Madilim na ang buong paligid at ilaw lang ng sasakyan ni Sir Jason ang nagsisilbing liwanag. Ang dinadaanan ng sasakyan ay hindi na sementado kaya maraming alikabok ang umaalimbukay na naiiwan pag dumaan ang sasakyan namin.
Pagkatapos ng kalahating oras ay natanaw ko sa malayo ang isang bahay na bukas ang ilaw sa labas.
"Almost there." Bungad niya.
"You're all alone on this place?" Pagtataka ko.
"Uh-huh!" Pagsang-ayon niya.
Totoo ngang hektariya ang lupain niya at pinili niya talaga na mabuhay mag-isa. Malayo ito sa maraming tao at kahit sumigaw siya ay walang sasaway sa kanya.
"In case you're wondering…" Paliwanag pa niya. "Am a retired US Navy. I bought this place when I was still in service right after my wife died. Took sometimes to invest and work it out since it was over 200 acres, a third of a square mile."
Over 200 acres? A third of a square mile? Paguulit ko sa isip ko.
"Before I turned 50…" Patuloy niyang paglalahad habang sinusukat ko pa sa isip ko kung gaano kalaki yung lupain. "I got my retirement and now the United States of America is giving me pension by month, enough for me to live alone and wait to di-"
"I am not good in measurements." Sabi ko. "How many house could fit in?"
"Well, depends on how big each house." Sabi niya. "Let's say, each house has standard area of a hundred square meter. There might be more than 500 houses… but it was just my assumption."
Hindi ako makapaniwala sa laki ng lupain. Kung iisipin ko yun sa sarili kong paraan, sing laki yun ng isang barangay.
Maya-maya pa ay hininto na niya ang sasakyan sa loob ng garahe ng bahay niya.
Walang akong nakikitang bakod sa paligid. Malawak na lupaing nababakot ng dilim ang nasa paligid. Hindi nagbibigay ang buwan ng sinag ng mga oras na iyon.
Malamig ang gabing iyon lalo na sa labas. Parang sing-lamig ng nakatodong Air Condition Unit sa Pilipinas.
"Come on!" Anyaya niya. "Let me lead you to your room. I'll unload your things tomorrow morning."
"No." Sabi ko. "Let me unload that tomorrow myself."
"You're too small to carry things like that." Sabi niya. "I'll do that tomorrow. No more arguments."
Wala na akong naisagot nun. Boss na boss niyang sinabi yun.
Pagpasok namin sa bahay niya ay binuksan niya ang heater para mabawasan ang lamig ng gabing iyon. Mula sa pinto, sa kanan ay sala at sa likod nito ay may mga gym equipments. Sa kaliwa naman ay magkasama ng dining at kitchen. Katulad kila Tito Chad meron din siyang french door fridge, dishwasher at electric stove na may oven na din. At kapag dineretcho ang lakad mula sa pintong pinasukan namin ay may hagdan papuntang 2nd floor. Sa tabi ng hagdan ay may maliit na CR.
Pag-akyat namin sa 2nd floor, makikita na may tatlong pinto.
"The door on the left is my room." Paninimula niya. "It's the master bedroom. No one is allowed to enter but me."
Tumango lang ako.
"The door on the right will be your room." Paliwanag niyang muli. "And the other is the shower and comfort room."
Binuksan niya ang kwarto sa kanan at pumasok kami. Dito makikita na may may queen size na kama na may bagong bedsheet. At sa tapat nito ay may malaking closet. Dalawa ang bintana ng kwarto, isang sa ulunan ng kama at isa naman sa kanan nito kapag nakahiga ka.
"This is the password of my internet." Sabi niya sabay abot sa isang maliit na papel na may sulat niya. "Few things for you to know, I am not closing the door at my room, it's always wide open. But it doesn't mean you can go in." Tumigil siya para hintaying sumagot ako.