part 15
Joan: kelanga uminom ng gamot ng girlfriend ko kaya mauna na tayong kumain sa mga batch ko...
*sabi ni joan habang nasa likod sya ni hanna at si hanna naman ay nakaupo pa sa sofa pati ang mga kaibigan..napakagat labi si hanna dahil naakit na naman sya sa maganda at astig na itsura ni joan ngayon...**hinila na sya ng mga kaibigan nya dahil ang mga eto na ang nahihiya sa pagpapa importante nya..habang hila hila sya ng mga kaibigan ay napapalingon sya kay joan at nakangiti lang eto sa likod nya habang nakasunod sa kanila...*
*napapanganga lang si hanna dahil hindi sya makapaniwalang tinatawag syang girlfriend neto..nang makaupo na sila ay namangha sila sa hinandang umagahan ni joan...
champorado with tuyo..vegie sinangag with tapa.saka daing na tuyo..with hot chocolate...natakam naman sila.. ngunit si hanna ay doon napatingin sa noodle soup with boiled egg at eto ang kinuha nya..*rona: ano ba hanna andaming massarap ang niluto ng girlfriend mo pero yang instant noodles pa talaga ang kinuha mo nakakainsulto ka ha ang ganda pa naman ng ngiti nya sa likod mo oh...(bulong ni rona at di sya nakatiis lumingon sya sa likuran nya at ngumiti ng pagkatamis sa kanya..napahawak si hanna kay rona at mae)
hanna: gosh!!...pano ko ba naging girlfiend yan...pumayag ba yan..Diyos ko namang alak to oh..
mae: ayan iinom inom ka ng sagad di mo naman pala kayang dalhin ang sarili mo..mabuti nalang puro mababait ang mga tao dito walang nagtangkang mang manyak sayo....(nanlaki naman ang mata ni hanna sa "nangmanyak" saka dahan dahan nilingon si joan..nawala rin ang ngiti neto).....
rona: hindi mo ba talaga naalala ang nangyaring pagtatapat mo kay joan??(umiling si hanna)..
hanna: wala akong naalala sa kasi sobrang lasing ko na siguro noon pero yung lumipat na ako sa sala naalala ko na yung naisuka ko na yung mga nainom ko...(pagsisinungaling nya)...
*ayaw nya kasi isipin ng iba na may ginawa syang kahalayan kay joan..at napapikit sya..*
hanna: kung di pala dumating si maybeth baka kung anong nangyari...."hanna" hanna"
(pitik ng lalaki ng daliri sa harapan nya)..
hanna: ahh joe..hi ahhm pasensya na kayo kagabi ha...
lasing kasi ako hehehe kaya naiwan na kayo...
*nagsiupo na ang ibang bagong dating na seniors kasama ni joe...patingin tingin sa kanila ni joan tila ba may mga gustong manukso... at may nagsalita na..*
"wag nyong gaanong seryosohin guys it's just a game hindi totoo yung mga kaganapan sa laro natin kagabi baka lang may magalit..."
*sakto namang dumating narin si maybeth nagmamadali naka uniform na eto bilang superior officer..umupo at nagmamadaling sumubo..patango tango eto habang sumusubo at dahil pinagmamasdan ni hanna ay tila nahiya eto..*Joan: no it's not!!! (napatingin lahat kay joan)..ibahin nyo yung sakin hindi yun basta game...
seniors: so ano pumapayag ka na maging girlfriend talaga ni hanna..diba taken ka..diba may bf din si hanna so ano paano sila...(napalingon si joan kay hanna at napatitig sa labi netong may sugat at napasimangot)...
*saka tumingin kay maybeth na nakatingin din sa kanila tila nahiya eto at biglang bangon saka pinalakpak ang kamay..*
maybeth: ok go go..guys..magmadali na tayo!!!
malelate na tayo sa school natin...(napatingin si maybeth sa gawi nila maski kay joan)..
maybeth: pakibilisan nalang kumilos after the breakfast ok...(saka mabilis na umalis nagkatinginan sila ni jaon..nakaramdam sya ng awa sa maganda nyang mahal)...
*pinaghirapan netong magluto tapos magmamadali lang pala silang lahat..saka napatingin ulit sa bumalik na si maybeth lumapit eto sa kanila*maybeth: hanna naalala mong may sinabi akong we have something to discuss..we'll talk later ok lang ba...(tulala man ay napatango si hanna)...
*bat ba parang kinakabahan sya kay maybeth ngayon magsalita bakit parang ibang tao at hindi kaibigan kung pagsalitaan sya neto...*
maybeth: pero hindi tayo dito sa bahay nato mag uusap after ko sa school susunduin kita at saka natin pag uusapan ang tinitukoy ko...(saka tumalikod at nagmadali)..
*napatingin sya sa mga kaibigan at napapailing ang mga eto..napasulyap din sya kay joan na noon ay nakangiti sa kanya..ngunit ang mga ngiti neto ay parang pilit lang...habang nasa praktis sila ay nagpapalitan sila ng sulyap ni joan..pumunta sya sa canteen para bumili ng bottled water ngunit ubos na kaya't ice tubig nalang na nasa plastik..malapit na sya sa grupo nila joan ng may lumapit ditong lalaki at dinalhan eto ng bottled water at sandwich at ngumiti kay joan..kitang kita nya pano nagresponse ng ngiti si joan*hanna: nakakahiya naman ibigay sa kanya to...(tatalikod na sana sya ng)
Joan: para sakin ba yan? (humakbang si joan para puntahan sya sa unahan ng lalakaran nya at biglang kinuha ung ice tubig na hawak nya)
Joan: oh bakit ayaw mo tong ibigay kanina ko pato hinihintay na ibigay mo....(saka binutasan ang plastik ng ice tubig at ininom iyon)..
*napapangiti naman si hanna ng dahil sa sobrang pagiging down to earth talaga ng girlfriend nya este crush nya..game lang pla yun..sabi nya sa sarili**kinagabihan ay nasa renthouse na silang lahat maliban kay joan at maybeth..pero hindi na nya inintindi ang dalawa dahil alam naman nya na may kanya kanyang bahay nila ang mga yun kaya't dumeretso na sila sa kwarto..*
mae: grabe ka hanna..dalawang malalaking tao sa lugar natin at mga magagandang nilalang pareho mong tinutuhog..
hanna: ano ba yung tinutuhog..
mae: pinagsabay...
hanna: ano??
mae: anong tawag jan sa pareho kang muntik na tabihan ng dalawa anong nangyari..
rona: Diyos ko ka naman hanna..
hanna: game lang yun napaka imposibleng maging kami..."hanna may tumatawag sayo sa labas.."
hanna: sino?
senior: puntahan mo nalang sa labas...
*lumabas si hanna ngunit sumama ang mga kaibigan dahil magpipyesta sigurado may mga lasing na.
paglabas ni hanna ay si maybeth..may bitbit na helmet naka bmw bigbike eto*
maybeth: hi hanna..
hanna: wow naman ang ganda...
maybeth: ilang taon na sakin yan...
maybeth: kaya ako nandito kasi nga diba may pag uusapan tayo..halika na sakay na...
*binigay sa kanya ni maybeth ang isang helmet at kinuha naman nya iyon..ngunit bago pa nya iyon maisuot ay may malakas na bumusina galing sa likuran nila at maya maya pagtigil ay si joan iyon naka porche black matindi ang pagkasimangot...*
Joan: saan kayo pupunta??
maybeth: may idi discuss lang ako sa kanya...
joan: saan mo idi discuss bakit dipa dito??
*at napatingin din eto ng masama kay hanna at kinuha ang helmet*_____________________________________
Eeyyy! Naglabasan na nga ng mga magagarang sasakyan!!! Magpa impress lang kay hanna my labs...