Chapter 37

99 13 3
                                    

Nakahinga ako ng maluwag nang mahiga ako sa sarili kong kama. Inamoy ko yung bagong palit na sapin ng kama. Though the delight tap of the cold breeze by the aircon roaming inside of my apartment, I still could feel the warmth of my bedroom.

Two months had passed and now I was back in my apartment. Iba talaga yung feeling kapag nasa teritoryo ka na. Maganda man ang trato sa'kin ng mga tao sa Lemery pero iba parin kapag nandito na ako sa sarili kong pamamahay.

Ten minutes ago nasa loob palang ako ng kotse ni Leighton pero ngayon ay nandito na ako sa loob ng kwarto ko at inaamoy yung bagong sapin. Si Sack ang nagpalit ng sapin at punda ng mga unan ko kasi may alikabok na yung una. Ilang buwan narin na hindi nililinisan itong kwarto.

Hindi naman malinisan ng mga kapatid ko kasi minsan nga lang din silang linisan ang mga apartment nila, ang maglinis pa kaya ng apartment ko?

"Umalis na yung baby daddy mo. Sinabihan pa ako na huwag kang iwan dito sa apartment mo, eh diba kaya mo namang mag-isa basta hindi gabi?"

Napalingon ako kay Sack nang pumasok siya sa kwarto ko. Dala yung isang lata ng Pepsi na iniinom niya.

"Wala ba siyang ibang binilin?" tanong ko at dahan-dahang bumalik sa pag-upo sa kama.

She shrugged her shoulders before taking a sip on her Pepsi. "Yun lang naman. Hindi ko lang sinabi na pupunta ako ng shop ko. Oy marami na tayong tatahiin dahil malapit na yung mga pyesta sa mga barangay. Maraming jersey na naman ang magpapagawa. Kaya busy ako sister, kung gustong pumunta sa shop mo o sa tindahan ikaw lang ang magsabi sa akin kasi ihahatid nalang kita dun."

"Si Skim, nagparamdam na ba?"

Kung marami palang trabaho edi dapat busy din ngayon si Skim kasi kapag ganitong malapit na yung mga event-event sa mga barangay ay hindi na siya gumagala.

Sack rolled her eyes.

"Hay naku yang kapatid mo. Ewan ko kung saag lupalop ng mundo siya naroon. Ang sabi sakin ni Wening, tumatawag daw ang amo niya para humingi ng update tungkol sa shop niya. Pero kapag ako ang tumatawag sa kanya, hindi naman sumasagot. Alam niyang kailangan siya sa shop niya tapos nandun siya sa ibang lugar at nagpapakasaya."

Hindi lang ako sumagot sa naiinis na si Sack. Ako yung panganay sa aming magkakapatid. Syempre hindi ko maiwasang mag-alala para sa kanya at sa negosyo niya. Mabuti nalang at mabait si Wening at naaalagaan ang shop niya. Ang dami pa naman niyang customers pagdating dito sa mga event sa barangay.

Her small business would go down if it's not for team.

"Ikaw nalang muna ang bahala sa shop niya. Alalayan mo nalang sina Wening. Ako naman ay asikasohin ko rin yung shop ko. Pero bukas na ako makakakalaw kasi gusto kong magpahinga ngayon."

"Eh ikaw lang naman ate. Magpahinga ka. Saka, ni isang beses ba hindi ka pinayagan ni Leighton na mamasyal sa buong Batangas? Ang daming magagandang pwedeng puntahan dun ah. Tapos sabi mo hanggang sa bayan ka lang at mansyon? Kaya ka nga umalis dito para magrelax diba?"

"Makakapasyal ba ako eh hindi na ako nakakalakad ng maayos dahil sa katawan ko?"

"May kasama ka naman. Tapos anong gamit ng kotse niya? Kahit hanggang sa loob lang ng kotse niya? Pwede ka naman talaga niyang ipasyal ah."

"Kalimutan mo nalang yun. Tapos na at nandito na ako. Saka nakatulong naman sa akin yung pananatili ko sa villa ng kaibigan niya."

Isang malalim lang na buntong-hininga ang pinakawalan ni Sack tapos ay humakbang siya papunta sa may pinto. Tinignan naman niya ako nang may kahulugan.

"Alam mo, napapansin ko talaga na parang ang bait mo na sa taong yun. Eh diba ang laki ng kasalanan nun sayo?"

I heaved out a sigh. Sometimes having an over-protective sister was a pain in a butt.

Leighton Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon