XERVANAH POV:
• • •"Group 1! Xervanah, Ziyah, Clyde, Eugene and Crissa." Si pres
Tumingin ako sa may bandang unahan at nakita ko si pres na nakatayo at nakatingin sa akin. Tumingin naman ako sa paligid at napansin kong nakatingin silang lahat sa akin.
"B-bakit?" Tanong ko sa katabi na si Emmette. "May dumi ba sa mukha ko?" Bulong ko sa kaniya para walang makarinig.
Umiling-iling ito at tumawa. "Tinawag ang group 1." Aniya at tinuro sila Ziyah na nasa harapan kasama ang mga kaibigan nito.
Tumango ako. "Awh, hindi ko kasi alam kung anong grupo ako.... Hehe." Nahihiya kong sabi.
Sa mahigit dalawang oras kong bakante ay tulog lang ang aking nagawa. Hindi kasi ako makatulog nang maayos dahil may insomnia ako. Napagkakamalan tuloy akong "nagpupuyat kahit wala namang label". Yun ang sabi nila, pero anong konek ng label sa pagpupuyat? Ahhh.... Siguro mini-measure nila ang pagpupuyat. Talino ko talaga.
"Xervanah..." Tawag muli ni pres sa pangalan ko. Nakaupo na siya sa teachers table sa harap at may hawak na ruler. Hindi kaya imi-measure niya yung eyebags ko kagaya nong label?
"Po?"
"Come here." Aniya na ikinakaba ko bigla. Ito na ba yun? Pano kung 12 inches ang eyebags ko? Bibili na talaga ako ng sleeping pill mamaya.
Mangiyak-ngiyak akong tumayo at pumunta sa harapan. "Pres, promise hindi na ako magpupuyat." Aniko sabay pakita sa hinliliit.
"What the- HAHAHAHAHAHA"
"Wag ka na talagang magpuyat, nalulutang ka na eh HAHAHAHAAHA."
"HAHAHAHA!"
Napuno ng tawanan ang buong silid. Hindi ko sila maintindihan. O ako ang hindi nila maintindihan? Hindi siguro sila nagpupuyat? Ako lang ba? Kalungkot naman... Sa susunod idadamay ko na talaga ang mga kaibigan ko.
"Tahimik!" Sa isang iglap ay tila nawala ang ingay at ang mga kaklase ko ay umakto na para bang walang nangyari pero ang iba ay halatang nagpipigil tumawa.
Ngumuso ako. "May problema ba sa sinabi ko?" Tanong ko sa sarili at tumingin nalang sa sahig para hindi makita ang natatawa nilang mukha na nakatitig sa akin.
Huminga ako ng malalim at inisip kung ano nga ba ang mali sa sinabi ko. Hindi ba mini-measure ni pres ang eyebags ko? Eh, pang measure yung ruler eh...
"Free ka tomorrow?" Tanong ni pres sa gilid ko. Ramdam ko ang tingin niya- Tingin ng mga kaklase ko. Ayaw kong tumingin...
Umiling ako. "Hindi ko alam. Magme-measure ka ba ng eyebags?" Tumawa siya ng mahina na sakto lang para ako at siya ang makarinig. "Matutulog na talaga ako ng maaga mamaya." Aniko at kinuyom ang kamao para maibsan ang kaba.
"Halatang puyat ka, hindi dahil sa eyebags. Wala kang eyebags, lutang ka lang. Saang lupalop ng kasaysayan at saang distinasyon napad-pad yung utak mo?" Sabi niya pero sa mahinang boses.
"Palagi namang lutang yan." Singit ni Clyde sa usapan namin. Tiningnan ko siya ng masama na hindi naman gumana dahil wa-epek.
Pinihit ni pres ang ulo ko para mabaling ang tingin ko sa kaniya. "Ano? Free ka tomorrow? 'Wag kang mag-alala hindi ako magme-measure ng eyebags." Aniya at tumingin sa kung saan.
BINABASA MO ANG
Chasing Ms. Innocent [Editing]
RomanceUPDATE: SLOW ^^ Tatlong taon na- comatose si Evelysiah dahil sa isang hindi maipaliwanag na pangyayari. Habang nakahiga siya sa kanyang kama, hindi alam ng lahat na matagal nang nagkamalay ang dalaga, maliban sa isang lalaki na siyang dahilan ng pag...