either ang mga kapatid ni Tito Chad ang pumupunta dito sa bahay or sila tito at tita ang pupunta sa mga kapatid ni Tito Chad para mag-bonding.
Habang nagbabakasyon ako doon ay pinayagan din ako ni tita na rumaket-raket para may sarili akong pera. Dolyar ang pera doon, dolyar! At hindi naman tutol doon si tita, gusto nga niya yun, ang maging madiskarte ako.
Ayokong magtrabaho sa kumpanya kung saan nagtatrabaho si tito. Ewan ko ba, nahihiya ako, saka ayoko ng may kompromiso sa kahit sinong tao. Hindi naman na-offend ang tito ko nun. Pero ang sabi niya, bawal daw ang regular na trabaho sa taong may tourist visa. Kaya naman, part time lang ang maari kong pasukan. Hangga't maaari ay sa kilala lang namin para safe kaming lahat.
Dahil may mga kakilala na si tita dito sa San Francisco. Nagtanong-tanong siya kung saan maaaring mag-apply na safe kami at walang nilalabag na batas.
Pero ang ending si Tito Chad din ang nagrefer kung saan pwede. Si tito pa din kasi ang masusunod kasi mas alam niya ang gagawin. Tinanong niya ako kaharap si tita kung okay lang ba sakin ang domestic helper. Shempre okay lang sakin yun, tutal Nursing naman ang kurso ko kahit ba wala pa kaming major subject sa 1st year. Kaya lang sabi niya ay sa Colorado daw yun. Halos isang araw na drive yung mula dito kila tito. Nag-alala nun si tita dahil mashadong malayo yun para sa aming dalawa.
"The person you will be taking care of is the navy mate of my older brother." Paliwanag ni Tito Chad. "He's retired and bought hundred hectares of land in Colorado. He need just a companion at home. He is 63 years old already. He will do his own thing and you just be there to watch over him and do have small cleaning at the house, although he pays a house keeping agency to do the general cleaning." Patuloy na paliwanag ni tito. "His place is just an hour drive from my brother's place. And we will be having our weekend bonding there as long as you're there and you have to make sure that you will be there in weekend bonding so we know that you're okay."
Hundred hectares of land? Halos sing-laki yun ng isang barangay! Ganon ba talaga kalaki ang kinikita ng mga US Navy? Parang hindi naman ako makapaniwala.
Nung mapansin ako ni tito at ni tita na hindi ako sumasagot. "Kung hindi okay sayo yun, it's okay! You can stay here, you don't need to work." Ang sabi ni tita.
"Ay sorry!" Pagputol ko sa iniisip ko. "It's definitely fine for me. Besides I can consider it as a training for my chosen career."
"Great!" Kaswal na sagot ni tito. "But Tom, if any thing bad happen, you have to tell us as soon as possible."
"Yes tito." Sagot ko naman.
Pagkalipas ng dalawang araw, umaga yun ng sabado, hinatid ako ni Tito Chad kasama si tita.
Halos 8 hours ang biyahe namin oara makarating ng Utah kasama na ang mga stop over para hindi mashadong mapagod ang kotse. At doon ay na-meet namin ang kapatid ni tito na kasalukuyang nasa navy padin kasama ang ex-navy na magiging amo ko.