Pagdilat ko ay narinig ko ang kalansing ng bakal sa likod ko. Hindi pa ako nagalaw ay alam ko na kaagad na ang mga kamay ko ang nakaposas.
Halos malasahan ko na ang kalawang sa sahig dahil sa pagkakasalampak doon. Buti nga at hindi pa ako nanginginig sa lamig ng semento.
"Gago!"
Napapikit ako nang itayo ko ang sarili sa semento. Oo nga pala!
Kaagad kong tinignan ang buong katawan ko nang maalalang nabaril ako. Nasaan!? Saan ako tinamaan!? Tagas ba ang dugo ko? Buhay pa ba ako?
"Kumalma ka, tanga."
"Nasaan ang pera ko?!" sigaw ko kay Fatto. Walanghiya! Matagal ko iyong pinag-ipunan. Hindi ako katulad nilang puro pagnanakaw lang ang ginagawa. May plano ako sa buhay.
"Pera mo?"
Binagsak niya ang dalawang sakong sa harap ko. Nagkalat sa semento ang mga perang pinaghirapan ko at inipon ng matagal.
"Nakalimutan mo yata Adelaide. Ang sayo ay amin din."
"Hayop kayo!"
Umingay ang paligid nang hindi ko napigilan ang sarili kong hatakin ang dalawang kamay na nakaposas sa likod. Kumalansing ng paulit-ulit ang mga bakal na animo'y pinapalakas ang loob kong suntukin ang mataba niyang mukha at isubsob ang mukha niya sa leeg.
Makawala lang talaga ako ay babaldahin ko ang lintik na to!
"Gising na?"
"Boss," mahinang bulong ni Fatto. Yumuko siya ng bahagya at umatras sa akin.
Nanlisik kaagad ang mga mata ko sa bagong lalaking dumating. Hindi bago, dahil ang walanghiyang ito lang naman ang bumaril sa akin. Ngunit mukhang wala naman akong tama dahil walang tagas ng dugo sa katawan ako kanina nang tignan ko. Wala rin akong nararamdamang sakit o pagkamanhid. Baka pampatulog lang iyon.
"Ano bang kailangan mo sa akin!? Ni hindi nga kita kilala eh!"
Umiling siya at umupo sa harap ko. Hindi na siya nakasuot ng pang-uniporme ng barko. Kung ganon, hindi pala talaga siya doon nagtatrabaho. Eh ano siya kung ganon?
"You think you can get away from Dog Tag?"
"Dog Tag?" kumunot ang noo ko. Napapikit ako nang may mapagtanto.
Sinasabi ko na nga ba at malas talaga ang Dog Tag na bwisit na to. Bwisit talaga! Ka bwisit bwisitan. Ka malas malasan. Malas talaga! Bakit ba napakamalas ng buhay ko!
"Tinaguan mo kami ng ilang buwan at nagsarili ng pera? Hoy Adelaide. Baka nakalimutan mong in-uod ka na sana ngayon isang metro sa ilalim ng lupa kung hindi ka kinuha ni boss!"
Naramdaman ko na ang luha sa gilid ng mga mata ko. Hindi ako natatakot o kinakabahan. Pawang paghihinagpis lang ang nadarama ko. Kase ako na ang pinakamalas na tao sa mundo.
Makakita ka ng liwanag ay susundan ko. Kaunting liwanag na dadating sa buhay mo ay hahatakin ka ulit pabalik sa impyerno. Ganon ba ako kasama sa huling buhay ko? Na ayaw akong patakasin ng mundong ito mula sa pagkalugmok at paghihinagpis. Ayoko na nga eh diba!
"Inyo na yang pera ko! Hindi ko na yan kailangan. Patakasin niyo nalang ako! Utang na loob!"
"Akala mo ba sapat na yan sa pangta-traydor mo sa amin!? Pinagmukha mo kaming tanga kakahabol sayo!"
Napapikit ako nang maramdaman ang mabigat niyang paa sa tiyan ko. Sa liit ng katawan ko ay mabilis mababasag ang mga buto ko. Nang huminga ako ng malalim ay naamoy ko ang dugo, nilunok ko iyon at nanatiling nakatingala sa boss na sinasabi niya.
BINABASA MO ANG
His Royal Highness's Stolen Heart
Hành độngWhat is stolen cannot be retrieved anymore. What he has stolen, he has considered it his own. But how will he react if it was his heart that is stolen by His Royal Highness?