Tinapon ko ang pistol sa malayo dahil wala ng kwenta iyon. Wala na akong bala!
Walanghiya! Ilang linggong pagpaplano, all blasted away! Dahil lang sa bwisit na katulong yan.
Ang pagkakamali ko lang ay hindi ko agad nadispatya ang duguang katawan sa hallway. Sana pala ay nilinis ko muna iyon bago pumasok sa safe room! Ang tanga ko!
Ngayon ay naiwan pa sa loob sina Sally at Queso. Bahala na sila kung paano pupuslit palabas! Tinapos ko ang trabaho ko! Nakuha ko na ang envelope na gusto nila!
"Ayun siya! Habulin niyo siya!"
Anak ng puta! Bakit ba ang kunat talaga ng mga alagad ng palasyo! Walanghiyang Royal Army to!
"Kabilang eskinita!"
Parang walang nagbago. Ganito pa rin ako. Habol-habol ng mga armadong lalaki, sumusuot sa masisikip na eskinita. Parang isang maliit na daga na pilit na hinuhuli.
Pamilyar ang paraan ng paghampas ng hangin sa mukha ko dahil sa mabilis na pagtakbo at ang bahagyang pagliit ng sakop ng paningin ko dahil sa pagpasok sa masikip na eskinita. Ang hapdi at init ng mga paa kong lumalapat sa magaspang na lupa.
Umakyat ako sa isang malaking basurahan at sa mga bakal ng tubig. Muntik na akong mapamura nang maputol pa ang isa. Mabuti nalang at nakaakyat na ako sa bubong.
"Bwisit! Hanggang dito!?"
Nasa likod ko na ang isang batalyon na mga kawal. Pati dito sa bubong!?
Tumalon ako sa isang sampayan at hinayaan ang sarili kong dumausdos pababa sa lupa. Mukhang hindi pala sina Sally at Queso ang nasa maling posisyon kundi ako. Nasa akin lahat nakasunod ang Royal Army! Anong akala nila sa akin!? May mahika?
Kinuha ko ang maliit na kutsilyo na nakaipit sa hita ko at nilagot ang sampayan para hindi sila makasunod. Wala talaga sa Plano ang magpahuli! At ito ako, habol-habol ng sandamakmak na mga kawal.
Mahigpit ang hawak ko sa envelope at sa sa aking revolver. Sa lalaki ng hakbang ko ay halos marinig ko na ang dagundong ng lupa kada lapat ng paa ko.
Umakyat ako sa isang gate ng kung kaninong mansion. Diretso ang takbo ay nakita ko ang isang lalaking nakasuot ng fedora at tahimik na nagtsa-tsaa. Mukhang naguguluhan siya sa nangyayari nang diretso ang lakad ko sakanya.
Bubuka pa sana ang bibig nang isaboy ko sakanya ang tsaa na iniinom niya dahil may dumaan na kawal. Mabuti nalang at hindi na mainit ang tsaa!
Narinig ko ang pagbukas ng gate at ang pagpasok ng Royal Army sa loob. Nagkagulo ang mga tagasunod nila at maging ang lalaking sinabuyan ko ng tsaa ay naalarma mula sa pagkakaupo niya.
Nanlaki ang mga ko. Seryoso ba sila!? Hanggang dito ay pinasok ako!? E kaya ako nga ako dito pumunta dahil bihirang pasukin ang mga mansion para sa ganitong bagay. Private...Ano ngang tawag sa ganito!? Invasion of privacy? Hindi yata! Private property? Ugh! Hindi ko maalala, papatayin ako ni Madame Juliette dahil bobo na naman ako sa memorization.
Isang sekreto ko nga palang dapat di mabunyag ang katotohanang Hindi ko saulo ang buong Royal Palace na isang buwang pinasaulo sa amin at pina-recite. Kapag malaman to ni Madame Juliette at ng buong gray room ay ibibitin ako ng patiwarik.
Humigpit ang hawak ko sa envelope at tinago iyon sa loob ng mahaba kong bistida habang abala pa ang mga tao sa kaguluhan.
"What's the meaning of this?—"
Kaagad kong tinutukan ng baril sa tagiliran ang lalaki. Natigilan siya sa pagsasalita at tinignan ang revolver sa tagiliran niya.
"Magpanggap kang mag-asawa tayo,"bulong ko at pinitik ang revolver ko para ipakita sakanyang ipuputok ko iyon kung hindi niya susundin ang gusto ko.
BINABASA MO ANG
His Royal Highness's Stolen Heart
ActionWhat is stolen cannot be retrieved anymore. What he has stolen, he has considered it his own. But how will he react if it was his heart that is stolen by His Royal Highness?