•Disclaimer;
This is a work of fiction.
names, characters, businesses, some places, and incidents are products of the author's imagination or used fictitiously. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.#TH05
Ito na ang gabing pinakahihintay ng mga estudyante ng arcadia international. (Arcadians)
Ngayon na ang gabi na magaganap ang masquerade prom night.
Suot ko nanga ang aking bistida,takong,may kolorete narin ako saaking mukha,at hawak ko ang aking pamaypay.
Tumayo muna ako sa isang gilid dahil hinihintay ko ang mga kaibigan ko ng biglang nagulat ako sa mga tili ng mga estudyante kaya napalingon ako sa likod ko at nakita ko ang makisig na lalake.
Isang lalaking kaakit-akit ang naglalakad, kahit na natatakpan ng masalimuot na maskara ang kanyang mukha, hindi maikakaila ang kanyang karisma.
Ang kanyang mga mata, ay tila nag-aanyaya sa sinumang tumingin sa kanya,at matangkad na pangangatawan at maayos na postura.
Nagsalita siya nang may banayad na tono, ang kanyang boses ay may kasamang kaakit-akit na ngiti: "Maaari ba kitang maisayaw, binibini?."
Natulala na lamang ako.
"Binibini?" muling tawag niya saakin.
"Paumanhin ngunit hindi ako kasali sa sayawan, dahil hindi ko naman inaral yung sayaw, marami naman ibang babae na pwede mong isayaw." sagot ko sakanya at lumilingon-lingon sa mga babaeng nahuhumaling sakanya senyales na ang mga babaeng iyon ang aking pinaparinigan.
"Ngunit, ikaw ang aking gustong maisayaw" sagot niya.
"Paumanhin talaga, kailangan kona umalis" paalam ko sakanya.
"Teka lamang,miss!"
Pasigaw niya.Hindi kona siya nilingon,at agad naman akong umalis para hanapin ang mga kaibigan ko.
"Valentina!!!" "Tina!!" "Tina!! Nandito kami!!" Sunod-sunod kong narinig na tinatawag ako, lumingon ako kung saan nanggaling ang mga boses ng tumatawag saakin.
Paglingon ko ay nakita ko ang mga kaibigan ko, Sina Veronica, Victoria at Vivianne.
"Bakit ba ang tagal niyo? kung alam niyo lang halos magkakalahating oras naakong nandito." Naiiritang reklamo ko.
"Kanina pa kaya kami nandito." Sagot ni Veronica.
"Ano?!, bakit ngayon ko lang kayo nakita?!" Tanong kong pasigaw.
"Kanina pa kasi kami nandito sa canteen,si Victoria kasi sa sobrang kagutuman niya halos maubos niya na yung tinda sa canteen." Sagot ni Vivianne.
"Ano bayan Victoria takaw mo hindi ka naman tumataba." Pang asar ko.
"Makasalita ka naman, Ikaw din naman." Pabalik na pang-aasar ni Victoria.
"Tumigil nanga kayo, pareho lang naman kayo." Sagot ni Veronica.
"Wow nagsalita ang perfect." Naiiritang sagot ko.
"Tumigil na kayong tatlong at siya." Saway ni Vivianne.
"at sino naman yung lalakeng kausap mo kanina?" Tanong saakin ni Vivianne.
"Huh?, wala naman akong kinakausap." Sagot ko.
"Anong wala? Sino yung gusto ka ata isayaw?" Dagdag ni Veronica.
"Ah yun ba?" Sagot ko.
"Oo yun." Sagot ni Victoria.
YOU ARE READING
Twilight Hotelier
Mystery / ThrillerThe protagonist is a man who is known for his successful company,he owns lot of businesses and one of these, is his hotel that he called "Luna Vista". here's the determined girl named, Valentina Lucretius,she will be Zephyrus "Rus" Silvestre's busi...