Chapter six

1 0 0
                                    

ANG kalangitan nababalot ng makapal na ulap, at  nagmistulang dugo ang kulay ng buwan. Sa gitna ng kabundukan, dinala ni Lola Zoraida si Teresa at ang mga magulang na nawawalan ng anak sa isang tagong yungib—isang sinaunang altar ang matatagpuan roon na matagal nang hindi ginagamit. Nasa gitna ng isang silid sa madilim na yungib matatagpuan ang altar. Ang yungib ay pinaliligiran ng mga naglalakihang puno na mga tagapagbantay ng kasaysayan ng bayan.

“Narito na tayo,” sabi ni Lola Zoraida ng nasa harap na sila ng yungib. Sinindihan nila ang kanilang mga dalang sulo at pumasok na sila sa loob. Halos nakakaramdam sila ng kakaibang kilabot habang pinapasok nila ang madilim na yungib.

At ng marating na nila ang altar, inilabas na ni Lola Zoraida ang kanyang mga gagamitin para sa orasyon at mga sinaunang gamit sa panggagamot. “Ang pag-aalay na ito ang magbibigay daan upang matapos na ang sumpa.”

Si Teresa, na nakaupo sa gitna ng altar, ay nakatingala sa bubungan ng yungib, ang kanyang puso bumibigat habang senesenyasan na ni Lola Zoraida ang lahat na tumahimik dahil sisimulan na nila ang seremonya ng pag-aalay. Hindi niya iniinda ang takot o pangamba—ang tanging nasa isip niya ay ang kaligtasan ni Clara, at ng iba pang mga batang nawawala.

“Handa ka na ba, Teresa?” tanong ni Lola Zoraida, na ngayon kumakanta ng mga sinaunang awit ng dasal at pakikipag-usap sa mga espiritu.

Tumango siya, habang ang mga magulang sa paligid nakatanaw lamang, hindi makapaniwala sa kanilang nasasaksihan. Wala ni isa sa kanila ang nais na magsalita, sapagkat ang bawat salita ay parang  kalabit ng kamatayan na bumabalot sa katahimikan ng gabi.

Sa kalagitnaan ng seremonya, ang mga  Manguang Anak  unti-unti ng nagsilabasan mula sa kagubatan. Pulang-pula ang kanilang mga mata, at ang kanilang mga mukha nababalot ng galit at poot. Mabibilis ang kanilang mga galaw, at kahit sa kanilang anyo, kitang-kita ang kanilang liksi at bangis.

“Maupo ka sa gitna ng altar, Teresa,” utos ni Lola Zoraida. “Ang iyong dugo ang magiging susi upang palayain ang mga batang nawawala.”

Huminga ng malalim si Teresa, saka marahang naupo sa altar. Ramdam niya ang malamig na sahig ng yungib sa kanyang balat, ngunit higit pa rito, ang bigat ng kanyang desisyon, ang tumutusok sa kanyang puso. Wala siyang takot na nararamdaman—ang tanging meron siya ay ang pag-asa.

Sa isang iglap, itinapat ni Lola Zoraida ang isang matalim na punyal sa kanyang puso. “Ito na ang huling pagkakataon,” bulong nito. “Sa iyong pagsasakripisyo ng sariling buhay, matatapos na ang lahat.”

Bumagsak ang unang patak ng dugo ni Teresa sa altar, at kasabay nito isang malakas na sigaw ang narinig nila mula sa mga Manguang Anak.  Nanginginig sa takot ang mga Manguang Anak,  nasasaktan sa bawat patak ng dugo ni Teresa na humahalo sa sahig ng yungib. Lumalakas ang kanilang mga sigaw, ngunit hindi sila makapasok sa loob ng yungib.

“Huwag ninyong pababayaan ang anak ko!” hiyaw ni Teresa habang dahan-dahang nalalagutan ng hininga . “Clara… mahal kita, anak…” huli niyang binitiwang salita bago nalaglag ang huling butil ng luha. Wala na si Teresa.

Ngunit sa kabila ng pagsasakripisyo ng kanyang sariling buhay parang may mali. Ang mga Manguang Anak hindi pa rin nawawala—sa halip, mas lalo silang naging mabagsik. Bumagsak sa sahig ng yungib ang katawan ni Teresa, ngunit walang alinman sa mga bata ang bumalik. Sa halip, ang mga Manguang Anak nagsimulang mangibabaw sa altar,  mas naging malakas sa bawat patak ng dugo na inialay.

“Hindi… hindi ito dapat mangyari!” sigaw ni Rosita habang sinisikap niyang takasan ang mga halimaw.  Siya na lamang ang naiwan sa yungib, ayaw sana niyang iwan ang katawan ni Teresa.

Sa kanyang pagsisikap, nagawa niyang makatakas ngunit nangako siyang babalikan niya ang katawan ni Teresa.

Sa huli, isang malagim na katotohanan ang kanilang natuklasan—hindi si Teresa ang susi upang tapusin ang sumpa. Siya lamang ang naging instrumento ng isang mas malaking kasamaan. Ang dugo ng  sakripisyong naganap ay hindi sapat upang matigil ang kaguluhan. Sa halip, nagbigay-lakas lamang ito sa mga nilalang ng dilim.

Nawala na ang mga Manguang Anak sa paligid ng yungib, ngunit ang kanilang kalupitan patuloy na mananatili. Ang buong bayan  wala nang magagawa upang mabawi pa ang kanilang mga anak. Ang sakripisyong ginawa ni Teresa nagdala ng kabiguan, at ang mga magulang naiwang walang saysay. Hindi na alam kung ano pa ang gagawin.

Ang malagim na bulong ng hangin naririnig pa rin hanggang ngayon, dala ang pighati at kawalang pag-asa ng mga taong nabigo na mabawi ang mga batang kinuha ng mga Manguang Anak.

Ang mga Manguang Anak, sa ilalim ng gabing walang bituin, patuloy na nagtatago sa kadiliman, naghihintay ng susunod na kukuning biktima.

At mula sa kalaliman ng gabi, isang ina ang muling tumangis. Ang dalawang anak nito kinuha ng mga Manguang Anak.

At ang asawa nito habang sinusubukan iligtas ang mga anak, kinabukasan, natagpuan ng mga residente na wala ng buhay.

Manguang Anak Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon