Chapter 1

10 1 0
                                    

"Sean, na-check mo na ba lahat ng kailangan natin?"

Lumingon ako nang marinig ko ang pangalan ko, I smiled and nodded as I saw it was Professor Martin.

"Everything is set na po, Sir. I have already coordinate with the logistics team for the transferring of foods and prices and with the program team for the flow and set-up of the stage," I said as I run through my device to verify all the details.

"Nice job, Sean!" He responded with warm aura. Tinanguan ko na lang siya bilang tugon at nag tungo sa gate nitong venue namin para tignan kung may kailangang tulong 'yung mga kaklase ko, and of course... para makalayo kay Sir Martin.

Kilala kasi siya bilang isang terror na professor sa university namin, at kung hindi lang kailangan itong outreach program na ito para pumasa kami, hindi ko pipiliing pumunta at mag-ayos nito. Don't get me wrong, gusto ko 'yung mga ganitong event, sadyang hindi lang sa subject na hawak ni Sir Martin.

Para ka kasing nakikipaghabulan para sa buhay mo? No mistakes... that you should be always prepared.

Nang makita ko si Selene ay agad ko siyang nilapitan. "Wala naman bang problema?" I asked.

Umiling naman siya. "So far, all goods!" Kumunot ng noo ko sa sagot niya, may energy pa pala siya?

Natawa ako ng mahina, "Bago 'yan, ah? Hindi ka nag-reklamo?" Pang-aasar ko habang dinampian ko ng hawak ang noo niya.

She rolled her eyes on me. "Basher ka! Para sa mga bata itong mga 'to 'no! Hindi naman para sa mga badtrip natin mga Professor," at doon bumalik na ang dating Selene... 'yung palaging galit, nang-aaway at akala mo ay sasapakin niya lahat ng makakapagbigay sa kanya ng badtrip.

"Ikaw talaga... hayaan mo na sila," sabay tapik sa balikat niya. "Check ko na muna sila sa loob. Message mo na lang ako kung kailangan ako dito," pag-paalala ko. Tinanggap ko 'yung tango niya at pumunta na sa loob.

Honestly... napapagod na ako ang maaga pa lang. Pinipigilan ko lang i-entertain 'tong thoughts ko. Pero 'yung totoo, bumibigay na 'yung katawan ko sa stress at physical exhaustion. Bukod kasi sa araw na 'to, ilang linggo din ang ginugol namin para magawa ang lahat ng ito, idagdag na lang 'yung mga iba pa naming gawain sa ibang subjects.

Because sometimes in life... you really can't do anything but to do everything that was given to you.

Para kasing kung hindi ka susunod, o hindi mo gagawin... parang ang malaki na 'yung kasalanan mo?

The event started and I could say everything is going well... I just hope this continues. Hindi ko na kasi alam kung may mangyayari pa na aberya, baka ako na ang isugod sa ospital. Sleep deprived na yata ako, kagaya lang din ng mga kaklase ko. Ganoon siguro kapag nag-aaral, 'no? Most of the time, iniisip ng karamihan ay madali lang... na, papasok ka lang sa school tapos okay na.

Ngunit ang hindi naiintindihan ng lahat, hindi ganoon ang usual na buhay ng isang estudyante.

Karamihan sa mga kabataan, nahihirapan. Sa isip, salita, at gawa. 'Yung mga bagay na dala mo bago ka pumasok ng eskwelahan, 'yung mga karanasang babaunin mo pauwi sa tahanan... 'yon ang mga bagay na mabigat. Pressured sa pamilya, mundo, at sarili. At kasama pa doon 'yung mga bagay na lihim na pinagdadaanan ng bawat isa.

Hindi natin alam 'yung mga karanasan ng bawat tao sa bawat araw na bumabangon siya. Kaya nakakalungkot na kahit ganoon, ang karamihan ay nakakaranas pa rin ng diskriminasyon, hindi lang sa pisikal kundi pati sa nararadaman.

"Sean..." Si Dio, kaklase ko. Lumingon ako sa kanya. "Kulang pa ng bata para sa games, hanap ka nga muna doon sa labas."

Tumango ako at agad rin na pumunta sa labas para makahanap ng bata na pwedeng maisali sa laro.

The End of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon